Font size
WorksheetsAP_Grade6.Reviewer
Total questions: 40
Worksheet time: 23mins
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga Pilosopo na nakilala sa kaisipang Liberal sa Pranses
Voltaire
Baron de Mariana
Francois Marie Arouet
Jean Jacques Rousseau
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nasulat na akda ni Marcelo H. del Pilar?
Noli Me Tangere
Hibik sa Pilipinas
Dasalan Tocson
Caligat Cayo
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa kahalagahan ng Lokasyon ng ating bansa?
nagsisilbing pandaigdigang paliparan sa mga sasakyang panghimpapawid
nagsisilbing daungan ng mga gawaing pangkalakalan
maraming nakikipag-ugnayan na mga bansa
maaring ipagtanggol ang Pilipinas ng mga kalapit na bansa kapag may mga nananakop
Bakit binitay ang Tatlong Paring Martyr?
dahil sila ay napagbintangang namuno sa pag-aalsa
dahil sila ang nagtatag ng Kilusang Propaganda
dahil sila ay kalaban ng mga Espanyol sa pagiging Gobernador
dahil sila ay napatunayan na nagnanakaw ng pera ng mga tao
Alin sa mga mga sumusunod na pahayag ang naglalaman ng Benevolent Assimilation?
Ang Pilipinas ay magiging kolonya na ng Estados Unidos.
Lahat ng mga kailangan ng Pilipinas ay ibibigay ng Espanya.
Magbabayad ng dalawáng pûng (20) milyong dolyar ang Espanya sa Pilipinas
Ang mga Amerikano ang magsisilbing kaibigan at mangangalaga sa kaligtasan ng bansa
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa kasunduan sa pagpupulong ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS?
Pinagtitibay ang Doktrinang Edukasyon.
Inaprobahan ang EEZ o Exclusive Economic Zone
Nasa 12 nautical miles ang hanggahan ng Teritoryo sa palibot ng kapuluan
Ang sakop ng isang bansa ay may hanggang 200 nautical miles mula sa batayang guhit
Bakit nagkaroon ng Kasunduang Bates?
upang isuko ng mga muslim ang kanilang kalayaan sa mga Amerikano
upang maiwasan ang pagkamatay ng mga sundalong Amerikano at Pilipino
upang hindi na maging suliranin o balakid ang mga Muslim sa Pananakop ng mga Amerikano sa bansa
upang magbayad ng buwis sa tamang oras ang mga Muslim at maiwasan ang mga Pananakop sa Visayas
Ito ang tumutukoy sa mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
Peninsulares
Insulares
Ilustrado
Mestizo
Alin sa mga sumusunod ang kasama sa mga unang lalawigan na nagsimula maghimagsik
Nueva Ecija
Cebu
Ilocus
Pangasinan
Alin sa mga sumusunod ang Kolonya ng bansang Espanya
Puerto Rico
Europa
Pranses
Estados Unidos
Bakit si Gregoria de Jesus ang tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”?
dahil nasawi siya habang nakikipaglaban sa mga Espanyol
dahil siya ang natatanging babaeng Heneral ng himagsikan
dahil kinupkop at pinakain niya ang mga Katipunero sa kanyang tahanan.
dahil asawa siya ni Andres Bonifacio at katuwang sa pag-iingat ng papeles ng Katipunan
Bakit nabuo ang Kilusang Propaganda?
upang maipaabot sa mga Espanyol ang kanilang mga hiling
upang maipaabot sa mga Espanyol ang mga paraan para umunlad ang bansa
upang magkaroon ng pagbabago nang hindi dumadanak ang dugo ng mga Pilipino
upang makapag-aral ang mga Pilipino at makagawa ng mga reporma upang mas maging makapangyarihan ang bansa
Ano ang naging bunga ng sorpresang pagatake ni Heneral Abanador sa Isla ng Samar?
Napatay ang mga batang babae mula sampung taong gulang pababa
Isinuko ng Espanya ang kanilang mga kolonya
nanghina ang La Liga Filipina
napatay ang mga sundalong amerikano
Saan nakuha ng mga Pilipino ang Liberal na Kaisipan?
Estados Unidos
Espanya
Pranses
Cuba
Sino sa mga sumusunod na kababaihan ang nagkaroon ng partisipasyon sa Himagsikan
Gregoria Montez
Graciella Garcia
Melchora Lopez Jaena
Agueda Kahabagan
Tama o Mali
Hindi makatarungan ang ginagawang paghihiganti ng mga Amerikano sa mga tao sa Balangiga
(a)
Tama o Mali
Itinatag ni jose Rizal ang La Liga Filipina
(a)
Alin sa mga sumusunod ang hindi Propagandista
Jose Pangilinan
Juan Luna
Graciano Lopez Jaena
Jose Rizal
Ano ang naitulong ni Mechora Aquino sa mga Katipunero?
