wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 10 First Quarter Reviewer

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?

a)

Puso

b)

Pamumuhay ng isang tao

c)

Ang mga maling nagawa ng tao

d)

Kung ang kilos ay tama o mali

2.

Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa kasalukuyang panahon.

a)

Likas na Batas Moral

b)

Konsensya na nahubog sa likas na batas moral

c)

Kalayaan

d)

Isip, Puso at kamay

3.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang _____________.

a)

Katotohanan

b)

Kapayapaan

c)

Yaman

d)

Katalinuhan

4.

Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa.

a)

Kilos-loob

b)

Konsensiya

c)

Mga batas

d)

May awtoridad

5.

Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan tungkol sa paghubog ng konsensiya?

a)

Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw.

b)

Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.

c)

Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan.

d)

Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.

6.

Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?

a)

Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya.

b)

Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral.

c)

Dahil nakasanayan na nating manalangin.

d)

Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos.

7.

Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?

a)

Batas

b)

Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.

c)

Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral

d)

Mga batas ng mga may awtoridad

8.

Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata ang paghubog ng konsensiya?

a)

Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.

b)

Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap.

c)

Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan.

d)

Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.

9.

Nagpasya si Maria na sapat na ang makakuha ng pasadong marka. Ayon sa kanyang pagtatantiya hindi naman kailangang laging mataas ang marka. Subalit nabanggit ng kanilang guro minsan na mahalagang makakuha ng mataas na marka kung nais ng isang mag-aaral na kumuha ng kursong pagiging nars sa kolehiyo. Aling salik ang nakaligtaan ni Maria sa pagbuo ng kanyang pasya na sapat na ang pasadong marka?  

a)

Kaalaman sa Sitwasyon

b)

Sapat na impormasyon

c)

Gabay ng magulang

d)

Lahat ng nabanggit

10.

Matiyagang nakikinig at binabalangkas ni Pedro sa kanyang kuwaderno ang mga paliwanag ng kanyang mga guro sa bawat aralin araw-araw. Batid niya na hindi kaya ng kanyang mga magulang na bumili ng smartphone kaya siya’y nagpasyang gumawa ng sariling outline.

Aling salik ng pagpapasya ang lalong nakatulong sa pagbuo ng ganoong pasya?  

a)

Impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya.

b)

Sitwasyong kinakaharap ng kanyang pamilya.

c)

Mga Gabay o pangaral ng mga magulang.

d)

Lahat ng nabanggit.

11.

Ito ay kilos na ginagamitan ng malalim at malawak na pag-iisip.

a)

Pagpapasiya

b)

Pananagutan

c)

Pagsasalita

d)

Paggamit ng Konsensya

12.

Si Rico ay nais bumili ng Ice cream “to heal his inner child”. Mayroong Strawberry and Chocolate ngunit sapat lang ang kanyang pera para sa isa. Sa huli, nag desisyon sya na bilhin ang chocolate Ice cream. Ano ang ipinakita ni Rico?

a)

Kalayaan

b)

Pasya

c)

Pananagutan

d)

Kilos-loob

13.

Si Mica ay nais ligawan ng kanyang kamag-aral ngunit naalala nya ang pangaral ng kanyang mga magulang na huwag munang makikipag relasyon. Anong salik ng pagpapasiya ang tumutukoy sa pangaral ng mga magulang o nakatatanda?

a)

Payo

b)

Gabay

c)

Impormasyon

d)

Sitwasyon

14.

Bago gumawa ng isang pagpapasiya, nangangailaangan ng maingat na pagsusuri sa ________.

a)

Gabay

b)

Payo

c)

Impormasyon/ Sitwasyon

d)

Kilos-loob

15.

Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalaga, panuntunan o patakaran na makakatulong sa pagpapasya.

a)

Payo

b)

Gabay

c)

Sitwasyon

d)

Impormasyon