WorksheetsPagsusulit sa Filipino 10
Total questions: 140
Worksheet time: 1hrs 14mins
May taglay na kapangyarihan ang mga tauhan sa Mitolohiya.
Tama
Mali
Nagpapaliwanag ang banghay ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan.
Tama
Mali
Naglalahad ng pakikipagsapalaran ang tagpuan ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa
Tama
Mali
May kaugnayan sa batis, ilog, parang,triguhan, palayan, kabundukan at iba pa ang tagpuan ng Mitolohiya.
Tama
Mali
Makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan sa Mitolohiya.
Tama
Mali
Ang Mitolohiya ay isang mahabang tulang naratibo tungkol sa pakikipagsapalaran at tagumpay ng isang bida.
Tama
Mali
Sa banghay inilalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento.
Tama
Mali
Ang Mitolohiya ay ginaganap sa pamamagitan ng sayaw-dula na may kasaliw na musika
Tama
Mali
Ang parabula ay maikling kwentong kapupulutan ng aral sa usaping moral, espirituwal, at relihiyoso.
Tama
Mali
Isang katangian ng Mitolohiya ay sumasalamin sa sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong.
Tama
Mali
Sa tagpuan nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan.
Tama
Mali
Ang banglay ay pagsunod-sunod na kaganapan at pangyayari
Tama
Mali
Lahat ay magagawa ng tauhan sa Mitolohiya.
Tama
Mali
Ang kwento ng “Alibughang Anak” sa bibiliya ay isang uri ng epiko.
Tama
Mali
Ang pandiwa ay pangalan ng tao.
Tama
Mali
Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Hiniram ni Emily ang aklat ko.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Maglalaro kami ng chess mamayang hapon.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Iinom ako ng gamut para gumaling ako.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Si ate Minda ang naglinis ng kusina.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Hinahatid kami ni kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Umupo ka muna dahil nagbibihis pa si Eva.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Yayakapin ko nang mahigpit si Nanay pag-uwi ko.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Kakain po ba kayo ng keyk?
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Si Helen ang nag-aalaga ng pusang iyan.
Aspektong Pangnagdaan
Aspektong Pangkasalukuyan
Aspektong Panghinaharap
Ito ay isang mahabang tulang naratibo tungkol sa pakikipagsapalaran at tagumpay ng isang bida.
Epiko
Bayani
Parabula
Mitolohiya
Ang mga sumusunod ay pangunahing mensahe ng parabula maliban sa:
Nagpapahiwatig sa kaharan ng Diyos.
Nagpapakita ng mga kaugalian ng tao patungkol sa Diyos
Nagsasaad ng makatotohanang pangyayari sa tunay na buhay
Nagsasaad ng katotohanan tungkol sa Diyos, sa tao, at sa buhay
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng parabula maliban sa:
Talinghaga ng Isang Pastol/ Talinghaga ng Nawawalang Tupa
Ang Alibughang Anak
Ang Mabuting Samaritano
Talinghaga tungkol sa Tatlong Pagong
Ito ay maiikli at praktikal na mga kuwentong kathang-isip lamang ngunit may mahalagang mensahe (ginintuang aral) para sa pang-araw- araw na pamumuhay.
Epiko
Bayani
Parabula
Mitolohiya
Katulad ng pulang rosas ang iyong kagandahan.
Pagdaragdag
Pagtutulad
Pag-iiba
Paglalahad ng bunga
Paglipas ng panahon
Ang Covid 19 ay nagpapahirap sa maraming mamamayan sa Pilipinas ngayon pati na rin sa buong mundo.
Pagdaragdag
Pagtutulad
Pag-iiba
Paglalahad ng bunga
Paglipas ng panahon
Nabibighani ako sa kaniyang kagandahan, maliban nalang sa kaniyang paraan ng pag-aaral.
Pagdaragdag
Pagtutulad
Pag-iiba
Paglalahad ng bunga
Paglipas ng panahon
Ako ay natutuwa at naaaliw sa mga palabas na napapanood ko sa Netflix.
