wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Balik-Aral na Pagtataya

Total questions: 26

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ang paraan ng pagsasalita na may lalim at pakipakahulugan bilang repleksyon ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao.

a)

Kasabihan

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Talinghaga

2.

Mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga at tinatawag ding idyoma.

a)

Kasabihan

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Talinghaga

3.

Nagbibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan, kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maunawaan.

a)

Kasabihan

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Talinghaga

4.

Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan at karaniwan ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

a)

Karunungang-Bayan

b)

Kasabihan

c)

Tula

d)

Talinghaga

5.

Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.

a)

Kasabihan

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Talinghaga

6.

PAGHAHAMBING: Magkatulad o Di-Magkatulad
"Kapwa sila matatalino at magaganda, yan ang kambal na sila Jena at Jona."

a)

MAGKATULAD

b)

DI-MAGKATULAD

7.

PAGHAHAMBING: Magkatulad o Di-Magkatulad
"Mas magaling sumayaw si Kim Taehyung kaysa kay Jungkook."

a)

MAGKATULAD

b)

DI-MAGKATULAD

8.

PAGHAHAMBING: Magkatulad o Di-Magkatulad
Gabutil ng mais ang pawis ng mga manlalaro ng basketball.

a)

MAGKATULAD

b)

DI-MAGKATULAD

9.

PAGHAHAMBING: Magkatulad o Di-Magkatulad
Higit na mas maraming tao ang nagpupunta sa SM kaysa sa Festival Mall.

a)

MAGKATULAD

b)

DI-MAGKATULAD

10.

PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD: Pasahol o Palamang
Higit na matao ang Maynila kaysa sa probinsya.

a)

PASAHOL

b)

PALAMANG

11.

PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD: Pasahol o Palamang
Di-gasinong mabait si Bb. Cruz tulad ni Bb. Torres.

a)

PASAHOL

b)

PALAMANG

12.

Alin ang mga salitang naghahambing na ginamit sa mga pangungusap:
"Gapiso ang yelong iniulan sa Baguio kahapon."​ (a)  

Choose from the below words
GAPISO
INIULAN
KAHAPON
YELONG
13.

Alin ang mga salitang naghahambing na ginamit sa mga pangungusap:
"Kasimbata ng anak ng apo mo ang anak ng pamangkin ko.​" (a)  

Choose from the below words
KASIMBATA
ANAK
APO
PAMANGKIN
14.

Layunin ng mga napakinggang Teksto/Paksa (Programa):
"IT'S SHOWTIME!"

a)

MAGBIGAY-ALAM

b)

MANGHIKAYAT

c)

MANGLIBANG

15.

Layunin ng mga napakinggang Teksto/Paksa (Programa):
"IPAGLABAN MO!"

a)

MAGBIGAY-ALAM

b)

MANGHIKAYAT

c)

MANGLIBANG

16.

Layunin ng mga napakinggang Teksto/Paksa (Programa):
"24 ORAS"

a)

MAGBIGAY-ALAM

b)

MANGHIKAYAT

c)

MANGLIBANG

17.

Mga Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa/Pangungusap:
"Nagbibigay-kahulugan sa mga salitang hindi agad-agad naiintindihan."

a)

PAGHAHAWIG O PAGTUTULAD

b)

PAGBIBIGAY KATUTURAN O DEPINISYON

c)

PAGSUSURI

18.

Mga Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa/Pangungusap:
"Nagpapaliwanag, hindi lamang ng bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa."

a)

PAGHAHAWIG O PAGTUTULAD

b)

PAGBIBIGAY KATUTURAN O DEPINISYON

c)

PAGSUSURI

19.

Pag-unawa sa Akdang Binasa:
"Tumutulong upang mas madaling maunawaan ang akda dahil naiuugnay ang mga konseptong binabasa, sa personal na buhay."

a)

Dating Kaalaman o Prior Knowledge

b)

Mga Karanasan

20.

Pag-unawa sa Akdang Binasa:
"Mga kaalamang nakaimbak na sa ating kaisipan na nakuha mula sa mga bagay na ating nakita, narinig, nabasa o natutunan."

a)

Dating Kaalaman o Prior Knowledge

b)

Mga Karanasan

21.

Sanhi at Bunga:
Dahil sa hindi pagpapagupit ng buhok ng mga mag-aaral, napagsabihan tuloy ang buong section ng kanilang gurong tagapayo.

a)

SANHI

b)

BUNGA

22.

Sanhi at Bunga:
Nag-aral siyang mabuti, bunga nito, nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral.

a)

SANHI

b)

BUNGA

23.

Sanhi at Bunga:
Dahil sa pagpuputol ng mga punong-kahoy, maraming lugar sa ating bansa ang binabaha na.

a)

SANHI

b)

BUNGA

24.

Isang Opinyon/Pananaw o Hindi
Sa tingin ko, mas mabuti kung tatangkilikin natin ang gawang Pinoy.

a)

OPINYON/PANANAW

b)

HINDI OPINYON/PANANAW

25.

Isang Opinyon/Pananaw o Hindi
Ang Pangulo ng Pilipinas ngayon 2023 ay anak na lalaki ng dating Pangulo ng Pilipinas.

a)

OPINYON/PANANAW

b)

HINDI OPINYON/PANANAW

26.

Ayusin ang tamang pagkakasunud-sunod ng ilang piling mga Hakbang sa Pananaliksik.

a)

Pumili at maglimita ng paksa

b)

Magsagawa ng pansamantalang balangkas

c)

Magtala ng sanggunian

d)

Mangalap ng datos

e)

Isulat ang pinal na pananaliksik

1)
2)
3)
4)
5)