Font size
WorksheetsFILIPINO 7_SIR. LAURENCE
Total questions: 50
Worksheet time: 38mins
Ano ang isang uri ng panitikan na lumaganap saka nagpasalin-saling salaysay ng mga tao sa isang pook o lugar.
Kuwentong bayan
Maikling kuwento
Kuwento ng lugar
Kuwento ng Maranao
Sino ang Diyos ng mga Muslim at lahat ng mga nilalang Ayon sa Islam?
Mohammed
Jehova
Allah
Jesus
Sa kuwentong bayan ng Maranao, bakit kinakailangang magkaroon ng asawa ang mahal na datu?
Ang mahal na datu ay tumatanda na kaya kailangan niya nang mapapangasawa bago manlang tuluyan siyang mamaalam sa mundo.
Kakaunti na lamang ang natitirang oras ng mahal na datu dito sa mundo bunga ng malubhang karamdaman.
Kailangang mag-asawa ng mahal na datu upang magkaroon siya ng tagapagmana.
Lahat ng nabanggit.
Ano ang kulturang masasalamin mula sa kuwentong-bayan na pinamagatang 'Nakalbo ang Datu'?
Ang pagbubunot ng puting buhok sa mga Muslim ay nakakabata.
Ang pagbubunot ng itim na buhok sa mga Muslim ay suwerte sa pagsasama ng mag-asawa.
Tungkol sa pag-aasawa ng mga Muslim na lalaki na maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa basta kayang sustentuhan ang pangangailangan ng mga ito.
Tungkol sa pag-aasawa ng mga Muslim na babae na maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa basta minamahal ang bawat isa.
Kung ikaw sina Farida at Hasmin na mga Muslim ay papayag ka rin bang higit sa isa ang babaing minamahal ng iyong asawa?
Hindi po sapagkat masakit sa damdaming may iba pang minamahal ang aking asawa.
Hindi po dahil isa lang dapat ang asawa
Opo, sapagkat kami ay mga Muslim na sumusunod saka tumatalima sa mga ipinag-uutos ng aming Diyos na si Allah na magbibigay sa amin ng gantimpala sa kabilang buhay.
Opo, dahil kami ay mga Muslim na walang kakayang sumuway sa tradiyon ng Islam.
Kung ikaw ay isang kristyanong nakatira sa Mindanao ano ang iyong mararamdaman at gagawin sakaling mayroong Muslim na nagpakasal sa 2 babae?
Ako ay maiingit kaya maghahanap din ako ng iba pa maliban sa aking minamahal.
Maiinis ako kaya itsitsismis ko ang ginawa nila sa maraming tao.
Magagalak ako bunga nito ay dadalo ako sa kanilang kasiyahan upang malaman ang mga magagandang dahilan ng kanilang pagpapakasal nang higit sa isa.
Matutuwa ako, dulot nito ay babatiin ko ang bagong kasal sa pamamagitan ng regalo.
Matapos magising ng mahal na datu ay ubos na ang kaniyang buhok dulot ng dalawa niyang asawa, kung ikaw ang datu ay ano ang magiging reaksyon mo?
Ako ay magwawala sa galit.
Kakalbuhin ko rin ang umubos sa aking buhok.
Bilang isang Muslim ay magtitimpi na lamang ako sapagkat ito ay nangyari dahil sa pagmamahal ng 2 kong asawa.
Hindi ako magagalit ngunit hindi ko rin iimikan ang aking 2 asawa.
Ano ang mga pahayag na ginagamit upang maging kapanipaniwala ang ating mga sinasabi?
Hudyat ng mga salitang nagbibigay posibilidad.
Hudyat ng mga salitang nagbibigay patunay.
Mga pang-ugnay o pangatnig
Mga pang-ugnay na nagsasaad ng sanhi
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasing kahulugan ng salitang 'hudyat'?
Senyales
Paalala
Tanda
Malala
Bakit mahalagang gumamit ng mga hudyat na nagbibigay patunay?
Upang maging kapanipaniwala ang ating mga sinasabi maging ang mga isinusulat.
Para maniwala ang ating kausap kahit na hindi totoo ang ating mga sinasabi.
Dahil ang hudyat na ito ay lubhang mahalaga.
Lahat nang nabanggit.
Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng kababaihan sa pinamumunuang pamayanan, ano ang kasing kahulugan ng salitang may salungguhit?
Mapili
Maselan
Maarte
Sikat
"Ipinagmamalaki ang kabayanihang ipinakita ng mga sundalo ngayong panahon ng pandemic, totoong sila ay magigiting na tao kasi ginagampanan nila nang mahusay ang kanilang trabaho"
Aling salita sa pangungusap ang ginamit bilang hudyat na nagbibigay patunay?
