wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SCIENCE3 Q1 SY2023-2024

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa mga bagay na may bigat o timbang at nakakakuha ng espasyo?

a)

atoms

b)

mass

c)

matter

d)

molecules

2.

Saan matatagpuan ang libro, lapis, pisara at chalk?

a)

ospital

b)

paaralan

c)

palengke

d)

tahanan

3.

Sa anong paraan maaring pangkatin ang bola, holen at lobo?

a)

hugis

b)

bigat

c)

kulay

d)

laki

4.

Alin sa mga sumusunod na bagay ang magaspang?

a)

baso

b)

hollowblocks

c)

papel

d)

salamin

5.

Ano ang amoy ng cologne?

a)

mabaho

b)

mabango

c)

maasim

d)

walang amoy

6.

Ito ay mga bagay na may sariling hugis na karaniwang matigas at magaspang.

a)

solid

b)

gas

c)

liquid

d)

volume

7.

Anong uri ng matter ang sumusunod sa hugis ng lalagyan at may iba't-ibang paraan ng pagdaloy?

a)

gas

b)

liquid

c)

solid

d)

volume

8.

Ito ay isang uri ng matter na hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit, ito ay nararamdaman?

a)

solid

b)

mass

c)

gas

d)

liquid

9.

Alin sa mga sumusunod na liquid ang mabilis dumaloy?

a)

gatas na malapot

b)

ketchup

c)

alcohol

d)

shampoo

10.

Alin sa mga sumusunod ay may tamang pangkat ng solid?

a)

upuan, kama, cabinet

b)

bola, soda, patis

c)

toyo, suka, mantika

d)

oxygen, helium, hangin mula sa electric fan

11.

Si nanay ay naghanda ng suka, toyo, at mantika para sa pagluluto. Anong uri ng matter napapangkat ang mga inlhanda ni nanay?

a)

solid

b)

gas

c)

liquid

d)

laki

12.

Alin sa mga sumusunod na solid ang matigas?

a)

papel

b)

bato

c)

unan

d)

bulak

13.

Ito ay parihaba na malambot na ginagamit sa pagtulog. Ano ito?

a)

bulak

b)

libro

c)

kumot

d)

unan

14.

Alin sa mga sumusunod ang liquid na walang amoy?

a)

alcohol

b)

tubig

c)

pintura

d)

cologne

15.

Anong paraan ng pagdaloy ang toyo, suka, at patis?

a)

mabilis dumaloy

b)

mabagal dumaloy

c)

katamtamang dumaloy

d)

hindi dumadaloy

16.

Ang pabango, cologne, alcohol, lotion, shampoo, conditioner, liquid soap, dishwashing liquid, liquid detergent ay mga halimbawa ng liquid na

a)

mabaho

b)

mabango

c)

maasim

d)

walang amoy

17.

Ang oxygen ay kailangan natin upang

a)

gumanda

b)

mabuhay

c)

tumaba

d)

wala sa mga binanggit

18.

Ang gas ay walang sariling hugis. Ito ay sumusunod lamang sa kaniyang sisidlan.

a)

mali

b)

hindi

c)

tama

d)

wala

19.

Anong uri ng matter ang nasa loob ng lobo?

a)

solid

b)

gas

c)

liquid

d)

hangin

20.

Ang materyal na gas ay maraming naitutulong sa atin.

a)

tama

b)

hindi

c)

mali

d)

wala sa mga nabanggit

21.

Inutusan ka ng nanay mo na ilagay ang mantikilya sa mainit na kawali habang hinihiwa niya ang sibuyas. Anong pagbabagong naganap sa mantikilya?

a)

Tumigas ang mantikilya.

b)

Dumami ang mantikilya sa loob ng mainit na kawali

c)

Natuyo agad ang mantikilya sa loob ng mainit na kawali

d)

Unti-unting nalulusaw ang mantikilya sa loob ng mainit na kawali.

22.

Ano ang sanhi ng pagbabago sa mantikilya sa naunang bilang?

a)

Dahil sa apoy ng kalan.

b)

Dahil sa mainit na temperatura na galing sa apoy ng kalan.

c)

Dahil mainit ang kawali na nakasalang sa ibabaw ng may sinding kalan.

d)

Lahat ng nabanggit.

23.

Ano ang tawag sa prosesong naganap sa mantikilya?

a)

evaporation

b)

freezing

c)

melting

d)

sublimation

24.

Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagbabago mula solid patungong liquid?

a)

b)

c)

d)

25.

Bumili ng ice - cream si Tatay sa isang grocery bago umuwi sa kanilang bahay, bilang sorpresa sa may kaarawan nyang anak. Natuwa naman si Ana at nagyayang kainin nila ang dalang ice - cream ni Tatay. Hindi nila naubos lahat ang ice-cream, saan nila dapat ilagay ito?

a)

Sa loob ng kabinet.

b)

Sa loob ng freezer.

c)

Iwanan lang sa ibabaw ng mesa.

d)

Ipatong sa mataas na lugar

26.

Bakit kailangan ilagay sa freezer ang ice - cream? Para ito ay

a)

malusaw

b)

dumami

c)

tumamis

d)

tumigas

27.

Ano ang prosesong naganap sa ice-cream?

a)

Condensation

b)

Evaporation

c)

Freezing

d)

Precipitation

28.

Alin sa mga bagay ang maaaring ilagay sa freezer upang magkaroon ng yelo na magagamit sa inumin?

a)

tubig

b)

softdrinks

c)

juice

d)

alcohol

29.

