WorksheetsESP 3
Total questions: 50
Worksheet time: 43mins
Ang kakayahan sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte, pagtula, isports at iba pa ay tinatawag na ________________.
kapansanan
kakulangan
talento
pangarap
Kanino nagmula ang iyong natatanging kakayahan?
Diyos
kaklase
kapit-bahay
guro
Ano ang nararapat na gawin sa ating mga natatanging kakayahan?
pabayan ang mga ito
ipagyabang natin sa ating mga kalaro
palabungin natin ang mga ito
kalimutan na lang natin na tayo ay may talent
Ang talento ng isang batang katulad mo ay dapat lang na ___________.
itago sa ibang tao
inggitin ang mga kaklase
ibahagi sa iba
huwag ipaalam sa guro
Balak sumali ng inyong pangkat sa contest sa pagtula. Nagtanong ang iyong guro kung sino ang marunong tumula. Pagtula ang iyong natatanging talento. Ano ang iyong gagawin?
magsisinungaling ako sa guro na ako ay may talent
isisigaw ko ang pangalan ng aking kaklase para siya ang piliin
sasabihin ko sa guro na huwag ng sumali ang aming pangkat
ipapaalam ko sa guro na mayroon akong talento sa pagtula at handa
akong subukan ang pagsali sa contest
Si Kristine ay magaling umawit, ngunit siya ay may pagkamahiyain. Ano ang maari niyang gawin upang magkaroon siya ng tiwala sa kaniyang sarili?
kalimutan na lamang ang kaniyang talento para hindi na siya mag
ensayo
sabihin sa kaniyang mga magulang na huwag ipagsabi sa iba na mayroon siyang talento sa pag-awit
sa banyo na lamang siya kakanta upang walang makarinig
susubukan niyang ibahagi ang kaniyang talento sa pamamagitan ng pagsali sa kanilang mga classroom programs
Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa iyo upang maibahagi sa iba ang iyong talento?
magkaroon ng tiwala sa iyong sariling kakayahan
matakot sa mga manunuod
huwag subukang sumali sa mga programa sa paaralan
ikahiya ang iyong talento
Dahil alam ng guro na ikaw ay may kakayahan sa pagguhit, nais niyang isali ka sa isang poster-making contest. Paano mo maipakikita ang tiwala mo sa iyong sarili?
sasabihin ko sa guro na handa po akong sumali sa contest
sasabihin ko po sa guro na wala akong interes sumali
sasabihin ko sa guro na iba na lamang po ang piliin niya
iiyak po ako at sasabihin sa guro na ayaw kong sumali
Minsan ay hindi maiiwasang makaranas tayo ng mga bagay na mahirap gawin, ngunit ang hindi pagsuko at pagsisikap na maisagawa parin ang mga bagay na ito ay nagpapakita ng __________________.
pagiging mahina ang kalooban
matatakutin
katatagan ng kalooban
pagkamahiyain
Habang naglilinis ng kwarto si Rico, natamaan niya nang hindi sinasadya ang halaman sa paso at aksidenteng nabasag ito. Ano ang dapat gawin ni Rico?
itago ang mga parte ng nabasag na paso
umiyak hanggang sa mapatawad ng guro
aaminin sa guro ang nangyari at hihingi ng tawad
pagbintangan na kaklase niya ang nakabasag at hindi siya
Isang palatandaan ng pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay ang pagkakaroon ng tatag ng loob. Ang pahayag na ito ay:
Tama
Siguro ay mali
Mali
Wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang HINDI taglay ng isang batang may katatagan ng loob?
may tiwala sa sariling kakayahan
umiiyak kapag nahihirapan sa gawaing-upuan
hindi sumusuko sa mg amahihirap na gawain
naibabahagi ang talento sa ibang tao
Ang ___________ sa mga puna at ang pagsisikap na hindi na maulit ang mga ito ay nagpapakita rin ng katatagan ng loob.
pagtanggap
pag-iyak
pagkagalit
pagrereklamo
Hinahamon ka ng iyong kaklase ng suntukan sa labas ng paaralan dahil ayaw mong ibigay sa kaniya ang iyong baon. Ano ang iyong gagawin?
Sasabihin kong magkita kami sa labas ng gate at hindi ko siya uurungan.
