Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 8- REVIEWER

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Nagkaroon kami ng pagsusulit sa bawat asignatura. Ngunit kahit isa wala akong naipasa. Ano ang aking gagawin?

a)

A. Mangagaya ako sa aking katabi

b)

B. Gagawa ako ng kodigo bago ang pagsusulit

c)

C. Mag-aaral ako ng mabuti lalo na pag may pagsusulit

d)

D. Babayaran ko na lamang ang aking guro upang pakiusapan na ipasa ako

2.

Nakagawa ako ng pagkakamali sa aking ina kaya’t pinangaralan ako. Ngunit hindi ko na nagugustuhan ang pagsasaway niya sa akin sapagkat masakit sa aking kalooban. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Sasagutin ko ang aking ina dahil karapatan ko ito bilang mamamayan

b)

B. Hindi ko na lamang pakikinggan ang aking ina upang hindi ako masaktan

c)

C. Pupunta ako sa aking mga kaibigan upang ilabas ang aking sama ng loob sa aking ina

d)

D. Tatanggapin ko na lamang ang pagpapayo ng aking ina at sisikapin kong hindi na maulit ang pagkakamaling nagawa ko

3.

May takdang aralin kayo sa EsP kaya humingi ka ng panload sa iyong magulang upang makapagsearch ka sa internet ngunit ang isang kaibigan mo ay niyaya ka na maglaro muna ng mobile legend kahit saglit. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Mas uunahin ko ang aking pag-aaral para sa aking kinabukasan

b)

B. Iboblock ko ang aking kaibigan sa facebook para makaiwas sa distraction

c)

C. Hindi na lang ako magoonline kahit kailan upang makapagfocus sa aking pag-aaral

d)

D. Dahil hindi naman ako binabantayan ng aking magulang mas uunahin ko muna ang aking laro

4.

Dahil sa kahirapan, inalok ka ng iyong kaibigan na gumawa ng krimen gamit ang online upang magkapera. Dahil sa nais mong matupad ang iyong pangarap pinagiisipan mo kung dapat mo bang kunin ang pagkakataon na ito upang may maipangtustos ka sa iyong pag-aaral? Ano ang marapat mong isipin at gawin?

a)

A. Kung paano hindi mahuhuli ng awtoridad

b)

B. Ang maitutulong ng paraan nito sa pagtataguyod ng iyong buhay

c)

C. Ang malawak na epekto nito kung ito ba ay makakabuti o makakasama

d)

D.   Pasalamatan ang iyong kaibigan dahil sa pag babahagi ng kanyang kaalaman kung paano kumita

5.

Mahirap lamang ang iyong pamilya at alam mong sa sarili mo na hindi kakayanin ng iyong magulang na paaralin ka sa pamamagitan ng online class bilang bagong pamamaraan ng pagtuklas ng kaalaman sa new normal. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Titigil na lamang ako sa pag-aaral

b)

B. Pipilitin ko ang aking magulang na bumili ng mga gadget sa pag-aaral

c)

C. Imbes na magmukmok lalabas na lang ako ng bahay upang makipaglaro

d)

D. Mag-aaral pa din ako dahil mayroon namang ibang pamamaraan sa pamamagitan ng modular

6.

Batid mong puyat si kuya pero siya ang nautusang tumapos ng pagbabalot ng mga paninda sa inyong negosyo. Alin sa mga nabanggit na kilos ang dapat mong gawin?

a)

A. Piliting gisingin si kuya dahil mahuhuli na ang pagdedeliber ng mga paninda

b)

B.   Sabihin sa magulang na hindi pa nagagawa ng kuya mo ang trabaho para mapagalitan ito

c)

C.   Magkusang balutin ang mga paninda kahit na hindi mo alam ang tamang gagawin sa mga  ito  

d)

D.   Saglit na gisingin si kuya at magpaturo sa kaniya ng tamang pagbabalot upan masimulan mo na ang trabaho

7.

Malapit na ang enrolment ng iyong bunsong kapatid. Batid mong wala pang naipong pangbayad sa matrikula ang iyong magulang dahil nawalan ng trabaho ang iyong ama. Ano kaya ang tama mong gawin sa ganitong sitwasyon?

a)

A. Ipahihiram ko muna ang perang naipon ko

b)

B. Papayuhan ko silang ilipat na lamang sa pampublikong paaralan ang aking kapatid para kaparehas mo na siya   

c)

C. Ipaliliwanag ko sa aking kapatid ang totoong sitwasyon namin sa buhay dahil sa pandemyang Covid 19 upang kusang loob na siyang magpalipat sa pampublikong paarala

d)

D. Ipo-post ko sa facebook na nangangailangan kami ng tulong pinansiyal para sa pag-aaral ng aking kapatid nang sa gayon ay makalikom kami ng sapat na pera na pambayad sa kanyang matrikula sa darating na pasukan

8.