Siya ang naging pinuno ng mga ito
Siya ay nag sakripisyo para sa mga katipunero
Siya ang naging espiya ng mga katipunero
Siya ang nagalaga sa mga Katipunero
Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto ng pagbubukas ng SUez Canal?
Nagpunta sa Pilipinas ang maraming Dayuhan
dumami ang populasyon ng bansa
Yumaman ang buong bansa dahil sa pagmimina ng ginto sa suez canal
Bumilis ang komunikasyon at transportasyon
Sino ang unang patnugot ng La Solidaridad?
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Graciano Lopez Jaena
Jose Rizal
Ito ang opisyal na pahayagan ng Katipunan?
Diyaryong Tagalog
kalayaan
La Solidaridad
Balitang KKK
Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan?
Dumalo ang mga Español sa pagtitipon nito
May nagsiwalat sa mga gawain nito
Nag-alsa ang mga myembro nito
Ninakaw ang kanilang mga Cedula at ibinigay sa mga Espanyol
Bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español?
Wala itong mahusay na pinuno
Hindi malinaw ang layunin nito
Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
kaunti ang bilang ng mga Pilipino noon
Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng Katipunan?
Makamit ang kalayaan ng Pilipinas
Pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino
Pagpapatupad sa mga layunin ng Kilusang Propaganda
Pagtatanggol sa mga mahina at maralitang mamamayan
Sa pamamagitan ng Dekretong ito nagkaroon ng tyansa na makapag aral babae man o lalaki, mayaman o mahirap.
Usaping Edukasyon
Dekretong Edukasyon
Kasunduan ng Edukasyon
Education Assimilation
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa mga pangyayari sa Cavite Mutiny?
Dinakip at pinapatay si Bonifacio at Propocopio
namuno ang mga Paring sekular sa mga pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Binitay sa Bagumbayan ang mga napagbintangang namuno sa pag-aalsa
nabuo ang Kilusan Propaganda
Alin sa mga sumusunod ang HINDI layuninng LA Liga Filipina
Pag-isahin an mga Pilipino
Magkaroon ng pantay na karapatan ang mga babae at lalaki
Mag-aral at magsagawa ng mga reporma
mapaunlad ang sistema ng edukasyon, pagsasaka sa bansa
Nahati sa dalawang paksiyon ang Katipunan. Ito ay ang pinamumunuan ni Mariano Alvarez
Magdiwang
La Liga Filipina
Kilusang Propaganda
Magdalo
Tama o Mali
Inakusahan ng pagtataksil sa bayan si Andres Bonifacio at kapatid na si Procopio. Bilang parusa sila ay pinatay sa Bundok Nagpatong, Tarlac
(a)
Alin sa mga sumusunod ang TOTOO matapos mapatay si Bonifacio
nahati sa dalawa ang Katipunan
Nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano
Namatay ang asawa ni Andres Bonifacio
humina ang mga mapanghimagsik
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TOTOO tungkol sa Kasunduan sa Biak-na-Bato
Nagkaroon ng hidwaan ang Pilipino at Espanyol
Naghiganti ang mga Amerikano
Naitatag ang bagong Saligang Batas hango sa Saligang batas ng Cuba
Nasakop ng Espanya ng mga Amerikano
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TOTOO tungkol sa Deklarasyon ng Kasarinlan ng mga Pilipino
Si Andres Bonifacio ang naging Direktor ng Interyor
Nagkaroon ng bagong Kongreso sa Bulacan
Ipinakita sa buong daigdig na ang Pilipinas ayisa nang ganap na malayang bansa
nasakop ng mga Amerikano ang Pilipinas
tama o mali
Nakahimpil ang Barkong Maine sa Havana, Cuba at ito ay biglang lumubog
(a)
tama o mali
Nakita ang totoong layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas sa pamamagitan ng Kasuduan sa Paris
(a)
Ito ang Heneral na nakipag kasundo kay Sultan ng Jolo upang hindi maging hadang ang mga Muslim sa pananakop sa Pilipinas
Heneral Dougas Bates
Heneral Carl Bates
Heneral Francis Bates
Heneral John Bates
Pinaputukan niya ang mga Pilipinong hindi tumigil nang sigawan silang huminto sa isang baryo sa Sampaloc
William Walter Greyson
Fredrick Funston
George Dewey
Felipe Agoncillo
Ano ang naging bunga ng itinuro ni Januario Galut ang lihim na daan sa tuktok ng Paso?
Napasuko si Andres Bonifacio
Dinakip si Emilio Aguinaldo
Pinagbayad ang mga Espanyol ng 20 milyong dolyar
Madaling nagapi ang mga pilipino at nasawi si Greogorio del Pilar
Sino ang namuno sa labana n sa Balangiga
Januario Galut
Valeriano Abanador
George Dewey
Miguel Malvar
kinatawaan ng Pilipinas sa Paris
Miguel Malvar
Felipe Agoncillo
Gregorio del Pilar
William Walter Grayson
