Font size
WorksheetsARALING PANLIPUNAN 5
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
Silangang Asya
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Timog Silangang Asya
Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.
Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
Karagatang Indian
Karagatang Atlantiko
Karagatang Pasipiko
Karagatang Arktiko
Anong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
Kiribati
Micronesia
Moluccas
Palau
Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
base militar
opisina
paaralan
palaruan
Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
edukasyon
ekonomiya
relihiyon
Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Ebolusyon
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Bulkanismo
Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
Teorya ng Tulay na lupa
Teorya na Continental drift
Mitolohiya
Sitwasyon
Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
Teorya ng Ebolusyon
Teorya ng Bulkanismo
Apoy
Relihiyon
Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang maykapangyahiran na tinatawag na
Diyos
Tubig
Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
Badjao
Bagobo
Manobo
Igorot
Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
Datu
Lakan
Babaylan
Diyos o Allah
Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao sa bansa batay sa mitolohiya?
Gumamela
Narra
Kawayan
Mangga
Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
Pananakop
Pakikipagkalakalan
Pakikipagkaibigan
Pagpapakilala ng relihiyon
Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?
Panahong Neolitiko
Maagang Panahon ng Metal
Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
tumira sa mga yungib
magsaka at mag-alaga ng mga hayop
mangaso at mangangalap ng pagkain
pakikipagkalakalan
Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
bagani
bayani
pulis
sundalo
Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao maliban sa isa. Alin sa mga ito?
bomoto o pumili ng lider
magkaroon ng kayamanan
pagiging kapalit ng datu
pumili ng mapangangasawa
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong pre-kolonyal?
ari-arian
diborsyo
krimen
pag-aaral
Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
pananakop
pagbili o pagbabayad
pag eespiya
sanduguan
Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may mga pagtitipon?
bagani
gat
lakan
umalohokan
Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
pag-aararo
pagbabakod
pagnarnarseri
Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
pagsasaka
pangingisda
pangangaso
pagiging katulong sa ibang bansa
Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
pagpapalayok
paghahabi
paggawa ng sasakyang pandagat
paggawa ng kasangkapang elektroniks
Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?
barter
komunismo
open trade
sosyalismo
Anong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?
Cebu
Davao
Manila
Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto?
latero
panday
Ang ______ ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-kolonyal.
bato
dahon
plastik
perlas
Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?
karpentero
mason
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong pre-kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
may sariling teritoryo
may sariling pamahalaan
may pananampalatayang Kristiyano
may sistema ng pagbasa at pagsulat
Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
Alipin
Pagiging kriminal
Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
nagkaroon sila ng isang paligsahan
kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
nakipagkasundo ang mga barangay sa isa't isa sa pamamagitan ng sandugo
Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
asul
berde
itim
pula
Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?
pamahalaang lokal
pamahalaang lalawigan
pamahalaang sultanato
pamahalaang pambarangay
Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at ililibing?
paglilinis sa katawan
pagpapadala ng pera at pagkain
pagbibihis ng magarang kasuotan
paglalagay ng langis sa katawan
Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
Islam
Animismo
Hudaismo
Kristiyanismo
Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
Luzon
Mindanao
Samar
Visayas
Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang
bumisita
makipaglaban
makipagkalakalan
manakop
Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang
espirito
kaugalian
wika
sulat
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang
Uri ng pananamit
Paraan ng pagsulat
Kultura
Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
Abakada
Alibata
Latin
Baybayin
Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong pamilya. Ito ay isa sa mga
Ala-ala
Kaalaman
Kontribusyon
Simbolo
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
Sistema ng pagsulat
Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa Relihiyong Islam.
Muslim
Hudyo
May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling
Awit at Sayaw
Panitikan at Sining
