wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quiz

Total questions: 14

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang climate change ay tinatalakay hindi lamang bilang usaping pangkapaligiran o pangkalikasan kundi pati _________________.

a)

pulitikal, pang-ekonomiya, at panlipunan

b)

pang-ekonomiya, pulitikal, at pantahanan

c)

pangtao, pulitikal, at pantahanan

d)

pangtao, pampamayanan, at pang-ekonomiya

2.

Alin sa sumusunod ang isang likas na dahilan ng climate change?

a)

pagpasok ng mga bagyo

b)

pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan

c)

pag-ikot ng mundo sa axis nito

d)

pagkatunaw ng yelo sa North Pole

3.

Alin sa sumusunod na gawain ng tao ang nakadadagdag sa epekto ng climate change?

a)

paggamit ng mga natural fertilizer sa mga pananim

b)

pagsusunog ng fossil fuels

c)

paggamit ng renewable energy gaya ng solar energy

d)

pagtatanim ng mga puno

4.

Paano nakatutulong ang paggamit ng renewable energy para mabawasan ang epekto ng global warming?

a)

Nakatutulong ito upang makita natin ang mas malalang epekto ng global warming.

b)

Nakatutulong ito upang maging bukas ang ating kaisipan sa mga epekto ng global warming.

c)

Nakatutulong ito upang mabawasan ang pagsusunog ng fossil fuels.

d)

Nakatutulong ito upang magamit natin ang agham upang malutas ang mga suliranin ng mundo.

5.

Paano nakakaapekto ang climate change sa kalagayan ng tao sa mundo?

a)

Mas nabibigyang pansin ang pagbabago ng klima ng mundo.

b)

Nagdudulot ito ng malalakas at mapaminsalang kalamidad katulad ng bagyo na nararanasan sa bansa.

c)

Nagkaroon ng malawakang kamalayan ang mga mamamayan sa mundo.

d)

Nagkakaroon ng inspirasiyon ang mga taong labanan ang mga epekto ng climate change.

6.

Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi totoo?

a)

Walang lunas sa mga hamong dulot ng climate change.

b)

Kailangang magkaisa ang lahat upang hindi lumala ang mabilis na pagbabago ng ating klima

c)

Ang ating gobyerno ay may mahalagang gampanin sa usaping climate change.

d)

Kailangan nating umaksyon laban sa climate change.

7.

Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa climate change bilang isang isyung pulitikal?

a)

Mahalaga ang paglikha ng pampulitika at pampublikong consensus para sa mga aksiyong gagawin.

b)

Lahat ng sangay ng pamahalaan ay may mahalagang gampanin sa pagtugon sa climate change.

c)

Magmamahal ang presyo ng bilihin sa merkado.

d)

Tinatalakay rin dapat ng mga batas ang climate change at ang kapaligiran.

8.

Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalahad kung bakit isyung pang-ekonomiya ang climate change?

a)

Nakakaapekto ang climate change sa mga magsasaka at mangingisda.

b)

Mahalaga ang ating ekonomiya sa pang-araw-araw na buhay.

c)

Ang ilan sa mga malalaking kompanya at korporasyon ay gumagamit ng makinaryang nagbubuga ng maruruming gases.

d)

Maaaring magtaas ang presyo ng mga bilihin sa merkado dahil sa kakulangan ng suplay.

9.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad kung bakit isyung panlipunan ang climate change?

a)

Nangangailangan ng mas marami pang mga puno sa komunidad.

b)

Hindi naaapektuhan ang araw-araw na gawain ng tao.

c)

Naaapektuhan ang mga mahihirap na sektor gayundin ang mga developing countries.

d)

Nagmamahal ang presyo ng mga bilihin sa merkado.

10.

Bakit mahalagang talakayin ang climate change?

a)

Dahil lahat tayo ay apektado at may magagawa sa isyung ito.

b)

Dahil kailangang umaksiyon ng pamahalaan upang masolusyonan ito.

c)

Dahil ang kabataan lamang ang may kakayahang tumugon dito.

d)

Dahil ang mga nakatatanda lamang ang may magagawa sa usaping ito.

11.

Paano nakaaapekto ang climate change sa aspektong pampulitika,

pang-ekonomiya, at panlipunan?

4 lines
12.
  1. Sa iyong sariling pakahulugan, ano ang climate change ?

  2. Ano ang maaaring maging epekto ng climate change sa mundo?

  3. Bakit isang kritikal na usapin ang climate change?

  4. Paano nakaaapekto ang climate change sa aspektong pampulitika,

4 lines
13.

Bakit isang kritikal na usapin ang climate change?

4 lines
14.

Ano ang maaaring maging epekto ng climate change sa mundo?

4 lines