WorksheetsEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Anong pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapuwa ang gagawin mo kung may nakasalubong ka na isang matandang pulubi,humihingi sa dala mong tinapay kasi gutom na gutom na daw siya?
Di ko siya bibigyan ng tinapay kasi gutom din ako.
Hayaan ko siyang magutom.
Kakainin ko ang pagkain sa harap niya.
Ibibigay ko ng kusa ang tinapay at kakain nalang ako pagdating ng bahay.
May dumating na ayuda galing sa Barangay. Nagkataon na may kumatok sa inyong pintuan na isang taong mahirap at humingi ng tulong at makiinom ng tubig.
Pagsarahan ko siya ng pinto.
Sasabihan ko na umalis kasi wala kaming maibigay sa kanya.
Tatawag ako ng Barangay Tanud para paalisin siya.
Paiinumin ko ng tubig at bibigyan ko ng makakain.
Dahil sa madalas na paglindol, pansamantalang natigil ang araw-araw na face to face classes at mas minarapat na manatili sa bawat bahay ang mga mag-aaral.
Hihinto nalang muna ako sa pag- aaral.
Maghapon akong maglalaro sa aking gadget.
Lubos akong matutuwa dahil makakalabas ako ng bahay kasama mga kaibigan ko
Susunod ako sa Stay at Home na palisiya at tutulong ako sa mga gawaing bahay.
Umalis ang nanay mo. At tanghali na at pagtingin mo sa kusina wala pang sinaing. Alam mo sa sarili mo, na marunong kang magsaing. Ano ang iyong gagawin?
Hayaan ko na walang sinaing.
Matulog na lang ako.
Kusa po akong magsaing kahit hindi ako sinabihan ni nanay.
Maghihintay ako na dumating si nanay at siya na ang magsaing.
Tumawag ang kapamilya ninyo at ikaw ang nakasagot. Pinaalam na marami ang nawalan ng bahay sa kanilang lugar dahil sa malakas na lindol na naganap sa kanila.
Hindi ko ipapaalam sa mga magulang ko na may tumawag.
Pagsabihan ko sila na hihingi ng tulong sa iba.
Papuntahin ko sila sa kanilang Mayor at doon humingi ng tulong.
Ipaalam ko sa aking mga magulang at ibibigay ang konting naipon ko para maidagdag sa tulong sa kapamilya naming na biktima ng sakuna.
Palaging tumutulong sa kapuwa sa oras ng pangangailangan.
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Mas priyoridad ang sarili sa oras ng kalamidad.
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Magbibigay ng tulong sa abot ng makakaya sa panahon ng kalamiad.
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Huwag mong pakialaman ang kapakanan ng iyong kapitbahay lalo na sa oras ng pangangailangan.
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Ang Punong Barangay ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa Kabarangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at tulong pinansyal.
Sumasang-ayon
HIndi sumasang-ayon