Pagdaragdag
Pagtutulad
Pag-iiba
Paglalahad ng bunga
Paglipas ng panahon
Bilang pagwawakas sa kuwentong aking binasa, nasawi ang bida na hindi niya nasasabi ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang iniibig.
Pagdaragdag
Pagtutulad
Pag-iiba
Paglalahad ng bunga
Pagwawakas
Ang kaniyang ipinapahiwatig na pagmamahal sa akin ay katulad rin ng nakararami.
Pagdaragdag
Pagtutulad
Pag-iiba
Paglalahad ng bunga
Pagwawakas
Ito ay isang grupo ng mga salita sa loob ng tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Saknong
Satnong
Sukat
Taludtod
Sa paraan nito gumagamit ng matatalinghagang salita at tayutay.
Saknong
Talinghaga
Kariktan
Punla
Ano ang tawag sa anyo ng tula na mayroong sukat ngunit walang tugma?
Trdisyonal
Blangkong berso
Malayang Taludturan
Limitadong Taludturan
Ito ang itinuturing ito na pinakamodernong anyo ng Panulaang Filipino.
Trdisyonal
Blangkong berso
Malayang Taludturan
Limitadong Taludturan
Sila ang nagmanman sa likod ng mga kalaban na Trojan at inagaw ang Palladium.
Hercules at Philoctetes
Hector at Astiyanax
Odysseus at Diamedes
Athena at Odysseus.
Sino ang gustong-gusto ng Prinsipe ng Ch’u na maglingkod sa kaniyang palasyo?
Chuang Tze
Chuang Tzu
Chuang Kay
Chuang Al
Ito ay sinag-araw na lumiliwanag sa iba’t ibang kulay.
Bahaghari
Halo
Laser
Rainbow
Ano ang isa pang tawag sa mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
Pananda
Panandang Pangdiskurso
Panandang Pananong
Panandang Nanghihikayat.
Ang tubig ng mga ito ay tumutungo sa kamangha-manghang kuweba na kung saan ang mga butas ay nasa ilalim ng lupa sa karagatan.
Black Sea at Mediterranean
Dead Sea at Pacific Ocean
Black Sea at Oceana
Dead Sea at Mediterranean
Sino ang may akda ng “Nang Matuyo ang Kipot”?
Karl Marx
Orhan Pamuk
Michael Adrada
Orlando Mandane
Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa mga binasang kuwento.
-Ang Pagbagsak ng Troy
Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa mga binasang kuwento.
-Ang Alibughang Anak
Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa mga binasang kuwento.
-Kung Bakit Mukhang Kulay Bughaw ang Langit
Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa mga binasang kuwento.
-Soneto ng Matamis na Hinaing
Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa mga binasang kuwento.
-Nang Matuyo ang Kipot
Ilang taon tumagal ang labanan ng Troya at Griyego
8
7
6
9
Ang pinakadakilang tao sa Troya?
Hector
Achilles
Laocoon
Ulysses
Ang pinakadakilang tao sa Griyego?
Hector
Achilles
Laocoon
Ulysses
Si Laocoon ay isang ano sa Troya?
Kawal
Matandang tagapayo
Pari
Hari
Ang ipinangpukol ni Laocoon sa malaking kabayo
Espada
Pana
Sibat
Pamalo
Siya ang diyosa ng karunungan
Ulysses
Calchas
Sinon
Minerva
Ang nagsabi na magtatagumpay ang mga taga-Troya sa Griyego kung madadala sa loob ng lungsod ang kabayo.
Ulysses
Calchas
Sinon
Minerva
Ang Hari na namatay sa pagsalakay ng mga Griyego
Laocoon
Menelaus
Calchas
Priam
Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw
Pandiwa bilang Aksyon
Pandiwa bilang Pangyayari
Pandiwa
Pandiwa bilang Karanasan
Tawag sa mga pantig na ikinakabit sa isang salita upang makabuo ng isang bagong salita
Morpema
Patinig
Katinig
Panlapi
Nangamba ang mga tao sa kanilang naramdamang lindol. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap.