Aayain ko ang aking kaibigan na tulungan akong makipagsuntukan.
Magtatago ako para hindi niya ako makita sa pag-uwi.
Sasabihin ko sa guro ang ginawa ng kaklase.
Mahirap ang inyong aralin sa Matematika, ngunit kailangan mo itong makabisa dahil nalalapit na ang araw ng pagsusulit. Ano ang iyong dapat gawin?
Kumopya na lamang ng sagot sa iyong katabi.
Huwag ng pumasok sa paaralan
Hahayaan na bumagsak sa pagsusulit
Pagsisikapan na makabisa ang aralin sa tulong ng guro
Sinabihan ng guro si Sara na huwag makipagdaldalan sa katabi sa tuwing natatapos na niya ang kaniyang gawain. Ano ang nararapat na gawin ni Sara?
Magagalit sa guro
Iiyak dahil pinuna ng guro
Tatahimik pero uulitin ang pakikipagdaldalan kapag hindi
nakatingin ang guro
Tatahimik, hihingi ng paumanhin at hindi na uulitin pa.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng katatagan ng loob?
Nagsinungaling si Remy na hindi siya ang nakatapon ng juice dahil
natatakot siyang mapagalitan ng kaniyang Nanay.
Inaway ni Mike ang kaniyang kaklase dahil pinuna nito ang lagi niyang paggamit sa kaniyang lapis ng walang paalam.
Tinanggap ni John ang puna ng guro na kailangan niyang lalo
pang magsanay sa pagbabasa ng English.
Umiyak nang malakas si Gina dahil hindi siya isinali sa laro ng kaniyang mga kaklase.
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kalusugan ay kayamanan kaya dapat natin itong ________________.
ingatan
pabayaan
abusuhin
ipagmayabang
Lahat ng nasa ibaba ay mga hakbang sa pagpapanatili ng malusog na katawan MALIBAN sa isa. Alin ito?
Kumain lagi ng mga maalat at mamantikang pagkain
Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga araw-araw
Mag-ehersisyo
Maging malinis sa pangangatawan
Ang pagkakaroon ng malusog na damdamin ay mahalaga rin tulad ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Ang pahayag na ito ay:
Tama
Siguro ay mali
Mali
Wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malusog na kaisipan?
Nag-iisip ng masama laban sa kaklase
Nag-iisip ng masasamang salita o pagmumura
Nag-iisip ng positibo
Nag-iisip na mandaya sa pagsusulit
Nais ni Rose na magkaroon ng malakas na resistensiya, alin dito ang dapat niyang iwasan?
pagpupuyat
pag-ehersisyo
pagkain ng masustansiyang pagkain
pagkakaroon ng sapat na tulog
Mahalaga sa isang batang katulad mo ang pagkakaroon ng wastong kalusugang pisikal, mental at emosyonal. Kung ikaw ay may nararamdamang kakaiba, o hindi maipaliwanag na damdamin. Ano ang iyong dapat gawin?
Magtago at magkulong sa kwarto
Kausapin ang mga magulang o guro
Umiyak maghapon
Kumain ng sobrang daming pagkain
Ano ang iyong dapat gawin sa mga bilin sa iyo ng iyong mga magulang?
Huwag pansinin ang mga ito
Ipagwalang-bahala
Kalimutan ang mga ito
Sundin ang mga ito at isapuso
Sa paanong paraan dapat sumunod sa mga bilin ang isang batang katulad mo?
padabog
nagagalit
kusang loob
nang-aaway
Piliin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat miyembro ng pamilya.
Hindi nakikinig sa bilin ng lolo si Jessa.
Madalas magkasakitang pisikal ang magkapatid na Elsa at Anna.
Inaasikaso ni Ate Jenny ang kaniyang mga kapatid kapag abala
Ang kanilang ina.
Madalas ipagwalang-bahala ni Bert ang payo ng kaniyang mga magulang.
Ibinilin sa iyo ng iyong Nanay na tapusin muna ang iyong mga takdang-aralin bago gumamit ng gadget. Kailangang mag-overtime ng iyong nanay sa trabaho kaya gabi pa siya makakauwi. Ano ang nararapat mong gawin?
