WorksheetsPANG-URING PANLARAWAN
Total questions: 27
Worksheet time: 16mins
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Masukal ang kagubatang tinatahak ng mga sundalo kaya't nagtagal sila sa paglalakbay pabalik sa kampo.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Nagkaroon ng magkasanib na pagsasanay ang mga kawal bilang paghahanda sa malawakang gawain sa darating na panahon.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Dahil sa kakulangan ng mga sundalo, nanawagan ang magilas na kapitan sa mga lider ng militar sa iba't ibang rehiyon ng bansa.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Sa mahabang panahon na nagkasama sa maraming operasyong militar, naging matalik na magkaibigan ang mga kawal na sina Joel at Lito
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Matagal na nawalay sa pamilya si Rod dahil sa kanyang pagtupad sa tungkulin sa bayan. Sabik na siyang bumalik sa kanyang malaking pamilya.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Nagtutulungan sa paglilinis ng bakuran ang magkapatid na Dens at Rica. Tinatapon nila ang basura upang mawala ang masangsang na amoy sa paligid
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Maagang naglibot sa subdivision ang kapitan ng barangay. Natuwa siya sa mga tanim na puno ng mga naninirahan doon kaya't naging luntian ang kapaligiran.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Nagbasa ng pahayagan si Dona noong isang umaga. Inaalam niya ang mga bagong balita tungkol sa kalagayan ng kapayapaan sa mga lalawigan dahil inuulat niya ito sa klase.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Magkakaroon ng parangal ang lalawigan sa mga sundalong matapang na hinarap ang kanilang misyon, ito ay gagawin sa malaking bulwagan.
(a)
Tukuyin ang pang-uri na ginamit sa sitwasyon at ang inilalarawan nito.
Sa pagdiriwang ay may inhandang salo-salo ang mga opisyal. Inanyayahan ang mga kamag-anak at kapitbahay na maging saksi sa nasabing makabuluhang pagtitipon.
(a)
Ang pang-uring ito ay karaniwang nagsasaad ng mga
katangian na napupuna gamit ang limang pandama
(five senses).
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Ito ay salita o mga salitang naglalarawan
o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.
Panag-uri
Pang-uri
Pang-abay
Panlapi
Ang pang-uring ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon
sa pagkakasunodsunod ng pangngalan.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Kausapin natin ang ating kaklaseng mahiyain.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Nakapila na ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Binigyan ako ni Tatay ng singkuwenta pesos.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Luma na ang mga kasangkapan sa bahay ni Lola.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Si Jessica ang pangalawang kalahok na kakanta
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Ang mga daan papuntang bayan ay baku-bako.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Si Noynoy Aquino ay ang ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Dalhin mo itong itim na bag sa loob ng bahay
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Sinususuklay ni Nanay ang mahabang buhok ni Rachel.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Nakaabang sa pinto ang tatlong aso ni Rommel.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Pamilang
Lumaking responsable ang tangi o nag-iisang anak ng mag-asawa.
Ang tangi ay pang-uring ________ .
panlarawan
pamilang
pantangi
paari
Ang mga larawan ay kahanga-hanga.
Ang kahanga-hanga ay pang-uring ________ .
panlarawan
pamilang
pantangi
paari
Ang pang-uring ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pamilang
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Paari
Anong uri ng Pang-uri ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
Marami ang apektado sa nagdang bagyo.
panlarawan
pantangi
pamilang
paari