Pandiwa bilang aksyon
Pandiwa bilang karanasan
Pandiwa bilang pangyayari
Naglaba ang nanay ng mga damit ng kanyang anak. Ano ang gamit ng panidiwa sa pangungusap.
Pandiwa bilang pangyayari
Pandiwa bilang aksyon
Pandiwa bilang karanasan
Ang ikatlong gamit ng pandiwa
Pandiwa bilang pangyayari
Pandiwa bilang karanasan
Pandiwa bilang aksyon
Sumisigla ang kanyang araw tuwing makagagawa siya ng magandang bagay. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
Pandiwa bilang karanasan
Pandiwa bilang aksyon
Pandiwa bilang pangyayari
Dumaong ang mga sasakyang-pandagat ng mga Griyego na lulan ang kanilang mga sandata, ang gamit ng pandiwang may salungguhit ay?
Pandiwa bilang pangyayari
Pandiwa bilang karanasan
Pandiwa bilang aksyon
Sino ang sumulat ng mitong "Haring Midas"?
Edith Hamilton
Editha Hamilton
Vilma A. Malabuyog
VIlma A. Malabuyoc
Ano ang kasingkahulugan ng pangalang Haring Midas?
mahirap na tao
mayamang tao
mayabang na tao
ordinaryong tao
Si Haring Midas ay nakatira sa lupain ng mga rosas na tinatawag na ___________.
Phyria
Pygia
Phrygia
Phryia
Sino ang diyos ng alak?
Apollo
Bacchus
Silenus
Dionysus
Ilang araw inasikaso ni Haring Midas si Silenus sa kanilang kaharian?
siyam na araw
sampung araw
labing-isang araw
labing-dalawang araw
Ano ang gantimpalang ibinigay ni Dionysus kay Haring Midas dahil sa pag-alaga nito kay Silenus?
lahat ng hahawakan niya ay magiging bagay
lahat ng hahawakan niya ay magiging hayop
lahat ng hahawakan niya ay magiging ginto
lahat ng hahawakan niya ay matutunaw
Saang ilog hinugasan ni Haring Midas ang kanyang kamay upang mawala ang kanyang sumpa?
Ilog Pactious
Ilog Pacious
Ilog Pactolus
Ilog Paktolus
Sino ang diyos ng kaparangan?
Pan
Apollo
Pah
Apol
Si Haring Midas ay piniling hurado sa paligsahang pangmusika. Sino-sino ang mga kalahok?
Apollo at Pan
Zeus at Ares
Demeter at Aphrodite
Silenus at Dionysus
Sino ang pinili ni Haring Midas sa paligsahang pangmusika?
Pan
Apollo
Zeus
Demeter
Dahil sa hindi pinili ni Haring Midas si Apollo, ano ang parusahang ibinigay sa kanya ni Apollo?
ang kaniyang tainga ay ginawang asno
nagkaroon siya ng buntot
siya ay naging kabayo
siya ay naging diwata
Ang mito ay nagmula sa salitang Griyego na ___________, na nangangahulugang "kuwento o salita".
mytos
mitos
mythos
metos
Ito ay matandang kuwentong-bayan na karaniwang tungkol sa mga diyos at diyosa, bathala, o mga anito.
parabula
pabula
nobela
mito
Bahagi ng pananalitang nagpapahayag ng aksiyon, kilos o galaw.
pang-uri
pandiwa
pangngalan
panghalip
Si Ana ay kumakain ng pansit.
Alin sa loob ng pangungusap ang pandiwa?
Ana
kumakain
ng
pansit
Nasa pagpipilian ang Gamit ng Pandiwa maliban sa isa. Ano ito?
aksiyon
pangyayari
karanasan
kalagayan
Si Ben ay naghuhugas ng pinggan.
Sino sa loob ng pangungusap ang aktor?
Ben
naghuhugas
ng
pinggan
Si Peter ay naglalaro ng mobile legends.
