WorksheetsPamamahayag 7 Q1 Rebyu
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ano ang tawag sa pampublikong dyornal at pangunahing publikasyon ng pamahalaan ng Pilipinas na pinamamahalaan ng Presidential Communications Operations Office na kung saan dito inilalathala ang mga teksto ng mga bagong batas, dekreto, regulasyon, kasunduan, legal
na abiso, at desisyon ng hukuman?
Official Gazette
Manila Bulletin
BBM's YT Channel
Republic of the Philippines
Si Bejourn Alis ay naisagawa nang maayos ang kanyang pananaliksik dahil nagkaroon siya ng access sa mga opisyal na record at dokumento na may mga kaugnayan sa opisyal na kilos at transaksyon ng pamahalaan. Anong Kalayaan ang tinatamasa ni Bejourn Alis?
Kalayaan sa Impormasyon
Kalayaan
Kalayaan sa Pamamahayag
Kalayaan sa Pagsasalita
Ano ang tawag sa kalayaan ng isang indibidwal kung naipapahayag niya ang kaniyang opinion at ideya nang walang takot sa paghihiganti, censorship o legal na parusa?
Kalayaan sa Impormasyon
Kalayaan
Kalayaan sa Pamamahayag
Kalayaan sa Pagsasalita
Si Gemma Mahayag ay isang mamamahayag na walang takot na magpahayag sa katotohanan at magpahayag sa kanilang sarili sa panulat o anumang paraang maipahayag ang personal na opinion o kalikhaan. Anong Kalayaan ang tinatamasa ni Gemma Mahayag?
Kalayaan sa Impormasyon
Kalayaan
Kalayaan sa Pamamahayag
Kalayaan sa Pagsasalita
Si Jessa Mali ay isang mamamahayag na may galit kay Ino Sente. Dahil sa kanyang galit ay ginawan niya ito ng tweet na nagsasabing si Ino ay magnanakaw na nagdulot sa pagkatanggal nito sa trabaho. Anong pahayag ng paninirang-puri ang ginawa ni Jessa?
Libel
Slander
Karapatang-ari
Paglusob sa Kapribaduhan
Si Ann na isang guro sa Matapat National High School ay nagalit kay Jeon dahil sa kakulitan nito sa klase. Dahil sa kanyang galit ay kanyang nasabihan ang bata sa harap ng mga kaklase at guro nito na si Jeon ay isang magnanakaw sa mga gamit ng kanilang paaralan kahit hindi totoo. Anong pahayag ng paninirang-puri ang ginawa ni Ann?
Libel
Slander
Karapatang-ari
Paglusob sa Kapribaduhan
Maituturing na libelo ang anumang paninirang-puri kung taglay nito ang mga sumusunod MALIBAN sa isa:
Paninirang-puri sa karangalan
Malisya
Pagpapalimbag ng paninira
Palaging nagpo-post sa socmed
Anong batas ang nagpapataw ng parusa sa mga doktrinang immoral, malalaswang publikasyon at ekhibisyon at mga di-disenteng palabas?
Paninirang-puri
Karapatang-ari
Batas Laban sa Kahalayan
Batas sa Pambansang Seguridad
Anong batas ang nagbabawal sa mga kilusang nag-uudyok ng rebelyon o sedisyon, paninira, sa anumang pamamaraan?
Paninirang-puri
Karapatang-ari
Batas Laban sa Kahalayan
Batas sa Pambansang Seguridad
Anong batas ang nagpoprotekta sa tunay na may-ari ng isang katha?
Paninirang-puri
Karapatang-ari
Batas Laban sa Kahalayan
Batas sa Pambansang Seguridad
Si Deema Mahayag ay inangkin niya ang gawang video ng kanyang kaibigan at pinagkakitaan ito. Anong batas ang nailabag sa sitwasyong ibinigay?
Paninirang-puri
Karapatang-ari
Batas Laban sa Kahalayan
Batas sa Pambansang Seguridad
Anong batas ang nailalabag kung ang isang tao ay kumukuha ng larawan sa ibang tao nang walang paalam?
Paninirang-puri
Karapatang-ari
Batas Laban sa Kahalayan
Paglusob sa Kapribaduhan
Hindi naipalabas sa sinehan ang isang pelikula dahil nagsisilbi itong daan sa paggamit ng illegal na droga at nagpapakita rin ng karahasan. Anong batas ang ipinapairal dito?
