wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na misa. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin mo?

a)

makisabay ka sa pagsigaw

b)

Suwayin sila at pagsabihang tumahimik

c)

suntukin sila

d)

pabayaan sila dahil 'trip' nilang sumigaw

2.

Ayon sa gintong kautusan, ano ang dapat mong gawin sa iba?

a)

mabuting gawa

b)

masamang gawa

c)

walang gagawin

d)

huwag isipin ang kautusan

3.

Si Gng, Mendez ay isang mabuting kristiyano at palaging nagsisimba tuwing Linggo. Nakasuot siya ng ____ bilang paggalang sa Panginoon..

a)

short at sleeveless

b)

pormal na damit

c)

mini-skirt

d)

backless

4.

Gustong sumali sa inyong grupo si Marvin na isang sabadista. Dahil dito inayawan siya ng iyong kagrupo. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?

a)

Opps' di ka pwede sa aming grupo

b)

Halika, welcome ka sa grupo

c)

Alis, ayaw namin sa Sabadista

d)

Layas, di ka bagay dito

5.

Ang mga Kristiyano ay nangingilin sa panahon ng Mahal na Araw, ang mga Muslim naman ay nagpupuasa tuwing _____.

a)

Ramadan

b)

Kuwaresma

c)

Misa de Gallo

d)

Araw ng mga Patay

6.

Isang muslim si Kareem na kaibigan ni Alex. Araw ng Biyernes , isinama ni Kareem si Alex sa loob ng Moske. Ano ang dapat gawin ni Alex?

a)

sasama siya ngunit magtext - text lang sa loob

b)

sasama at makinig sa sinasabi ng Imam

c)

matutulog sa loob ng moske

d)

pagtawanan ang paraan ng kanilang pagsamba

7.

Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi ka naman Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?

a)

Ay, ayoko, di naman ako Katoliko

b)

Sasali ako kahit na labag sa kalooban ko

c)

hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang inyong pananampalataya

d)

kukutyain ko kayo sa inyong ginagawa

8.

Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat ng ate mo na galing sa abroad. May inanyayahan siyang kaibigan na isang Muslim. Pagdating sa oras ng kainan, ano ang gagawin mo?

a)

pabayaan siya sa ibang bisita sa pagkain ng putaheng baboy

b)

iwanan siya ng putaheng pwede niyang makain

c)

paalisin na lang siya

d)

hindi na lang siya pakainin

9.

Paano mo ipakikita ang paggalang sa pook dalanginan ng mga Iglesia ni Cristo, kahit hindi ka kaanib?

a)

umawit nang malakas sa harapan ng pook dalanginan

b)

sulatan ang dingding at pinto ng bahay sambahan

c)

maglaro ng asketol haang nagsisimba

d)

iwasan ang paglikha ng ingay malapit sa pinto

10.

Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Manalig tayo sa Kanya. Ang taong may ____ay hindi natatakot.

a)

tapang

b)

pagtitiwala sa Diyos

c)

pagdarasal sa buong araw

d)

pagbabalewala

11.

Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat na gawin?

a)

ipaayos ang makina ng kotse

b)

ibenta dahil luma na

c)

ipagwalang bahala ito

12.

May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga nito, nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?

a)

balewalain ang masamang epekto

b)

tumangging sumali agad

c)

masigasig na lumahok sa kilusang ito

13.

Nagpasiya ang mag-anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?

a)

hindi, dahil sa masamang eprkto nito

b)

Oo, sayang ang kikitain nito

c)

balewalain ang pumupuna

14.

May inilunsad na gawaing pansibiko na 'Clean and Green' sa inyong lugar, Ano ang iyong gagawin?

a)

makilahok sa mga gawaing ito

b)

sasali dahil sa sariling interes

c)

hindi dahil nakakapagod

15.

Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?

a)

pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito

b)

isumbong sa kapitan ng barangay

c)

pabayaan lang siya

16.

Naglalakad ka papunta sa silid-aklatan nang makita mo ang isang batang nagtatapon ng balat ng saging sa daanan, Ano ang iyong gagawin?

a)

isumbong sa punong guro

b)

pagsabihang pulutin dahil maging sanhi ito ng aksidente

c)

murahin siya

17.

Nakita mong gumagamit ng bawal na gamut ang anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang magagawa mo para matulungan siya?

a)

Isusumbong sa guro

b)

pagalitan siya

c)

Sasabihin ang nakita sa kanyang magulang

d)

isumbong sa pulis

18.

Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na pumunta sa palengke. Alin dito ang iyong gagawin.

a)

manood muna ng telebisyon

b)

magluluto muna bago manood

c)

matutulog muna bago magluto

19.

Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?

a)

pabayaan silang di-magkasundo

b)

gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo

c)

sigawan mo sila

20.

Tanghali na at hindi pa dumating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong makatulong. Alin sa mga ito ang dapat mong gawin?

a)

magpaturo kung paano magsaing sa kapitbahay

b)

utusan ang kapatid na siyang gumawa

c)

walang gagawin

21.

Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?

a)

magbigay agad ng pasya

b)

iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya

c)

magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan

d)

pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

22.

Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang. Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?

a)

Si Kris dahil siya ay may higit na pangangailangan

b)

Si Rose dahil gusting-gusto niya ang regalo

c)

Si Rose dahil mayaman

d)

magbunutan sila kung sino ang bibigyan

23.

Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng doctor. Nagpasya siyang manirahan sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?

a)

tama, dahil mataas ang sahod doon

b)

tama, dahil masarap manirahan sa abroad

c)

hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo

d)

hindi, dahil baka ma 'KARMA' siya

24.

Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?

a)

ipagwalang bahala ito

b)

dadalo dahil nakapangako ka

c)

hahanap ng 'alibi'

d)

ipagpapatuloy ang gagawin

25.

Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

kagalitan ang bata

b)

bigyan ng pagkain ang bata

c)

ipagtabuyan ang bata

d)

murahin ang bata

26.

Igalang natin ang ____________ o pook sambahan ng mga Muslim.

a)

Kapilya

b)

Katedral

c)

Ermita

d)

Moske

27.

Ang pagdalo sa ______________ ay isang tungkulin na kusang ginagampanan ng mga Katoliko sa madaling araw tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

a)

Ramadan

b)

Mesa de Gallo

c)

Araw ng mga Puso

d)

A at C

28.

Tuwing araw ng Linggo, sabay-sabay na nagsisimba ang mag-anak ni Mang Andoy? Bakit kaya sila nagsisimba?

a)

wala silang magawa sa bahay

b)

magpasalamat sa mga biyayang natanggap

c)

mag-usyoso sa simbahan

d)

ipakita ang magagarang damit

29.

Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos.

a)

pagmamahal sa kapwa

b)

pagdarasal sa buong araw

c)

pagbibigay ng pagkain

d)

pagbabale-wala sa kapwa

30.

Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw-araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?

a)

tutulong muna sa paglilinis bago manglaro

b)

maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada

c)

tutulong na nakasimangot

d)

tutulong na magdadabog

31.

Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?

a)

tumulong upang solusyonan ang problema

b)

ipagwalang-bahala ang problema

c)

tawanan ang problema

d)

gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema

32.

Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang ang karapatang ito?

a)

kumain ng junk foods araw-araw

b)

uminom ng softdrinks araw-araw

c)

uminom ng gatas, kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw

d)

iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

33.

Gusto mong mapaunlad nang maayos ang ating bansa. Ano ang tungkulin ng mamamayan na dapat nating sundin.

a)

walang pakialam sa mga tungkulin ng gobyerno

b)

sumunod lamang kung sinasabi ng gobyerno

c)

pagbayad ng buwis sa takdang panahon

d)

pagbabawas ng halaga sa dapat bayaran

34.

Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral.

a)

gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro

b)

gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin

c)

pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin

d)

pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baon na pera

35.

Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa magulang.

a)

ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain

b)

ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain

c)

ang pagkamainisin sa kanyang gawain

d)

ang pagkamatiyaga sa kanyang gawain

36.

Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang

       ang karapatang ito?

a)

a. kumain ng junk foods araw-araw

b)

b. uminom ng softdrinks araw-araw

c)

c. uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw

d)

d. iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

37.

Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?

           

a)

a. tumulong upang masolusyonan ang problema  

b)

b. ipagwalang-bahala ang problema

c)

c. tawanan ang prtoblema

d)

d. gawin ang nais na solusyon sa problema

38.

Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na

     Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketbol tuwing araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?

a)

a. tutulong muna sa paglilinis bago manglaro

b)

b. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada

c)

c. tutulong na nakasimangot

d)

d. tutulong na magdadabog

39.

Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagkilala ng tamang impormasyon? 

 


a)

a. ano ang mayroon

b)

b. datos at patotoo

c)

c. larawan 

d)

d. lugar kung saan nakuha

40.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakatutulong?

a)

a. Si Annabelle ay nakinig ng tsismis ng kapitbahay.

b)

b. Sumunod si Beth sa ipinag-uutos ng mga frontliners.

c)

c. Palagi si Luis nanonood sa Youtube.

d)

d. Mas pinahalagahan ni Dante ang sabi ng kapitbahay na hindi alam kung totoo.

41.

Alin ang nagsasaad na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon?

a)

a. Si Martin ay gumamit ng Google upang makatulong sa kanyang mga aralin.

b)

b. Si Myla ay nagtanong sa kanyang ate ng tamang sagot sa kanyang gawaing bahay.

c)

c. Nanood si Melvin ng sine.

d)

d. Ipinagkakalat ni Sonia sa fb ang fakenews para sa dami ng likes.

42.

Paano ang wastong paggamit ng social media?

        

                                            

a)

a. maglalaro ng online games

b)

b. mag-tiktok  

c)

   c. maglalaan ng oras sa paggamit

d)

d. buong araw naka-online

43.

Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase ay maaaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito totoo, ano ang gagawin mo?

a)

a. Magsasaliksik gamit ang internet

b)

b. Magtatanong sa nanay.

c)

c. Magbabasa sa facebook.

d)

d. Magtatanong sa kaklase.

44.

  Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwag.

a)

Pagkamatapat

b)

Pagmamahal sa katotohanan

c)

Katatagan ng loob

d)

Pagkamahinahon

45.

Pagmaiksi ang kumot matutong mamaluktot

a)

Katatagan ng loob

b)

Pagkamatiyaga

c)

Pagmamahal sa katotohanan

d)

Pagkamapagtiis

46.

Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga

a)

Pagkamapagtiis

b)

Pagkamatiyaga

c)

Pagkamatapat

d)

Katatagan ng loob

47.

Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw

a)

Pagkamatapat

b)

Pagkamahinahon

c)

Katatagan ng loob

d)

Pagmamahal sa katotohanan

48.

Kapag may katuwiran ipaglaban mo

a)

Pagkamatiyaga

b)

Pagmamahal sa katotohanan

c)

Katatagan ng loob

d)

Pagkamahinahon

49.

Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

a)

Pagkamatiyaga

b)

Pagmamahal sa katotohanan

c)

Pagkamapagtiis

d)

Katatagan ng loob

50.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

a)

Pagkamatapat

b)

Pagkamahinahon

c)

Pagkamapagtiis

d)

Katatagan ng loob