Mag cellphone muna dahil hindi naman makikita ni Nanay
Tapusin ang mga takdang-aralin bago gamitin ang gadget
Hintayin si Nanay at ipasagot sa kaniya ang takdang-aralin
Matulog muna at gumising pag-uwi ni Nanay upang gawin ang
takdang-aralin
Nanunuod ka ng paborito mong palabas nang utusan ka ng iyong Tatay upang bumili ng toyo para sa iniluluto niyang tanghalian. Ano ang iyong gagawin?
Bibili kaagad ng toyo at manunuod nalang pagbalik
Hintaying matapos ang pinapanuod saka bibili ng toyo
Susunod ako ngunit magdadabog habang paalis
Magagalit ako kay tatay dahil nanunuod ako ng paborito kong
Palabas
Bakit kailangan nating sumunod sa mga tuntunin ng ating tahanan?
Dahil takot tayong mapagalitan sa ating mga magulang
Dahil nagiging mas masaya at maganda ang ugnayan ng pamilya
dahil sa pagsunod
Dahil bata lang tayo at kailangang sumunod sa matanda
Dahil masakit ang palo ng Nanay at Tatay kapag hindi tayo
sumunod
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang masayang tahanan at pamilya?
nagmamahalan at nagkakaisa ang mga miyembro
nag-aaway at mainit ang ulo ng mga miyembro araw-araw
walang pakialam ang mga miyembro sa isa’t isa
hindi nag-uusap ang mga miyembro kahit magkakasama sila sa
bahay
Bakit kailangang tuklasin natin ang ating talento, hilig, at kakayahan sa ating murang edad?
Upang ito ay ____________ .
ating maging kalakasan
ating maging kahinaan
ating maipakita sa mga tao
mapaunlad sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw
Mahalaga para sa isang bata ang magkaroon ng _________ sa sarili upang magampanan nang maayos ang sariling hilig at talento.
talino
tiwala
tikas ng tindig
tibay ng loob
Ano-ano ang kilos ng isang tao na may pagpapahalaga sa kaniyang gawain?
Mabusisi at pihikan sa mga gawain.
Masaya at magaling sa kaniyang ginagawa.
Mas maraming oras sa mga bagay na hindi mahalaga.
Tamad at maraming dahilan para hindi makagawa ng mga bagay na inihabilin sa kaniya.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?
Pagtakas sa mga gawaing-bahay
Pagsisinungaling sa mga magulang
Pagiging positibo sa pagharap sa mga problema
Paghahamon ng away sa kaklase kapag inuunahan sa mga gawain
Si Allan ay bagong lipat sa paaralang kaniyang pinapasukan. Isang araw, tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase. Ano ang nararapat niyang gawin?
Lumipat ng ibang paaralan
Sabihin sa guro ang ginagawang panunukso
Huwag kikibuin dahil mapapagod din sila sa panunukso
Hahamunin ng suntukan ang mga kaklaseng nanunukso
Mahilig kang gumuhit at magpinta sa oras na walang ginagawa. Paano mo maipakikita ang iyong kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili?
Paghusayin ang sarili sa paglahok sa mga paligsahan
Ipakita sa mga kamag-aral ang mga iginuhit sa bahay
Itabi ang lahat ng mga magagandang iginuhit at ipininta
Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita mo ng iyong kakayahan?
Gawin ang kakayahan kahit na kinakabahan at panatilihin ang lakas ng loob
Huwag munang ipakita ang kakayahan, saka na kapag talagang mahusay na
Huminga ng huminga ng malalim para mawala ang kaba
Ipagpatuloy lang hanggat kaya pa
Dapat bang magkaroon ng Tungkulin sa tahanan ang tulad ninyong mga bata?Bakit?
Opo, dapat may tungkulin sa tahanan, dahil kami ay kasapi ng pamilya na may responsibilidad at tungkulin dapat gampanan
Opo, dapat para wala ng gaanong ginagawa si nanay at tatay
Hindi po dapat, dahil wala pa kaming alam na Gawain
Hindi po dapat, dahil mahihirapan lamang kami sa mga sa mga Gawain
Inutusan ka ng iyong nanay na maghugas ng mga pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?
