Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 4 - AP - 1st Quarter - Yunit 1

Total questions: 40

Worksheet time: 1hrs 20mins

Name
Class
Date
1.

Ang mundo ay binubuo ng mga kontinente. Ilang kontinente ang meron sa ating mundo?

a)

5

b)

6

c)

7

d)

8

2.

Ito ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan.

a)

bansa

b)

kontinente

c)

arkipelago

d)

isla

3.

TAMA o MALI: Mayroong 195 na bansa sa buong mundo.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa apat na elemento upang masabing isang estado ang bansa?

a)

tao

b)

teritoryo

c)

pamahalaan

d)

likas na yaman

e)

soberaniya

5.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mali?

a)

Ang Asia ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.

b)

Ang Antarctica ang pinakamaliit na kontinente sa buong mundo.

c)

Mayroong 7 kontinente sa buong mundo.

d)

Ang Africa, North America, at South America ay bahagi ng 7 kontinente sa mundo.

6.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mali?

a)

Ang mga elemento upang maging estado ang isang bansa ay itinakda noong Disyembre 26, 1993.

b)

Ang isang bansa ay maituturing na estado kung nagtataglay ito ng teritoryo, tao, pamahalaan at soberaniya.

c)

Itinakda ang mga elemento ng pagiging estado sa Montevideo Convention sa Paraguay.

d)

Ang soberaniya ay tumutukoy sa isang ganap na kalayaan.

7.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang layunin ng isang pamahalaan?

a)

Pagsilbihan at pangalagaan ang kapakanan ng mga tao.

b)

Bumuo ng mga grupo at organisasyon para sa kalusugan at kapayapaan.

c)

Gumawa ng mga bahay para sa mga mahihirap.

d)

Kunin ang pera ng taong bayan.

8.

Ano ang tumutukoy sa grupo ng mga mamamayan na sama-samang naninirahan sa loob ng teritoryo? Sila rin ang dahilan kung bakit may pamahalaan.

(a)  

9.

Tama o Mali: Ang isang bansa ay may karapatang ipagtanggol ang sarili, karapatan sa pantay na trato, karapatan sa ari-arian, hurisdiksyon, at diplomasya.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Alin sa mga paliwanag o theory ang tumutukoy sa paglikha ng mga estado o bansa bilang kasunduan o kontrata sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan?

a)

Paggamit ng Lakas o Force Theory

b)

Likas na Pagbabago o Evolutionary Theory

c)

Kasunduang Panlipunan o Social Contract Theory

d)

Banal na Paglikha o Divine Origin Theory

11.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaan na magtakda ng kautusan, pamahalaan ang mga taong nasasakupan at teritoryo, at kilalaning isang malayang bansa ang isang pamahalaan?

a)

tao

b)

pamahalaan

c)

teritoryo

d)

soberaniya

12.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mali?

a)

Karapatan ng isang bansa na gumamit ng lakas o puwersa upang lababan ang anumang panganib.

b)

Karapatan ng isang bansa na saklawan lamang ang mga taong nasa loob ng bansa.

c)

Karapatan ng isang bansa na proteksiyonan ang kanilang mga mamamayan.

d)

Karapatan ng isang bansa na magpadala ng kinatawan sa ibang bansa para sa pakikipag-ugnayang diplomatiko.

13.

Alin sa mga elemento ng pagiging estado ang tumutukoy sa organisasyong politikal na itinaguyod ng mga tao.

(a)  

14.

Tama o Mali: Tumutukoy sa panlabas na soberaniya ang pangangalaga sa sariling kalayaan at pamumuhay na hindi pinanghihimasukan ng ibang bansa.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Alin sa mga sumusunod ang mali tungkol sa TERITORYO?

a)

Ang mga bansa sa buong mundo ay pare-parehas ng sukat at laki.

b)

Kasama sa teritoryo ng isang bansa ang mga likas na yaman.

c)

Isang tiyak na lugar na binubuo ng mga lupain, katubigan at himpapawid at submarinong bahaging lugar.

d)

Ang mga tao ay naninirahan dito na ginagabayan ng pamahalaan.

16.

Alin sa mga sumusunod na paliwanag o theory ang tumutukoy na ang isang estado o bansa ay pamumunuan ng mga malalakas ang mga mahihina.

a)

Likas na Pagbabago o Evolutionary Theory

b)

Kasunduang Panlipunan o Social Contract Theory

c)

Paggamit ng Lakas o Force Theory

d)

Banal na Paglikha o Divine Origin Theory

17.

Ano ang mainam na batayan sa pagtukoy ng lawak ng teritoryo ng Pilipinas?

(a)  

18.

Ano ang tawag sa likhang-isip na guhit na nagdurugtong sa mga pinakadulong bahagi ng kapuluan?

(a)  

19.

Ano ang tawag sa 200 milya mula sa baseline?

(a)  

20.

May mga bansa na nagaangkin sa Spratly Islands. Alin sa mga sumusunod ang bansa na HINDI nagaangkin dito?

a)

Malaysia

b)

Amerika

c)

Brunei

d)

China

21.