Ipinagmamalaki
Totoong
Tunay nga
Kasi
"Sadyang nakatutuwa ang mga gawaing inihanda ng mag-aaral kahapon kahit pa malakas ang ulan."
Aling salita sa pangungusap ang ginamit bilang hudyat na nagbibigay patunay?
Kahit pa
Totoong
Sadyang
Nakatutuwa
"Ang Leon ay napakatapang, tunay ngang siya ang hari ng kagubatan sapagkat ang lahat ng hayop doon ay takot sa kaniya."
Aling salita sa pangungusap ang ginamit bilang hudyat na nagbibigay patunay?
Totoong
Sapagkat
Napakatapang
Tunay ngang
Ano ang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na nagpapahiwatig sa mga ugaling tinataglay ng tao sa pamamagitan ng mga hayop?
Kuwentong pambata
Alamat
Pabula
Parabula
Sa kuwentong 'Ang Aso at ang Leyon' kanino nanggaling ang impormasyon na si Batang Leyon ay niloko lang ni Matandang Aso?
Matandang Leyon
Ardilya
Kaibigan ni Leyon
Kuneho
Sa kuwentong 'Ang Aso at ang Leyon' bakit nakaligtas si Aso sa panganib na paglapa sa kaniya ni Leon?
Dahil nakonsensya si Leyon kaya hindi na niya nilapa si Aso
Sadyang mabait lang si Leyon
Dahil sa marami nang karanasan si Aso na kanyang nagamit upang makaligtas
Sapagkat magaling manlinlang si Aso
Sa kuwentong 'Ang Aso at ang Leyon' bakit mas pinili ni Matandang Aso na huwag labanan si Leyon?
Sapagkat alam niyang matatalo niya si Leyon
Kayang-kaya kasi niyang lapain si Leyon
Hindi na lang niya nilabanan pagkat naawa lang siya kay Leyon
Sapagkat alam niyang kahit bata pa ang Leyon ay sadyang malakas ito.
Kung ikaw si Aso, gagamitin mo ba ang iyong matutulis na pangil at lakas upang ipakita ang iyong katapangan para labanan si Leyon?
Opo, sapagkat ipapakita ko na malakas ako at hindi niya ako basta kayang talunin
Opo, dahil hindi ako papayag na mamaliitin lang ako ni Leyon
Hindi po dahil walang maidudulot na maganda ang pakikipag-away
Hindi po sapagkat ipinagbabawal ito sa ating paaralan
"Isang hapon habang papauwi ka galing sa paaralan ay hinarang ka ng limang batang lalaki upang hamunin ng away, “kung talagang matapang ka ay lumaban ka” malakas na sabi ng isa pero malumanay na sumagot kang “ayoko ng away” tinulak saka bigla kang sinipa ngunit hindi mo pinatulan."
1. Batay sa pangyayari, anong pag-uugali ang ipinakita mo sa pagkakataong iyon?
Pagkaduwag sa umaaway
Ang pagiging mahina
Pagiging mahinahon
Ang pagiging palaaway
"Isang hapon habang papauwi ka galing sa paaralan ay hinarang ka ng limang batang lalaki upang hamunin ng away, “kung talagang matapang ka ay lumaban ka” malakas na sabi ng isa pero malumanay na sumagot kang “ayoko ng away” tinulak saka bigla kang sinipa ngunit hindi mo pinatulan."
Batay sa pangyayari, kung isa ka naman sa 5 nangharang sa mag-aaral ano ang gagawin mo?
Hindi ko titigilan ang pagsipa sa kanya hanggang sa siya ay tuluyang mahimatay.
Tatakbo ako ng mabilis papalayo para magsumbong
Aawatin ko ang mga kasamahan ko saka tatawag ng nakatatanda
Sasaluhin ko ang mga pambubugbog ng aking mga kasama para ilitas ang nag-iisang bata.
Anong hudyat o pahayag ang dapat gamitin kung hindi tayo siguradong mangyayari ang balak nating gawin?
Hudyat ng mga salitang nagbibigay patunay
Hudyat ng mga salitang nagsasaad nang pagiging hindi sigurado
Hudyat ng mga salitang paasang mangyayari
Hudya ng mga salitang nagsasaad ng posibilidad
Ang mga sumusunod na salita ay halimbawa ng ekspresyong nagsasaad ng posibilidad maliban sa isa, ano ito ito?
Pwede
Maari
Sakali
Kung
Bakit mahalagang gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng posibilidad?
Upang magbigay pag-asa sa taong kausap natin na mayroong tsansang magawa natin ang isang bagay.