Ano ang mangyayari kapag napabayaan mong kumukulo ang tubig sa takure/kaldero habang nakasalang ito sa apoy ng kalan? Ang tubig ay

a)

aapaw

b)

dadami

c)

matutuyo

d)

mag-iiba ng kulay

30.

Nagsagawa kayo ng experimento sa Agham gamit ang alcohol at acetone na nakalagay sa tig-isang boteng maliit na parehas ang sukat. Inilagay ito sa isang sulok ng silid. Pagkatapos ng 20 minutos, ano ang maaaring mangyari?

a)

Walang pagbabago sa dalawang materyal.

b)

Nabawasan ang sukat ng dalawang materyal.

c)

Naunang nabawasan ang sukat ng acetone kesa alcohol.

d)

Naunang nabawasan ang sukat ng alcohol kesa sa acetone.

31.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagbabago ng isang bagay mula sa liquid patungong gas?

a)

kumukulong tubig

b)

Fire extinguisher

c)

Tumigas na yelo

d)

natunaw na tsokolate

32.

Ang inyong pangkat ay naatasang magsagawa ng isang pagsusuri sa pagbabagong magaganap sa napthalene ball sa dalawang magkaibang lugar. Ang isa ay ibinilad sa labas ng silid na direktang nasisikatan ng araw at iyong isa naman ay nasa isang sulok ng silid malayo sa sikat ng araw. Pagkalipas ng 30 minuto, sinuri ninyo ang resulta ng inyong ginawa. Ano ang maari ninyong makita?

a)

Ang unang platito na nabilad sa labas ng silid ay nanatili ang dami kesa sa isang platito na nasa loob ng silid.

b)

Mas kumonti ang napthalene ball sa isang platitong binilad sa araw kesa sa isang platitong nasa silid.

c)

Nabawasan ang dami ng napthalene ball sa platitong inilagay sa isang sulok ng silid.

d)

Parehas pa rin ang dami ng napthalene ball sa dalawang platito.

33.

Ano ang sanhi ng pagbabagong naganap sa napthalene ball?

a)

Ang init ng temperatura sa labas ng silid ay nakatulong sa pagbabago.

b)

Ang init ay walang epekto sa pagbabagong naganap.

c)

Ang solid na napthalene ball ay solid pa rin.

d)

Ang hangin ang sanhi ng pagbabagong naganap.

34.

Masdan ang larawan ng mga bagay. Alin sa mga ito ang nagpapakita na ang solid na bagay ay nagiging gas?

a)

b)

c)

d)

35.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagbabago sa solid kapag nainitan?

a)

Napabayaan na yelo sa platitong nasa ibabaw ng mesa.

b)

Ibinilad ni ate ang mga isda sa bilao sa init ng araw.

c)

Nagsampay ng basang damit sa labas ng bahay.

d)

Pinakuluang karne ng baka.

36.

Ano ang nangyari sa buko juice kapag inilagay sa isang plastik sa loob freezer?

a)

Walang pagbabago naganap sa buko juice.

b)

Ganoon pa rin ang anyo ng buko juice.

c)

Nag-iba ng kulay ang buko juice.

d)

Tumigas ang buko juice.

37.

Masdan ang larawan ng beaker na may lamang 10 mL na tubig na ibinilad sa ilalim ng init ng araw sa loob ng 15 minuto. Tingan at pag-aralan kung ano ang mangyayari. Ano ang pagbabagong nagganap sa antas ng tubig?

a)

Nadagdagan ang dami ng tubig sa beaker dahil sa pagkabilad nito sa init ng araw.

b)

Nabawasan ang dami ng tubig sa beaker dahil sa pagkabilad nito sa init ng araw.

c)

Tumaas ang antas ng tubig sa beaker dahil sa pagkabilad nito sa init ng araw.

d)

Walang pagbabagong naganap.

38.

Piliin sa mga sumusunod na gawain na nagpapakita ng pagbabagong nagaganap sanhi ng temperatura.

a)

Ang pinakuluang tubig ay napabayaan.

b)

Ang basang damit na sinampay ni nanay sa labas ng bahay ay ibinilad sa araw.

c)

Mabilis na tumigas ang ginawang fruit shake nang inilagay ito sa loob ng freezer.

d)

Lahat ng nabanggit ay nagpapakita ng pagbabago sanhi ng temperatura.

39.

Ano ang mangyayari sa yelo na nasa loob ng baso kapag ito ay naiwan ng buong araw sa ibabaw ng mesa?

a)

Ang yelo ay nanatiling matigas.

b)

Ang yelo ay nalusaw at nagging gas

c)

Naging water vapor ang yelo na nasa baso.

d)

Unti-unting nalulusaw ang yelo at naging tubig

40.

Maraming naipon na nalusaw na kandila ang anak ni Aling Nena noong nakaraang taon ng sila ay dumalaw sa sementeryo. Nanghihinayang si Aling Nena na itapon ito,kung kaya't ginawa niya itong floorwax, Inilagay nya ang mga kandilang durog sa isang lata at kanyang ipinatong sa may sinding kalan at hinaluan ng konting petroleum gas. Ano ang pagbabagong naganap sa durog na kandila?

a)

Ang kandilang durog ay sumingaw.

b)

Lumiit ang mga durog na kandila ng nainitan.

c)

Nalusaw ang kandila sa loob ng lata ng ito ay nainitan.

d)

Lahat ng nabanggit ay naganap sa kandila ng ito ay nainitan.