WorksheetsGrade School Unit - Araling Panlipunan 5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ang 3D na modelo ng mundo. Ito ang pinakatumpak na kahugis ng ating daigdig.
globo
compass rose
mapa
iskala
Ang mga sumusunod ay tinatawag na imahinasyon o likhang-isip maliban sa isa.
latitude
Tropic of Cancer
longitude
Tropic of Pisces
Ito ay tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan o posisyon ng isang lugar o bansa sa daigdig.
absolute o tiyak na Lokasyon
relatibong lokasyon
payak na Lokasyon
tugmaang lokasyon
Ito ang linyang pahiga na naghihiwalay sa Hilagang Hatingglobo (Nothern Hemisphere) at Timog Hatingglobo (Southern Hemisphere).
equator
prime meridian
longitude
latitude
Saan matatagpuan ang Pilipinas sa Kontinente ng Asya?
Timog-silangang Asya
Hilagang-silangang Asya
Hilagang-kanlurang Asya
Timog-kanlurang Asya
Pagtukoy sa kinalalagyan ng bansa o lugar sa pamamagitan ng karatig bansa o mga anyong tubig na nakapaligid dito.
absolute o tiyak na Lokasyon
relatibong lokasyon
payak na Lokasyon
tugmaang lokasyon
Ito ay nagpapakita ng mga arrow na tumutukoy sa mga pangunahin at sekondaryang direksyon sa isang lugar.
compass rose
north arrow
simbolo
iskala
Inilalarawan nito ang pangkaraniwang kalagayan ng panahon o kondisyon ng atmospera na tumatagal sa loob ng mahabang panahon.
panahon
El Nino
Klima
La Nina
Tinutukoy nito ang pagtaas ng temperatura ng mga lupain at katubigan ng daigdig. Iniuugnay ito sa pagdami ng greenhouse gases na nagmula sa mga sasakyan, pabrika, at produksiyon ng koryente.
global warming
climate change
greenhouse gasses
acid rain
Ang klima at panahon sa Pilipinas ang isa sa dahilan kung bakit nahihikayat ang mga dayuhang turista na bumisita sa bansa. Ano ang klima na meron tayo sa ating bansa?
klimang tropikal
klimang polar
highland
presipitasyon
