wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7 1st Quarterly Assessment

Total questions: 40

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang magandang mukha ay madaling makita _______ ang totoong kagandahan ay makikita sa mabuting pag-uugali.

a)

sapagkat

b)

subalit

c)

kung

d)

palagay ko

2.

Ang tagumpay ay madali nating makakamtam_________tayo ay nagkakaisa.

a)

sapagkat

b)

subalit

c)

kung

d)

palagay ko

3.

Mabuti ang iyong mungkahi _________ mas marami ang makikinabang kung iyan ang ating susundin.

a)

sapagkat

b)

subalit

c)

kung

d)

palagay ko

4.

___________ ay higit nating pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

a)

Sapagkat

b)

Subalit

c)

Kung

d)

Sa palagay ko

5.

Tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.

a)

katunayan

b)

nagpapakita

c)

nagpapahiwatig

d)

ebidensiya

6.

Salita ang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.

a)

katunayan

b)

nagpapakita

c)

nagpapahiwatig

d)

ebidensiya

7.

Mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video.

a)

katunayan

b)

nagpapakita

c)

nagpapahiwatig

d)

ebidensiya

8.

Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.

a)

katunayan

b)

nagpapakita

c)

nagpapahiwatig

d)

ebidensiya

9.

Isang uri ng pagtatanong sa isang tanyag na tao upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan.

a)

Retorika

b)

Diyalogo

c)

Interbyu

d)

Pagtatanong

10.

Ito ay isang uri ng pakikipanayam na tinatawag ding ambush interview.

a)

Anyo

b)

Pormal

c)

Di-pormal

d)

Impormasyon

11.

Isang uri ng panitikan na ang layunin ay itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan.

a)

Debate

b)

Programa

c)

Dula

d)

Balita

12.

Piliin ang tinutukoy na mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa:

May alam ka pala sa nangyari.

a)

Pahanga

b)

Sambitla

c)

Pamanahon

d)

Eksistensyal

13.

Piliin ang tinutukoy na mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa:

Grabe!

a)

Pahanga

b)

Sambitla

c)

Pamanahon

d)

Eksistensyal

14.

Piliin ang tinutukoy na mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa:

Sobrang ayos ng inyong tahanan.

a)

Pahanga

b)

Sambitla

c)

Pamanahon

d)

Eksistensyal

15.

Piliin ang tinutukoy na mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa:

Umaga na pala.

a)

Pahanga

b)

Sambitla

c)

Pamanahon

d)

Eksistensyal

16.

Ano ang katumbas ng Juan Tamad ng mga Katagalugan sa mga taga-Maranaw?

a)

Tandang

b)

Pilandok

c)

Sultan

d)

Datu

17.

Sa kuwentong 'Pilandok', paano siya naging sultan?

a)

dahil siya ay mabait

b)

dahil siya ay tuso

c)

dahil pinili siyang hari

d)

dahil nagsikap siya

18.

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ni Pilandok?

a)

maparaan

b)

tuso

c)

mapanlinlang

d)

mapagbigay

19.

Ano ang pangunahing tauhan ng pabula?

a)

diyos at diyosa

b)

hayop

c)

prinsesa

d)

ermitanyo

20.

Ito ay bahagi ng katutubong panitikan na lumaganap noong panahon ng Espanyol sa paraang pasalindila o pasalita.

a)

kuwento

b)

henerasyon

c)

bayan

d)

kuwentong-bayan

21.

Siya ay ang taong tanyag sa pagsulat ng mahigit na 200 pabula bago pa siya namatay.

a)

Aesop

b)

Shakespeare

c)

Galileo

d)

Bonaparte

22.

Ito ay isa lang sa mga halimbawa ng epiko sa Pilipinas.

a)

Beowulf

b)

Ramayana

c)

Bantugan

d)

El Cid

23.

Mga kwento ng kabayanihan, at nagpapakita ng mga tauhang may angking lakas at kapangyarihan ng mga kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan nito.

a)

epiko

b)

pabula

c)

mito

d)

alamat

24.

Nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.

a)

epiko

b)

pabula

c)

mito

d)

alamat

25.

Pumapaksa sa mga diyos at diyosa.

a)

epiko

b)

pabula

c)

mito

d)

alamat

26.

Ang mga tauhan ng kuwento ay mga hayop na nagsasalita.

a)

epiko

b)

pabula

c)

mito

d)

alamat

27.

Ito ay bahagi ng maikling kuwento na siyang tulay sa wakas ng kuwento.

a)

Panimula

b)

Suliranin

c)

Kakalasan

d)

Wakas

28.

Sa bahaging ito ay ipinakikilala ang mga tauhan. Dito rin nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.

a)

Panimula

b)

Kakalasan

c)

Suliranin

d)

Wakas

29.

Ipinapakita dito ang resolusyon o ang kinahinatnan ng kuwento.

a)

Panimula

b)

Suliranin

c)

Kakalasan

d)

Wakas

30.

Ito ang tawag sa problemang haharapin ng tauhan.

a)

Panimula

b)

Suliranin

c)

Kakalasan

d)

Wakas

31.

Mensahe ng alamat na, 'Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti'?

a)

Maging mapagbigay.

b)

Maging masipag.

c)

Huwag nang kumain.

d)

Maging mapili sa pagkain.

32.

Anong magandang katangian ni Bantugan ang dapat mong tularan?

a)

Pagiging mainggitin

b)

Pagmamahal sa kapatid

c)

Magaling lumipad.

d)

Pagiging mapaghiganti

33.

Bakit si Reyna Sima ay mahigpit na tagapanguna ng kanilang kapuluan?

a)

dahil mabagsik siyang reyna

b)

dahil tapat siyang reyna

c)

dahil siya ay mayabang

d)

dahil gusto niyang maging tanyag

34.

Isang araw, nagwika si Lalapindigowa-i sa kanyang mga asawa na dalhan na lang siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Si Lalapindigowa-i ay:

a)

matipid na asawa

b)

mabuting asawa

c)

mapagmahal na asawa

d)

masipag na asawa

35.

Layuning patawanin ang mga manonood. Ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

a)

Melodrama

b)

Trahedya

c)

Komedya

d)

Tragikomedya

36.

Ipinapakita dito na ang tauhan ay puno ng problema sa araw-araw.

a)

Melodrama

b)

Komedya

c)

Trahedya

d)

Tragikomedya

37.

Ito ay nagwawakas ng malungkot na maaring bunga ng kamalasan, kabiguan, kawalan at maging ng kamatayan.

a)

Melodrama

b)

Trahedya

c)

Komedya

d)

Tragikomedya

38.

Magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare.

a)

Melodrama

b)

Trahedya

c)

Komedya

d)

Tragikomedya

39.

Ang kuwentong-bayan ay isang anyo ng panitikan na naging bahagi

ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating sa

atin ang mga ___________.

a)

Hapon

b)

Kastila

c)

Amerikano

d)

Tsino

40.

Sa dulang “Sa Pula, sa Puti” ay ipinapakitang si Kulas ay isang lalaking:

a)

lulong sa alak

b)

lulong sa sugal

c)

lulong sa sabong

d)

lulong sa babae