Anong gamit ng pandiwa ang salitang nakasalungguhit?
aksiyon
pangyayari
karanasan
Labis na nalungkot si Lea dahil sa pagkawala ng kanyang aso.
Anong gamit ng pandiwa ang salitang nakasalungguiht?
Aksiyon
Pangyayari
Karanasan/Damdamin
Ang parabulang "Nakaiwas si Milchizedek sa Bitag" ay mula sa _______________.
Italya
Pilipinas
Gresya
Ehipto
Sa parabulang "Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag" , sinong sultan ang naubusan ng pera?
Alexandria
Saladin
Saladen
Alex
Ang mga pagpipilian ay mga relihiyong tinanong ni Saladin kay Melchizedek kung ano ang tunay maliban sa isa. Ano ito?
Hudaismo
Kristiyanismo
Islam
Buddhism
Sa parabulang inilahad ni Melchizedek kay Saladin, nagpagawa ng dalawang _________ ang mayamang lalaki sa kuwento
kuwentas
singsing
relo
hikaw
Sina Saladin at Melchizedek ay naging ____________.
magkalaban
magkaibigan
Maikling kuwento na naglalayong magturo ng magandang asal, ugali at magbigay ng espiritwal na aral na kadalasang mula sa bibliya.
pabula
parabula
sanaysay
alamat
Sa parabulang “Ang Tusong Katiwala”, kung ikaw ang nasa kalagayan ng katiwala, ang iyong gagawin pagkatapos malaman ng iyong amo ang ginawa mong paglulustay sa kaniyang pera ay __
hihingi ng tawad at mangangakong hindi na uulitin ang ginawa
magpapaliwanag sa amo at aalis na
maghahanap ng ibang mapapasukan ng trabaho
sisingilin ang mga taong may utang sa kanya upang makabawi sa nagawang kasalanan
“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag ng ama. Sa iyong pananaw ano ang maaring kahinatnan ng anak sa kuwento kung hindi siya nagabayan nang wasto ng kaniyang ama?
Sasama ang kaniyang loob sa magulang.
Sasarilihin na lamang niya ang mga problemang dadating sa buhay niya
Sa tuwing magkakaproblema siya palagi na lamang siyang magmamaktol.
Iisipin niyang ipinanganak siyang mahirap at hindi na siya uunlad kailanman.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at Nakita niya ang dalaga na wala ng buhay. Nagalit siya kay Frollo na noon pa man ay alam niyang may matinding pagnanasa na sa dalaga. Nang makita si Frollo, inihulog niya mula sa tore. Batay sa binasang bahagi ng akdang “Ang Kuba ng Notre Dame”, maaari sanang hindi pinatay ni Quasimodo si Padre Frollo kung __
Hindi niya pinatay si La Esmeralda.
Naging mabuti siyang tagapangalaga ni Quasimodo.
Tinulungan niya si Quasimodong maangkin si La Esmeralda.
Iniligtas ni Frollo si La Esmeralda mula sa pagbitay at hinayaan na lang ang dalaga sa nais nitong gawin.
Bakit nahihiya si Enkido sa kaniyang kamatayan?
A.
Natalo siya sa labanan.
Namatay siya sa parusa ng mga diyos.
Nakaramdam kasi siya ng takot sa pagkamatay.
Namatay siyang hindi nakaapghihiganti sa mga kalaban.
43. Maaaring nailigtas sana ni Gilgamesh ang kaibigang si Enkido sa kamatayan kung ____.
Hindi nila tinangkang siraan ang diyosang si Ishtar.
Hinanapan niya agad ng lunas ang malubhang sakit ni Enkido.
Ginamit ni Gilgamesh ang kapangyarihan upang hindi magkasakit si Enkido
Hindi naging mayabang at mapang-abuso sa kapangyarihan ang magkaibigan.
“Mananalangin ako sa dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip. ”Anong katangian ang nangibabaw kay Gilgamesh sa pahayag niyang ito?