Sasabihin kay nanay na mamaya na lang huhugasan dahil maglalaro ka pa
Susunod kay nanay sa kanyang ipinag-uutos
Sasabihin na si ate o si kuya na lang muna ang maghugas ng mga plato
Padabog na susunod kay nanay
Habang naglilinis ka sa silid-aralan ay nasagi mo ang isang plorerang babasagin. Ano ang tamang dapat mong gawin?
Itago agad sa sulok ang nabasag na plorera para hindi malaman ng guro
Sabihin sa guro ang totoong nangyari sa nabasag mong plorera
Pagbintangan ang iba na sila ang nakabasag
Magwalang kibo nalang sa nangyari
Sa paaralan ay mayroon kang kamag-aral na mayabang at naiinis ka sa kanyang ugali. Ano ang dapat mong gawin?
Magyabang na lang din sa kanya para matalo mo s’ya sa kayabangan
Humanap ng mga kakampi para malabanan ang kayabangan niya
Magkaroon ng pagtitimpi sa sarili at huwag pansinin ang mayabang na kamag-aral
Dapat lang na makaranas siya ng malakas na suntok para matigil ang kanyang yabang
Kapag kinakausap mo ang iyong guro o matatandang tao ay hindi ka marunong gumamit ng po at opo, kayat pinagsabihan ang iyong guro na palaging gumalang sa nakatatanda sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo. Ano ang tamang damdamin sa sitwasyon?
Huwag nalang kausapin ang matatanda at guro para hindi mapansin ang mali.
Sabihin na ayaw mong gumamit ng po at opo
Tanggapin ang ano mang puna at gagamit na ng po at opo
Mapapahiya at magagalit sa nanay at tatay dahil hindi ka tinuruan ng po at opo
Sinabihan ka ng iyong kamag-aral na palaging maligo sa araw-araw dahil sa mabaho mong amoy. Ano and dapat mong gawin?
Huwag pansinin ang sinabi ng kamag-aral
Magpabango na lang para hindi maging mabaho
Maligo araw-araw at nang maging mabango na
Layuan na lang ang kamag-aral para hindi ka maamoy
Pinaaalalahanan ka ng iyong nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na inigib ng iyong kuya. Ano ang dapat mong gawin?
Umigib din ng tubig na katumbas ng iyong inaksaya
Hayaan lang si nanay na pagsabihan ka
Hayaan lang si nanay dahil hindi naman siya ang umigib ng tubig
Hindi na mag-aaksaya ng tubig na inigib ni kuya at hihingi ng paumanhin kay nanay sa maling nagawa
Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?
Kumain ng mga masustansyang pagkain na gusto mo lang
Ang tanging bilhin tuwing recess ay tsitsirya
Piliin ang mga pagkaing masarap lamang sa panlasa
Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain araw-araw
Palaging inaantok sa klase si Josephine. Ano ang maipapayo mo sa kanya para sa kanyang kalusugan?
Matulog ng maaga at ng maging sapat ang tulog
Pingutin ang sarili at ng mawala ang antok
Mag-ingay na lang sa klase at ng mawala ang antok
Uminom ng tubig at ng mawala ang antok
Paano mo mapapanatiling malinis ang inyong tahanan?
Iligpit ang gamit sa tamang lalagyan at itapon ang mga basura sa tamang tapunan
Hayaan na lang si nanay ang magligpit ng mga kalat sa bahay
Maglinis lang ng kuwarto at saka na ang iba
Si ate at si kuya na lang ang utusan na maglinis
Bakit dapat pang manghikayat ng iba para sa pagpapaunlad ng kalusugan?
Upang sila maging malulusog
upang mapangaralan sila
upang sila ay maging matatakaw
Mahalaga ang pagsunod sa mga itinakdang batas tulad ng batas trapiko. Bakit kailangan pang sundin ito?
Upang hindi mahuli ng pulis
upang hindi mahuli sa klase
Upang maging ligtas sa anomang aksidente
upang hindi makulong
Alin sa mga sumusunod na panghihikayat para sa kalinisan ang magagawa ng batang tulad mo?
Pagsabihan ang mga pinuno na maglinis ng pamayanan
Magsama-sama ang mga magkaibigan para damputin ang mga basura sa kalsada kapag walang pasok
Manawagan sa radio at telebisyon para sa paglilinis ng mga masisipag na tao
Magbigay pabuya sa sinomang maglilinis ng pamayanan