Alin sa mga kasunduan ng Pilipinas ang tumutukoy sa pagkakasama ng Turtle Islands at Mangsee Islands sa teritoryo ng Pilipinas noong Hulyo 2, 1930?

a)

Tratado ng Paris o Treaty of Paris

b)

Tratado ng Washington o Treaty of Washington

c)

Kasunduan sa pagitan ng United States at Great Britain

d)

Walang naturang kasunduan

22.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Artikulo Blg. 1 ng Saligang Batas ng 1987?

a)

Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang Pilipinas.

b)

Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng himpapawid at dagat teritoryal.

c)

Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng lahat ng iba pang teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas.

d)

Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng iba pang bansa tulad ng China at Taiwan.

23.

Anong dokumentong legal ang pinirmahan noong Hunyo 11, 1998 na tumutukoy sa Spratly Islands (Pulo ng Kalayaan) ay bahagi na ng Pilipinas?

a)

Dekreto ng Pangulo (Presidential Decree) Blg. 1596

b)

Dekreto ng Pangulo (Presidential Decree) Blg. 1598

c)

Dekreto ng Pangulo (Presidential Decree) Blg. 1594

d)

Dekreto ng Pangulo (Presidential Decree) Blg. 1590

24.

Ano ang mainam na batayan sa pagtukoy ng lawak ng teritoryo ng Pilipinas?

(a)  

25.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas?

a)

Nagsisilbi itong pintuan ng Asia.

b)

Maraming mga manggagawa na magsisilbi sa ibang malapit na bansa.

c)

Mainam na daan para sa kalakalan.

d)

Daanan ng mga eroplano at barkong internasyonal.

26.

Anong kasunduan ang tumutukoy sa mga sumusunod na pangungusap:

  • - Muling nagbayad ang United States ng 100 libong dolyar sa Spain upang muling mapasama ang Cagayan, Sibuto, at Sulo.

  • - Nilagdaan ito noong Disyembre 10, 1898

a)

Kasunduan sa pagitan ng Great Britain at United States

b)

Tratado ng Washington o Treaty of Washington

c)

Tratado ng Paris o Treaty of Paris

d)

Walang naturang kasunduan

27.

Alin ang MALI sa mga sumusunod na pangungusap?

a)

Binubuo ang Pilipinas ng mga pulo na 300,780 kilometro kuwadrado.

b)

Ang lawak ng sakop ng katubigan ng Pilipinas ay higit 679,800 kuwadrado.

c)

Ang Pilipinas ay makikita sa gawing Northeast Asia ng mundo.

d)

Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng 4° at 21° hilagang latitud at 116° at 126° silangang longhitud.

28.

TAMA o MALI: Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay protektado ng Saligang Batas.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Ano ang bahagi ng karagatan ng Philippine Sea na tinatayang 250 kilometro sa hilagang baybayin ng Dinapigue, Isabela?

a)

West Philippine Sea

b)

Pulo ng Saluag

c)

Pusan Point sa Mindanao

d)

Benham Rise

30.

Ano ang ibig sabihin ng UNCLOS?

(a)  

31.

Sinong presidente ng Pilipinas ang pumirma ng dokumento na ang mga Pulo ng Kalayaan sa Spratly Islands ay bahagi ng Pilipinas.

a)

Ferdinand Marcos

b)

Diosdado Macapagal

c)

Corazon Aquino

d)

Gloria Macapagal Arroyo

32.

TAMA o MALI: Ang Pilipinas ay bahagi ng Samahan ng Nagkakaisang Bansa (United Nations Organization) at Samahan ng mga Bansa sa Southeast Asia (ASEAN).

a)

Tama

b)

Mali

33.

Noong Mayo 16, 2017, ang Benham Rise ay binago ang pangalan. Ano na ang tawag sa Benham Rise ngayon?

a)

Philippine Benham

b)

Philippine Rise

c)

Benham Philippines

d)

Majestic Benham

34.

Ano ang bahaging lupa na karugtong ng isang kontinente na nagreresulta sa pagbabaw ng karagatan?

a)

kalapagang kontinental

b)

kalapagang bansa

c)

kalapagang Pilipinas

d)

kalapagang teritoryal

35.

TAMA o MALI: Ang Benham Rise ay hindi bahagi ng extended continental shelf ng Pilipinas at hindi bahagi ng exclusive economic zone.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Ano ang tawag sa karagatang sakop ng Pilipinas?

a)

territorial ocean

b)

territorial seas and oceans

c)

territorial sea

d)

sea oceans

37.

TAMA o MALI: Nasa Pilipinas ang karapatan na tuklasin at gamitin ang mga likas na yaman sa Benham Rise.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Alin sa mga sumusunod na paliwanag ang naglalaman na ang bansa ay galing sa lumaking pamilya na naging angkan at naging pamayanan?

a)

Paggamit ng Lakas o Force Theory

b)

Likas na Pagbabago o Evolutionary Theory

c)

Banal na Paglikha o Divine Origin Theory

d)

Paggamit ng Lakas o Force Theory

39.

Sinong presidente ng Pilipinas ang pumirma sa pagkakabisa ng Benham Rise bilang Philippine Rise?

a)

Rodrigo Duterte

b)

Noynoy Aquino

c)

Gloria Macapagal Arroyo

d)

Ferdinand Marcos

40.

Anong kautusan ang pinirmahan ni Presidente Duterte upang ang Benham Rise ay tawaging Philippine Rise?

a)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 20

b)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 30

c)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 35

d)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 25