WorksheetsNagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyo
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
Akin na muna ang iyong aklat.
Ipahiram mo sa akin ang aklat mo.
Maaari ko bang gamitin ang aklat mo?
Ibigay mo sa akin ang aklat mo, bilis!
Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?
Naku, hindi ko kayo kilala.
Nay, nandito ang kaibigan ninyo.
Wala po dito si Nanay, umalis na kayo.
Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Nanay.
Isang umaga, binisita ni Shella ang klinika ni Dra. Acepcion. Paano niya ito babatiin?
Magpapakonsulta sana ako.
Kumusta ka na, Dra. Acepcion?
Magandang umaga po, Dra Acepcion.
Dra. Acepcion, magpapakonsulta ako.
Inutusan ka ng iyong itay na bumili ng mantika sa tindahan. Ano ang isasagot mo?
Opo, Itay.
Ayoko, Itay.
Saglit lang, Itay.
Mamaya na, may ginagawa pa po ako.
Pinuntahan mo sa kanilang bahay si Ken. Ngunit kapatid niya ang nagbukas sa pintuan. Ano ang iyong sasabihin?
Nandiyan ba si Ken?
Magandang umaga, si Ken?
Hinahanap ko si Ken, nandiyan ba siya?
Magandang umaga po, nandiyan po ba si Ken?
Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?
Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.
Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.
Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.
Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?
Sige na inay, payagan na po ninyo ako.
Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.
Opo, Inay, gagawa nalang po ako ng aking takdang-aralin.
Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan na ninyo ako.
Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng iyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?
Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito.
Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.
Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.
Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?
Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?
Wala iyon, Ma’am.
Magaling po talaga ako.
Maraming salamat po, Ma’am.
Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.
Lalabas na sana si Angie sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang kaniyang mga kamag-aral sa may pintuan. Ano ang nararapat niyang sabihin?
Padaan nga.
Makikiraan po sa inyo.
Umalis nga kayo diyan.
Huwag kayong humarang sa pintuan.
