NEW
Font size
WorksheetsPASULIT BLG. 3 (AWITING-BAYAN)
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Ang _________ ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at minsa’y walang sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta.
ALAMAT
AWITING-BAYAN
EPIKO
DULA
2. Ito ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas na binubuo ng mga kapuluan at tinaguriang Gitnang Pilipinas.
LUZON
MINDANAO
VISAYAS
PANAY
3. Sa anong panahon lumaganap ang mga awiting-bayan?
HAPON
KOLONYAL
AMERIKANO
ESPANYOL
4. Paano lumaganap ang mga awiting bisaya sa iba’t ibang henerasyon?
PASALITA
PASULAT
PAAWIT
WALA SA NABANGGIT
5. Ang dalaga naman ay biglang umayaw. Sasabihin pa kay Inang ng malaman. Ipinakikita sa linyang ito ng awiting -bayan ng Bisaya na isa sa mga kultura nila ay ________________.
dapat sundin ang mga matatanda
pinahahalagahan ang payo ng magulang
mahalaga ang sasabihin ng magulang
lahat ng nabanggit
6. Si Pilemon,si Pilemon Nangisda sa karagatan Nakahuli,nakahuli ng isdang tambasakan. Mula sa awiting -bayan ng Bisaya masasalamin natin na isa sa kanilang ikinabubuhay na bahagi ng kanilang kultura ay _____________________.
PANGINGISDA
PAGSASAKA
PAGKAKAINGIN
PAG-AALAGA NG HAYOP
7. Pinagbili,pinagbili sa isang munting palengke. Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, ipinambili ng tuba. Matapos ang pagbebenta ng hinuling isda ng nagsasalita, kumuha siya ng bahaging ipinambili ng tuba. Dito makikita ang kultura ng mga Bisaya na ___________.
pagbenta ng murang alak
mahilig sa kasiyahan
ito ang kanilang libangan
pag-inom ng tuba
8. Batang munti,batang munti matulog ka na.Wala rito ang iyong ina. Siya ay bumili ng tinapay. Ipinakita dito ang pagkalinga sa isang bata habang wala ang kanyang ina, sa awiting-bayang ito makikita ang kultura ng mga Bisaya na _______________.
nagpapahalaga sa iba
mapagmahal sa anak
pinahahalagahan ang pamilya
mahilig magpatulog ng bata
9. “Mahal kong Biday, buksan mo. Ang iyong bintana. Para makita mo ang tagahanga mo. Ay, mamamatay ako kapag di pinansin.” Anong kaisipan ang nangingibabaw sa linyang ito?
pagkakaisa ng babae at lalaki
pagkakasundo ng lalaki at babae
panliligaw ng binata sa babaeng mahal niya
pagkikita ng dalawang taong nagmamahalan
10. “Dandansoy, iiwan na kita. Uuwi ako sa Payaw”, ang mensaheng nais ipabatid sa linyang ito ay __________________.
pagihihiwalay ng landas ng magsing-irog
pagliligawan ng dalawang tao
pag-aaway ng dalawang makasintahan
pagbabalewala ng lalaki sa babae