Paninirang-puri
Karapatang-ari
Batas Laban sa Kahalayan
Paglusob sa Kapribaduhan
Ano ang tawag sa koleksyon, paghahanda, at pamamahagi ng mga balita at mga kaugnay na komentaryo at tampok ng mga materyales sa pamamagitan ng naturang print at electronic media tulad ng mga pahayagan, magasin, libro, blog, webcasts, podcast, social networking at social media sites, at e-mail pati na rin sa pamamagitan ng radio, mga bidyu, at telebisyon?
Pamamahayag
Balita
Pag-iimbestiga
Pananaliksik
Ano ang tawag sa mga napapanahon at makatotohanang ulat ng pangyayaring naganap na, nagaganap, at magaganap pa lamang?
Pamamahayag
Balita
Pag-iimbestiga
Pananaliksik
Ano ang tawag sa mga palaging laman ng balita dahil ito ay mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap sa ating lipunan?
Kontemporaaryong Isyu
ASSaKaBaPa
Isyung Pangnasyunal
Panayam
Alin sa mga sumusunod ang kinakailangang sinusunod ng tagasulat ng balita upang maging makabuluhan at puno ng impormasyon ang naisulat na artikulo?
Kontemporaaryong Isyu
ASSaKaBaPa
Isyung Pangnasyunal
Panayam
Anong sangkap ng balita ang naroroon sa balita kung ang artikulo ay tungkol sa bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan?
Tunggalian
Kalapitan
Kalamidad
Estadistika
Anong sangkap ng balita ang makikita kung ang ibinabalita ay malapit lang sa kanilang paligid o pamayanan?
Tunggalian
Kalapitan
Kalamidad
Estadistika
Anong sangkap ng balita ang nasa artikulo kung ito ay nagpapahayag ng numero, pananalapi man, bilang ng tao o di kaya’y numero sa sweepstake?
Tunggalian
Kalapitan
Kalamidad
Estadistika
Anong sangkap ng balita ang ipinapakita kung ang balita ay tungkol sa pakikibaka ng isang tao?
Tunggalian
Kalapitan
Kalamidad
Estadistika
Ang White Island Breeze Publication ay naglathala ng artikulong balita tungkol sa Lanzones Festival 2023. Anong sangkap ng balita ang ginamit kung kasalukuyang pangyayari ang ibinabalita?
Kalamidad
Kapanahunan
Romansa at Pakikipagsapalaran
Kakatwahan o Kaibahan
Kung ang balita ay tungkol sa pagligtas ng ama sa kanyang mga anak sa sunog, anong sangkap ng balita ang matatagpuan dito?
Kalamidad
Kapanahunan
Romansa at Pakikipagsapalaran
Kakatwahan o Kaibahan
Anong sangkap ng balita ang nangingibabaw kung ang balita ay tumatalakay sa isang bagong anak na sanggol na may timbang na 12kgs.?
Kalamidad
Kapanahunan
Romansa at Pakikipagsapalaran
Kakatwahan o Kaibahan
Anong sangkap ng balita ang pumupukaw sa iba’t ibang uri ng emosyon?
Makataong kawilihan
Kapanahunan
Romansa at Pakikipagsapalaran
Kakatwahan o Kaibahan
Mas naibabalita ang gawain ng isang taong sikat kumpara sa taong hindi kilala ng karamihan. Anong sangkap ng balita kaya ang ginawang basehan nito?
Pagbabago at Kaunlaran
Hayop
Pangalan
Kabantugan
Ibinabalita ang resulta ng Licensure Examination for Teachers at pinapangalanan ng taga-ulat kung sino-sino ang mga topnotchers. Anong sankap ng balita ang nangingibabaw dito?
Pagbabago at Kaunlaran
Hayop
Pangalan
Kabantugan
Ang balita ay tungkol sa bagong pamilihang bayan at mga gusali sa isla ng Camiguin. Anong sangkap ng balita ang makikita?
Pagbabago at Kaunlaran
Hayop
Pangalan
Kabantugan
Ibinabalita sa telebisyon ang pagpaparami ng mga endangered animals sa tulong ng teknolohiya. Anong sangkap ng balita ito?
Pagbabago at Kaunlaran
Hayop
Pangalan
Kabantugan
Ito ay isang personal at propesyonal na paninindigan at kodigo ng etika ng pamamahayag na isinulat ni Walter Williams.
Kredo ng Mamamahayag
Kodigo ng Etika
Panatang Makabayan
Panunumpa sa Watawat
