WorksheetsG1 ONLINE 2nd Monthly Exam in AP Nov. 23, 2023
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
1. Bakit importante na pahalagahan natin ang ating pamilya?
a. Dahil sila ay ating kadugo
b. Dahil sila ay ating pamilya
c. Dahil mahal at importante sila sa ating buhay
2. Masaya ba ang pamilya na laging nagdadamayan sa oras ng kagipitan?
a. Opo
b. Hindi po
3. Ano ang pwedeng mangyari sa pamilyang laging nag aaway?
a. Magiging masaya ang buhay nila
b. Magiging magulo ang buhay nila
c. Magiging masagana ang buhay nila
4. Normal ba sa pamilya ang paminsan minsang hindi pagkakaunawaan?
a. Opo
b. Hindi po
5. Kailangan ba natin tumulong sa gawaing bahay, bakit kaya?
a. Opo, dahil ang bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang ginagampanan.
b. Hindi, dahil ang mga matatanda lamang ang dapat gumagawa noon.
6. Ito ay nagpapakita ng larawan ng mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng bawat isa.
a. Picture frame
b. Album
c. Family tree
7. May mga pagkakaiba at pagkakatulad ba ang mga katangian ng bawat pamilya?
a. Oo
b. Wala
c. Hindi ko alam
8. Sa iyong palagay, nanaisin mo ba na ang iyong pamilya ay may pagkakaisa at pagmamahal sa bawat isa?
a. Opo
b. Hindi po
9. Tama ba ang pagsagot ng pasigaw sa mga magulang?
a. Opo
b. Hindi po
10. Mali ba ang magpaalam sa mga magulang bago umalis ng bahay?
a. Opo
b. Hindi po
11. Ano ang dalawang uri ng pamiya?
a. Malaki at maliit na pamilya
b. Konti at madami na pamilya
12. Uri ng pamilya na binubuo ng hindi hihigit sa apat na kasapi.
a. malaki na pamilya
b. maliit na pamilya
13. Uri ng pamilya na binubuo ng lima o higit pang bilang ng kasapi.
a. malaki na pamilya
b. maliit na pamilya
14. Ilan ang kasapi ng maliit na pamilya?
a. 2
b. 6
c. 4
15. Ilan ang kasapi ng malaki na pamilya?
a. 2
b. 5
c. 4
16. Sino-sino ang kasapi ng pinalawak na pamilya.
a. lolo, lola, tito, tita
b. kapitbahay
c. mga kasambahay
17. Sino-sino ang pangunahing kasapi ng pamilya?
a. ama, ina, mga anak
b. lolo, lola
c. tito, tita
18. Siya ang nag aasikaso sa kanyang pamilya at sa kanilang tahanan.
a. ama
b. ina
c. anak
19. Siya ang haligi ng tahanan.
a. ama
b. ina
c. anak
20. Nakaatas sa kanya na mag-aral ng mabuti at tumulong sa mga gawaing bahay.
a. ama
b. ina
c. anak
