WorksheetsDiagnostic Test 1.1
Total questions: 22
Worksheet time: 11mins
Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Reyes. Napansin nila na malapit sa dagat ang kanilang lugar at ang mga tao doon ay halos lahat ay may bangka. Ano ang posibleng maging hanapbuhay ng mag-anak doon?
Magsasaka
Maghahabi
Magingisda
Tubero
Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?
Paghahabi ng tela
Pilak at ginto
Palay, mais at gulay
Perlas at kabibe
Ang tawag sa pag-iiba-iba ng klima ng mundo .
Global Warming
Polusyon
Climate Change
Pagkakaingin
Ano ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga yamang tubig?
Paghuli ng isda sa dagat
Paliligo sa dagat
Pagtatapon ng mga basura at langis sa katubigan
Pagbebenta ng mga yamang dagat
Ano ang mangyayari kung hindi natin pangangalagaan nang maayos ang ating likas na yaman?
Masisira ang ating paligid at mawawalan ng yaman ang susunod na salinlahi.
Magiging maayos pa ang kabuhayan ng mga tao
Mapapakinabangan pa natin ang ating likas na yaman.
Magiging mas maunlad ang ekonomiya.
Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari pang gamiting muli. Ano ang gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3Rs (reduce, reuse at recycle).
Kukunin ko ang mga itinatapon niya na pwede ko pang mapakinabangan.
Tuturuan ko siya kung paano muling mapakinabangan ang mga bagay na akala niya ay basura na.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
Pagsusunog ng basura
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Bio-intensive gardening
Pagtatayo ng pabrika malapit sa ilog o dagat
Kanino pananagutan ang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa tamang paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman?
Pamahalaan
Paaralan
Simbahan
Pamilya
Tungkulin ng _________________ na hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa kalikasan.
Pamahalaan
Paaralan
Simbahan
Pamilya
Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
Hayaan mo na lang siya.
Isusumbong at ipapahiya sa kapitbahay.
Sabihin na hidi dapat paglaruan ang mga halaman, nararapat itong alagaan.
Tularan ang kanyang ginagawa.
Alin ang HINDI wastong mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman?
Pag-iwas sa paggamit ng mga nakasasamang kemikal sa pananim.
Pagtatayo ng bahay sa ibabaw at tabi ng ilog o estero.
Alagaan ang mga halaman sa paligid.
Paggawa ng compost pit
Ito ay nagsisilbing isa sa mga hamon para sa mga magsasaka.
Makabagong teknolohiya
Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto
Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan
Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng pangingisda at pagsasaka ang pagbabago ng klima at iba pang likas na mga pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño phenomenon. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
Maraming hamon at opotunidad na hinaharap ang iba't ibang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa.
Sa kabila ng mga hamon, dapat puro oportunidad lamang ang isipin ng mga magsasaka at mangingisda.
Dapat manatiling matatag ang mga magsasaka at mangingisda dahil marami pang ibang hamon sa darating sa kanila.
Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD)?
Mahikayat ang mga mamamayan na magkaroon ng disiplina sa sarili.
Magsagawa ng iba't ibang paraan upang matugunan ang pangangailanagn ng tao.
Makontrol ang pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa.
Mapalakas ang turismo sa bansa.
Paano makatutulong ang isang guro sa pagpapaunlad ng likas kayang pag-unlad o sustainable development?
Pagbabawas sa paglaki ng mga rural na lugar
Pag-aayos ng mga nasirang ecosystem
Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
Pagkakaroon ng Property Rights Reform
May malapit na ugnayan ang pamilyang Pilipino.
tama
mali
siguro
ewan
Ang kaugaliang nagiging masigasig lamang sa umpisa ngunit hindi natatapos ang gawain.
mañana habit
bahala na
ningas cogon
pakikisama
Ang Lungsod ng Batangas ay maunlad na lungsod. Maraming mall at malalaking gusali dito. Marami ding mga tindahan sa bayan. Mas maraming tao ang makikita sa bayan lalo na sa Sabado at Linggo. Ano kayang hanapbuhay ang bagay sa mga taong nakatira sa kabayanan?
magtitinda
magsasaka
mangingisda
karpintero
Ang bansa natin ay napapaligiran ng katubigan. Napakayaman ng ating mga anyong-tubig at maraming mga nakukuhang yamang-tubig dito. Ano ang pinakamaraming angkop na hanapbuhay ng mga tao sa ating bansa?
mangingisda
magsasaka
abogado
drayber
Tumayo ng tuwid habang ianaawit ang pambansang awit.
wasto
hindi wasto
malamang
ewan
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino maliban sa isa.
Pagtangkilik sa larong Pinoy.
Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.
Paggalang sa watawat ng Pilipinas.
Pagkalimot sa ating tradisyon.
Ano ang dapat gawin ng mga taong magkaiba ang kultura sa isang komunidad.
Makipaglaban sa isa't isa upang magkaroon ng iisang nangungunang kultura lamang.
Magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad.
Ipagwalang-bahala na lamang.