Para paasahin ang ibang tao na gagawin natin ang kanilang nais
Para magmukhang mabait sa taong kausap natin.
Lahat nang nabanggit
Sa paggamit ng mga salitang nagbibigay posibilidad, gaano kalaki ang tsansang magawa natin ang isang bagay?
100% na magagawa
50% na magagawa
10% na magagawa
0% o hindi kaya
Aling salita sa pangungusap ang nagsasaad ng posibilidad? 'Makakahanap ka nang trabaho kung hindi ka nakahiga at natutulog lang dyan'
Makakahanap
Trabaho
Kung
Baka
Aling salita sa pangungusap ang nagsasaad ng posibilidad? 'Nakapasa si Tanjiro sa pagsusulit marahil ay nag-aral siya nang mabuti.'
Nakapasa
Mabuti
Nag-aral
Marahil
Ano ang uri ng akdang pampanitikang nasa anyong tuluyan ang nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan?
Kuwentong bayan
Epiko
Alamat
Mito
Sa Kuwentong 'Prinsipe Bantugan' Sino ang nagbalita kay Haring Madali na pumanaw si Prinsipe Bantugan?
Ang Loro
Haring Miskoyaw
Mga kawal
Si Agila
Sa Kuwentong 'Prinsipe Bantugan' Bakit ipinagbawal ni Haring Madali ang paglapit kay Prinsipe Bantugan
Dahil inagaw ni Prinsipe Bantugan ang kanyang mga kasintahan
Dahil gustong agawin ni Prinsipe Bantugan ang kanyang trono
Siya ay naiinggit dahil halos lahat ng mga kababaihan ay nagkakagusto kay Prinsipe Bantugan.
Mayroon kasing samaan ng loob ang dalawang magkapatid
Sa Kuwentong 'Prinsipe Bantugan' Bakit biglang nagsilusob ang mga kalaban nang malaman nilang namatay si Prinsipe Bantugan?
Si Prinsipe Bantugan kasi ang Pinuno sa kaharian ng Bumbaran
Dahil wala na silang kaagaw sa mga dalagang nagkakagusto sa kanya
Sapagkat wala ang pinaka matapang saka pinaka malakas na magtatanggol sa kanila.
Lahat nang nabanggit
Kung ikaw si Prinsipe Bantugan ay aalis ka rin ba upang magpunta sa malayong lugar dahil sa inggit ng iyong kapatid?
Hindi po pagkat kailangan ng tagapagtanggol sakali mang lusubin ng kalaban ang aming kaharian
Maging ang sarili kong kapatid ay nag-utos ng ganong batas kaya ako ay lalayas na lamang.
A. Opo sapagkat hindi na ako nilalapitan ng mga tao.
Hindi po ngunit lalabanan ko ang aking kapatid.
Kung ikaw si Haring Miskoyaw na kalaban ng kaharian ng Bumbaran ay lulusubin mo rin ba sila sakaling malaman mong pumanaw ang pinaka malakas sa kanila?
Hindi po dahil ito ay pagpapakita ng pagiging tuso.
Hindi po pagkat mas pipiliin ko po ang kapayapaan kaysa manakop ng ibang kaharian.
Opo, upang masakop ang kanilang kaharian.
Opo, dahil sila ay aming kalaban.
Ano tawag sa mga salitang ginagamit sa pagitan ng 2 pangungusap o parilala upang pagkabitin ang mga ito?
Pang-ugnay
Panduktong
Pangkabit
Wala sa nabanggit
Anong uri ng Pang-ugnay ang nagpapahayag kung paano at bakit naganap ang isang pangyayari?
Pang-ugnay na nagsasaad ng sanhi
Pang-ugnay na nagsasaad ng bunga
Pang-ugnay na nagsasaad ng sanhi at bunga
Pang-ugnay na nagsasaad ng paano
1. Tukuyin kung sanhi o bunga ang may salungguhit, “masasarap na pagkain ang niluto ni Joan kaya tuwang – tuwa ang mga bata sa kaarawang dinaluhan.”
Sanhi
Bunga
Kaya
Kinahinatnan
Nagwagi ang Gilas Pilipinas kontra Tsina sapagkat nagpamalas sila ng Magandang teamwork. Alin sa bahagi ng pangungusap na ito ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari?
Nagwagi ang Gilas Pilipinas
Teamwork
Sapagkat nagpamalas sila ng Teamwork
Nagpamalas
Huwag mong gawin ang mali ______ wala iyang ibubungang maganda, anong pang-ugnay ang angkop na gamitin sa pangungusap?
Kaya
Kung
Ngunit
Sapagkat
Pinilit makawala ni Prinsipe Bantugan sa pagkakagapos _______ mailigtas ang kanilang kaharian laban sa mga kalaban. anong pang-ugnay ang angkop na gamitin sa pangungusap?