Humahanga sa kadakilaan ng diyos
Ikinatutuwa ang sinapit ng kaibigan
Nababahala sa kinahinatnan ng kaibigan
Marunong magpasalamat sa kadakilaan ng diyos
nong gamit ng pandiwang nakasalungguhit ang ipinahihiwatig ng sumusunod na pangungusap? Sumakit ang ngipin ng bata dahil sa dami ng kendi na kaniyang kinain.
aksiyon
karanasan
pangyayari
. Alin sa sumusunod na pagpipilian ang nagpapahiwatig ng pinakamainam na interpretasyon ng sumusunod na pahayag? Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.
Ang pag-ibig ay nakasandig sa pundasyon ng pagtitiwala at kapanatagan.
Mamamatay ang sinomang magmamahal kung hindi pagkakatiwalaan sa relasyon.
Dapat lagi nating siguruhing mahal tayo ng mga taong mahalaga sa atin upang magtiwala.
Walang mangyayari sa isang samahan kung laging may duda at pag-aaway na kadalasang nauuwi sa paghihiwalay.
Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigang si Enkido sa loob ng pitong araw at gabi. Anong katangian ng tauhan ang mahihinuha natin mula sa pangyayaring ito mula sa Epiko ni Gilgamesh?
mapagluksa
madaling maniwala sa pamahiin
mapagpahalaga sa kaibigan
mababaw ang luha
“Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng aking iniibig kaya kailangan mong mamatay!” Anong katangian ng tauhan ang nais ipahiwatig sa pahayag?
maawain
madaling magalit
matulungin
mapaghiganti
Ang ating mga magulang ay dapat sundin _______ alam nila ang mas higit na makabubuti para sa kanilang anak. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?
kaya
dahil sa
sapagkat
kaya naman
Sa mitolohiyang Cupid at Psyche Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging manugang si Psyche?
dahil wagas ang pagmamahalan nila ni Cupid
dahil sa wakas ay naging diyosa na si Psyche
dahil nagtagumpay si Psyche sa lahat ng pagsubok
dahil sa mga pagsubok nakita ni Venus ang tapat na hangarin ni Psyche kay Cupid.
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng kahalagahan ni Enkido bilang isang kaibigan ni Gilgamesh?
Pinagluksa nya ng tatlong araw at gabi.
Pinagpatayo niya ng estatwa si Enkido.
Inalalayan nya ang kaibigan habang nakaratay.
Pinagpatuloy niya ang kabutihang gawain ng kaibigan.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay sa nais maipahayag ng pabulang‘Ang Tusong Katiwala”?
.
Maging maagap sa paglilingkod.
Ang pagiging tuso ay hindi magandang pag-uugali.
Pagpapahalaga sa tiwalang pinagkaloob ng Diyos.
Dapat maging tapat ka sa mga taong nagtitiwala sa iyo sa maliit man o malaking bagay
Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche?
Marahil ay gusto niyang masukat ang pagtitiis ni Psyche.
Marahil ay gusto niyang subukan ang tiwala ni Psyche sa kanya.
Marahil ay hindi pa handa si Cupid na ipaalam ang totoong pagkatao niya.
Maaaring takot si Cupid na malaman ng kanyang ina na umibig na siya kay Psyche
________ ang mga kabataan ay higit na magiging mapanuri ngayon sa pagbili ng mga produkto dahil sa maraming naglalabasang huwad na gamit mula sa ibang bansa.
Sa palagay ng
Pinaniniwalaan ng
Sa ganang akin
Batay sa
Kung ang pagsalubong sa liwanag ay pagdaan sa pagsubok, ano naman ang sinisimbulo ng paglabas sa liwanag?
pagkamit ng pangarap
bumalik na ang ilaw
pakikipagsapalaran ng tao
paglabas sa nakasanayan
Tumanggap ng masasakit na salita si Psyche dahil sa pagtataksil niya kay Cupid. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito?