Driver ng taxi ang iyong ama. Sa tuwing uuwi siya ng bahay ay pagod na pagod ito at diretso agad sa pagyakap sa inyo sabay punta sa hapag kainan ng hindi man lamang naghuhugas ng kamay. Batid mo ang peligrong maaari niyang makuha sa maling gawing ito dahil siya ay nakaharap sa iba’t ibang pasaherong puwedeng positibo sa Covid 19. Ano ang pinakamainam mong gawin sa ganitong sitwasyon?

a)

A. Sabihan ang ama na maghugas muna ng kamay bago kumain

b)

B. Layuan ang ama at sabihang maligo muna ito bago kayo yakapin

c)

C. Bigyan ng alkohol ang ama pagkapasok pa lamang ng inyong bahay

d)

D. Kausapin nang mabuti ang ama sa maaaring mangyari kapag hindi niya ginawa ang mga tamang hakbang para makaiwas sa virus at turuan siya ng tamang gawin

9.

Nabalitaan mo na ang iyong kaibigan ay nagtitinda online ng mga pagkaing iniluluto ng kanyang ina. Nais mo rin itong subukin ngunit batid mo na wala kayong perang puwedeng gamiting puhunan sa pagtitinda. Ano ang naiisip mong paraan na kaya mong gawin para makatulong sa iyong pamilya?

a)

A. Makikisali ako sa aking kaibigan para makahingi ng komisyon kahit maliit na halaga lamang

b)

B. Titingin ako sa internet ng iba pang puwedeng pagkakitaan na hindi nangangailangan ng   

        puhunan at lakas-loob ko itong susubukin

c)

C. Kukumbinsihin ko ang aking ina na manghiram ng pera sa bumbay upang makapagsimula

        kami ng negosyo online

d)

D. Magtitipid na lamang ako ng aking allowance araw-araw upang makaipon ng perang

        pampuhunan upang mapakita ko sa aking kaibigan na kaya ko ring magkaroon ng negosyo

online katulad niya

10.

Halos apat na buwan ka ng nakatigil sa inyong bahay dahil sa Covid 19, lahat na yata ng puwedeng paglibangan ay nagawa mo na. Nasanay ka na sa araw-araw na gawain mo mula paggising hanggang pagtulog. Napagtanto mo na wala ka pa halos nagagawang kapaki-pakinabang para sa iyong pamilya. Alin sa sumusunod ang pinakaposible mong maisakatuparan sa loob ng madaling panahon?

a)

A. Mag-aaral magluto at magtitinda online

b)

B. Mag-eehersisyo at magpipigil na sa pagkain

c)

C. Magtitipid ng kuryente at titigil na sa pamimili online ng mga gamit na di naman kailangan

d)

D. Gigising nang maaga araw-araw, maglilinis ng bahay at maghahanap ng mga gawaing     bahay na kaya mong gawin

11.

Mahalagang turuan ng magulang ang kanilang na gamitin sa wasto ang kanilang kalayaan upang maisapuso na mahalaga sa tao kung ano siya hindi sa kung anong mayroon siya.

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

12.

Mahalagang maipaunawa ng magulang sa kanilang anak na magkaroon ng bukas na komunikasyon sa pagsangguni ng mga pagpaplanong nais isagawa

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

13.

Sa murang edad pa lamang, dapat na maikintal sa isipan ng bata ang paniniwala na gagabay sa kanila sa paggawa ng masama at mabuti

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

14.

Tungkulin ng magulang, katuwang ang iba pang institusyon na itaguyod ang pag-aaral ng anak

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

15.

Kapag may problemang dinaranas ginagamit ng magulang ang pagkakataon na ito upang mahubog ang ispirtuwal na pamumuhay ng anak

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

16.

Upang hindi magsisi sa huli, mahalagang hingin ang pagpapayo ng magulang lalo na kung naguguluhan sa pagbibitiw ng desisiyon

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

17.

Bata pa lang ako naituro na akin ng aking magulang ang kahalagahan ng panalangin sa Diyos lalo na kung nais kong malayo sa kapahamakan

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

18.

Sa tuwing may nais akong gawin palagi kong isinasaalang-alang ang pagpapayo sa akin ng magulang na isipin ng paulit-ulit ang magiging kahihinatnan nito

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

19.

Ipinapakita ko ang pagpapahalaga sa mga turo na asal ng aking magulang sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito

a)

A. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos na edukasyon

b)

B. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa mabuting pagapapasiya

c)

C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang pananampalataya

d)

D. Wala sa nabanggit

20.

Sa tuwing ako’y nagkakamali , ang Diyos ang unang-una kong hinihingan ng tawad at sinisikap na hindi na ulit magawa ang pagkakamaling aking pinagsisihan