NEW
Font size
WorksheetsKOMUNIKASYON REVIEW PART 1
Total questions: 30
Worksheet time: 29mins
Tukuyin kung alin sa sumusunod na pangungusap ang may tamang paggamit ng paggigitling at ng mga salita.
I. Si Maria ay nagtanim ng maraming gulay sa kanyang bakuran, at siya ang nag-ani
ng pinakamaraming kamatis sa kanilang barangay.
II. Siya ay nag-ukit ng maganda at makulay na larawan sa kanyang sketchpad.
III. Siya ang nagdala ng masarap na pagkain noong ika-dalawa ng Hulyo sa handaan
ng kanyang pamilya.
I lamang
I at III
I at II
I, II at III
Tukuyin kung alin sa sumusunod na pangungusap ang may tamang paggamit ng paggigitling at ng mga salita.
I. Ang bata ay tumatakbo paakyat sa hagdan nang may kasamang tuwa at sigla.
II. Nang dumating sa bahay ang bagong refrigerator, napansin ng lahat na hindi kasy hagdanan ang malaking aparato kaya't kailangang ilayo ito sa hagdanan.
III. Bumagsak siya mula sa hagdan nang biglang madulas ang kanyang sapatos.
I, II, at III
II at III
I at III
I at II
Tukuyin kung alin sa sumusunod na pangungusap ang may tamang paggamit ng paggigitling at ng mga salita.
I. Ang tamis ng halik ng araw ay nagdadala ng init sa aming balat.
II. Ang sipag nang mga magsasaka ang nagdadala ng saganang ani.
III. Ang mga kulay ng watawat ay nagdadala ng damdamin ng pagmamahal sa bayan
I, II, at III
II at III
I at III
I at II
Alin sa sumusunod ang HINDI wastong gamit ng gitling?
Sa pagsasama ng katinig at patinig
Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi
Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas
Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika
Kailan ginagamit ang salitang mayroon?
Kung ito’y sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Kung ito’y sinusundan ng pangngalan
Kung ito’y sinusundan ng pandiwa
Kung ito’y sinusundan ng pang-uri
Alin sa sumusunod ang wastong gamit ng gitling?
Celestine Gonzaga- Soriano
Di-kalakihan
Ika-10 ng Oktubre
Lahat ng nabanggit
“Didiligan ni Melisa ang mga halaman dahil inutusan siya ng kanyang inay.” Anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa pangungusap?
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Kontemplatibo
Imperpektibo
“Ang tatay ay pagod na pagod dahil kaaani niya lang ng mga palay sa bukid.” Anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa pangungusap?
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Kontemplatibo
Imperpektibo
“Si Mercy ay naglilinis ng kanyang silid.” Anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa pangungusap?
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Kontemplatibo
Imperpektibo
“Tumalon sa tulay ang binata dahil nawala ito sa katinuan.” Anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa pangungusap?
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Makulimlim ang panahon dahil ______ bagyo.
mayroon
may
nang
ng
Tumaas _______ sobra ang presyo ng bilihin sa buong bansa.
nang
ng
Tumakbo _____ tumakbo ang bata dahil hinahabol siya ng asong kalye.
ng
nang
Ang panghalip ay nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba pa.
TAMA
MALI
Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
TAMA
MALI
Ginagamit ang ng kasunod ng mga pang-uring pamilang.
TAMA
MALI
“Abot langit ang kanyang ngiti matapos ianunsyo na siya ay nanalo sa lotto.” Anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa pangungusap?
Perpektibo
Imperpektibo
Perpektibong Katatapos
Kontemplatibo
Ipinayo ng doktor na ___________ ang kanyang bali sa paa habang maaga pa.
operahan
operahin
Kumatok nang sobrang lakas sa _______ ang kanyang kapatid dahil ito’y lasing na lasing.
pintuan
pinto
"Nag-viral ang video ng babae dahil dinuro-duro niya ang nagtitinda ng gulay.” Anong aspekto ng pandiwa ang ipinapahayag sa pangungusap?
Perpektibo
Perpektibong Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Pupunta ako sa piging ________ papayagan ako ng aking magulang.
raw
kong
kung
noong
Alin sa sumusunod ang HINDI wastong gamit ng gitling?
de-lata
amoy-pawis
iba’t-ibang
ika-12 ng tanghali
Si Beta ay hindi makakaalis ngayon. Anong uri ng pang-abay ang tinutukoy sa nakasalungguhit na salita?
Panlunan
Pamaraan
Pananggi
Pang-agam
Sa gabi, tahimik na naglakad si Maria patungo sa tahanan matapos ang mahabang araw sa trabaho.
Panlunan
Pamaraan
Pananggi
Pang-agam
Dahan-dahan niyang inilatag ang kanyang plano sa proyekto, naisipang mabuti ang bawat hakbang upang masiguro ang tagumpay.
Panlunan
Pamaraan
Pananggi
Pang-agam
Oo, buo ang suporta ng buong pamilya sa kanyang pangarap na maging guro.
Panlunan
Panang-ayon
Pananggi
Pang-agam
Labis na maingat na inayos niya ang kanyang presentasyon, ipinakita ang kanyang kaalaman sa larangan.
Panlunan
Panang-ayon
Panggaano
Pang-agam
Higit sa lahat, ang masigasig na pagsusumikap niya ang nagbigay daan sa kanyang tagumpay.
Panlunan
Panang-ayon
Panggaano
Panulad
Si Juan ay hindi pumayag na sumama sa kanilang lakad dahil may mahalagang gawain siyang kailangang tapusin sa bahay.
Panlunan
Panang-ayon
Panggaano
Pananggi