Dahil
Bunga nito
Sapagkat
Upang
Ano ang katawagan noon sa lalawigan ng Cotabato?
Kutang bato
Katobato
Kutung bato
Kotang batu
Anong uri ng panitikang nasa anyong tuluyan ang nagsasalaysay ng isang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral?
Sanaysay
Maikling kuwento
Salaysay
Kuwentong bayan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay dinarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino at Hindu ang kaharian ng Kutang-bato. Ano ang kahulugan ng salitang mangangalakal?
Taong nangunguha ng bakal, bote at dyaryo
Táong namumuhunan ng salapi sa pag-angkat at pagpapaangkat ng mga bagay-bagay na ukol sa kabuhayan.
Mamimili ng produkto
Si Reyna Sima
Bakit sinusunod ng mga tao si Reyna Sima kahit na siya ay babae?
Dahil siya ang Reyna
Dahil siya ang namumuno
Dahil matindi siyang magparusa
Dahil lagi siya nagpapatupad ng katapatan
Habang ikaw ay nasa loob ng CR ng isang mall ay napansin mong nahulog sa bag ng babae ang kanyang wallet o pitaka, ibabalik mo ba ito o hindi?
Ibabalik ko po ito kung bibigyan niya ako ng pabuya.
Ito ay ibabalik ko sapagkat masama ang mang-angkin ng hindi sakin
Hindi na po. Marami akong mabibili kapag nakuha ko ang pera sa pitaka.
Titignan ko po muna kung babalikan niya ngunit kung hindi na ay kukuhain ko na upang ipambili ng gamot ng aking inang nasa hospital.
Kabilin-bilinan sa iyo ng iyong Nanay na huwag gagalawin ang perang iniwanan niya sa ibabaw ng lamesa dahil ito ay pambayad sa kuryente. Ngunit nakalimutan mong humingi ng pera sa iyong nanay para ikaw ay mayroong ipambili ng tsokolate para sa iyong crush. Kukuhanin mo ba ang pera na iniwan ng iyong nanay o hihintayin na lamang ang iyong nanay para mabigyan ka ng pera?
Hihintayin ko nalang po na dumating ang aking nanay. Dahil hindi po tama na gastusin ko ang pera ng iba.
Babawas lang po dahil kaarawan ng aking crush kaya ibibili ko siya ng tsokolate, hindi pa naman mapuputol ang aming kuryente.
Sasabihin ko na lang pagkauwi ng aking nanay na hindi ko nakita ang perang iniwan niya upang makabili ako ng regalo.
Hindi na lang ako manliligaw dahil iba rin naman ang gusto ng taong gusto ko.
Anong elemento ng maikling kuwento ang naglalaman ng paglutas sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan?
Pagkalas
Pagtatagumpay
Kakalasan
Pagkabigo
Anong elemento ng maikling kuwento ang tumutukoy sa pinaka kapanapanabik na pangyayari sa kuwento?
Saglit na kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
“Habang umaaraw ay nakangiting naglalakad ang lalaking nakapayong, bigla siyang huminto upang sabihin sa iyo nang seryoso’t nakatingin sa iyong mga mata na katapusan na ng mundo sabay tawa.” Anong uri ng tunggalian ang ipinakikita sa pangyayaring ito?
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa mundo
“Ang paro-parong makulay ay palipad-lipad sa inyong bahay habang umiinom ka ng kape hanggang sa ito ay dumapo sa iyong balikat kasabay ng pag-agos ng iyong luha. Sa wakas mailalantad mo na ang tunay mong nadarama.”
Batay sa pangyayari suriin ang damdaming nakapaloob dito. Anong emosyon ang ipinahihiwatig sa salaysay na ito?
Malungkot
Masaya
Nalulumbay
Nagdadalamhati
Paano mo nailalapat ang konsepto ng “pag-usbong” o “pag-unlad” na makikita sa mga kuwento sa iyong sariling buhay?
Katulad sa magagandang mesahe ng kuwentong aking nababasa ay sisikapin ko pumasok sa paaralan araw-araw upang makamit ang aking pangarap kahit pa hindi ako gumagawa ng mga itinuturo ng guro.
Gagawin kong kapakipakinabang ang oras kaya sisiguraduhin kong makuha ang ngiti ng aking iniibig sa kabilang pangkat.
Isasabuhay ko ang mga magagandang mensahe sa kuwento na magpapaunlad sa kabutihan ng aking pag-uugali.
Pipilitin kong paunlarin ang aking sarili kahit walang baon ay papasok ako lagi, hihintayin