Tagaganap
Layon
Pinaglalaanan
Kagamitan
___ malaking tulong ito upang madagdagan ang kanilang kikitain bukod sa regular nilang hanapbuhay. Alin ang tamang ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
Sa ganang akin
Sa aking palagay
Sa kabilang dako
Sa paniniwala ko
37. Pagkatapos mawalan ng trabaho ang mag-asawa, umaaasa na lamang ang pamilya ni Mang Erning na mapasama sa mabibigyan ng ayuda mula sa pamahalaan. Ano ang ginamit sa pananda ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. B. C. D.
lamang
pagkatapos
mula sa
mapasama
Mula sa parabulang " Ang Sampung Dalaga ", ang kumakatawan sa ating Panginoon ay ang ________.
A. ama ng binata
B. babaeng ikakasal
C. lalaking ikakasal
D. matatalinong dalaga
2.Ang nakaayos mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamabigat na kahulugan ay ______________.
A. naluha, naiyak, nanangis, nalungkot
B. nalungkot, naluha, naiyak, nanangis
C. naiyak, nalungkot, nanangis, naluha
D. nanangis, naiyak, naluha, nalungkot
3. Nagbigay ng utos ang Alkalde na lisanin na ang kanilang lugar _____ napakalakas na ng ulan at hindi natitinag ang pagtaas ng baha.
A. para
B. kaya
C. sapagkat
D. pati
4. Ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa isinasagawa nilang bullfight. Ang salitang " nakikipagtagisan " ay nangangahulugang ______.
A. nakikipagtulungan
B. nakikipagmabutihan
C. nakikipagsabwatan
D. nakikipagpaligsahan
5. Ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mitolohiyang " Cupid at Psyche " ay _________.
A. pagkakaroon ng tiwala
B. pagtanggap sa mga pagsubok
C. paggamit ng kapangyarihan
D. pagiging kaaya - aya sa nakararami
6. Nakakadena ang kanilang mga binti at leeg kaya't hindi sila makagalaw. Ito ay nangangahulugang ____.
A. Bawal sa kanila ang magsagawa ng hindi ipinagbibigay alam sa nakatataas.
B. Mga taong sunod - sunurad sa ipinag - uutos sa kanila.
C. Nakakulong sila sa isang kaisipan na nais ipilit o isubo sa kanila.
D. Pinarurusahan sa kanilang nagawang kasalanan.
7. ____, susunod lamang ako kapag sinabi mo ang totoo.
A. Ayon sa
B. Batay sa
C. Para sa akin
D. Ayon kina
8. " Hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang pagtitiwala. " Ang pahayag ni Cupid na ito ay nangangahulugang ______.
A. mabubuhay ang pag - ibig kahit walang tiwala
B. pag - ibig at tiwala
C. hindi magiging masaya ang mag - asawa
D. hindi magiging maganda ang pagsasama kung walang tiwala sa isa't isa
9."Kinuha ni Ghaille ang lapis at papel sa pagsagot ng module."Ang pangungusap ay nasa anong Pokus ng Pandiwa?
A. Tagaganap o Aktor
B. Layon o Gol
C. Kagamitan o Instrumental
D. Pinaglalaanan
10.Alin sa mga sumusunod ang iba pang katawagan sa Parabula?
A. Alamat
B. Talinhaga
C. Pabula
D. Kawikaan
11.Ang Epiko ay mula sa salitang Griyego na " EPOS " na ang kahulugan ay _____?
A. Korido
B. Awit
C. Parsa
D. Sayneta
12."Ang lawa ay napuno ng dugong kahila-hilakbot." Ang damdaming taglay ng pahayag na ito ay _______.
A. pagkadismaya
B. pagkatakot
C. pagkagulat
D. pagkatuwa
13.Ang panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salita ay ay tinatawag na ___________.
A. Inuunlapian
B. Hulapi
C. Laguhan
D. Kabilaan
14. " Huwag kang maniniwala sa mga sabi - sabi. " Ang salitang sabi - sabi ay pag - uulit na __________.
A. ganap
B. parsyal
15. Alin sa mga pagpipilian ang HINDI katangian ng Tula?
A. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.
B. Ang tula ay nagpapahayag ng kaisipan gamit ang salitang marikit.
C. Ang tula ay nagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga talata.
D. Ang tula ay may sukat at maaari ring malayang taludturan.
16. Sumapit ang inaasam ___ araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Mathilde Loisel. Ang angkop na panghalip sa pangungusap ay ____.
A. niyang
B. mo
C. kong
D. nila
17. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng sanhi at bunga?
A. Hindi nila nagpaghandaan ang storm surge kaya marami ang nagutom at namatay.
B. Kabilang sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses ay ang Marikina, Rizal at Bulacan .
C. Sa gayon, marami ang dinala sa evacuation center.
D. Ang Valenzuela ay mayroon ng mga parke.
18. Hindi pumayag si Karen na ipagbili ang kanyang ari - arian kahit na inalok siya ng isang milyong dolyar. Ang simbolong pagtanggi sa isang milyong dolyar ay nangangahulugang _______.
A. Hindi niya kailangan ng salapi.
B. Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi.
C. Marami na siyang pera at hindi na n'ya kailangan ito.
D. Ang ari-arian ay pamana ng kanyang mga magulang.
19. " Iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon sa kasiyahan. " Ang pahayag ay nagpapakita ng _______________.
A. pagmamahal sa kapwa
B. pagpapanatili sa kinagisnang kultura
C. diskriminasyon sa lipunan
D. pagpapahalaga sa kultura
20. Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan at pinagluksa ang pagkamatay nito sa loob ng pitong araw at gabi. Ang bahaging ito ay nagpapakita ng __________.
A. pagpapaalala sa kanilang pinagsamahan
B. panghuhusga sa kaibigan
C. pagkumpara sa kung sino ang mas malakas
D. pagmamahal at pagmamalasakit sa kaibigan
21. Ayon sa kanya, ang dula ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.
A. Plato
B. Socrates
C. Aristotle
D. Alexander the Great
22. Ang bansang ito ay naniniwala sa Buddha kaya tinawag ang kanilang bansa na Buddhist Country.
A. France
B. Greece
C. India
D. Thailand
23. Ito ay paraan ng pagsasaayos ng mga salita sa antas o tindi ng kahulugan ng mga ito.
A. Pagkiklino
B. Pagsasalita
C. Pagaantas
D. Paghahanay
24. Alin sa sumusunod na mga elemento ang parehong makikita sa Nobela at Dula?
A. tanghalan
B. manonood
C. tagpuan
D. direktor
25. Si Pygmalion na isang mortal ay umibig kay Galatea, isang babaeng hinubog ng kanyang malikhaing kamay bilang isang eskultor. Tinupad ni Aphrodite ang kanyang hiling na buhayin ito at gawing totoong Galatea.
Ang mensahe at layunin nito ay_________.
A. Ipakita ang kapangyarihan ng Diyosa.
B. Ipakita ang kanilang kakayahan.
C. Ipakita ang tunay na pagmamahal.
D. Ipakita ang hiwaga at ang lakas ng tunay na pag - ibig.
26. Gaanuman kalakas ang bagyong Ulysses ay patuloy pa rin ang pagtutulungan ng bawat isa. Anong uri ng Panghalip ang may salungguhit?
A. Panghalip Panao
B. Panghalip Panaklaw
C. Panghalip Pamatlig
D. Panghalip Pananong
27. Alin sa mga pangungusap ang Panghalip na maramihan?
A. Sino ang nagbigay ng pabuya kay Esteban?
B. Kani - kanino napunta ang mga relief goods na bigay ni Mayor?
Ilang beses ba ako dapat magpaliwanag?
Ikaw ba o siya?
28. Ang Maikling Kwentong " Ang Kwintas " ay isinulat ni _________.
A. Guy de Maupassant
B. Victor Hugo
C. Lualhati Bautista
D. Amado V. Hernandez
29. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Tugma
B. Saknong
C. Sukat
D. Kariktan
30. Nasa anong elemento ang piling bahagi ng tula?
Nahuli sa pain umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag - ibig
Hindi ako makaalpas
A. Sukat
B. Tugma
C. Kariktan
D. Talinghaga
