wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ASYNCHRONOUS-WEEK 5-FILIPINO-Q2

Total questions: 9

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Paano natapos ang kuwento?

a)

Si Lorena ay nanonood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan ng paaralan.

b)

Lagi nang may kalaro si Lorena, hindi lamang isa kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.

c)

Inaatake ng hika ang mag-aaral na tumabi kay Lorena kaya tumayo si Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral.

d)

Natakot si Lorena at nasabi niya sa mag-aaral kung anong nangyayari sa kaniya dahil hinahabol ang paghinga at tumutulo ang luha nito.

2.

Paano nagsimula ang kuwento?

a)

Masayahing mag-aaral na si Lorena.

b)

Inaatake ng hika ang mag-aaral na tumabi sa kaniya.

c)

Naging matalik na magkaibigan sina Lorena at ang kamag-aral.

d)

Si Lorena ay nanonood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan ng paaralan.

3.

Saan naganap ang pangyayari sa kuwento?

a)

paaralan

b)

silid-aralan

c)

parke

d)

silid-aklatan

4.

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo sa lilim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan. Sapat na sa kaniya ang manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan.Isang hapon, sa kaniyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang tumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Anong nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo?”Inaatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral.Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon, naging matalik na silang magkaibigan.Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

a)

Lorena at nars

b)

Lorena, mag-aaral at nars

c)

mag-aaral at Lorena

d)

mag-aaral, guro at nars

5.

Ito’y kapanabik-nabik na pangyayari na nagaganap sa bahagi ng kuwento.

a)

Simula

b)

Kasukdulan

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

6.

Ito’y elemento tungkol sa mga pangyayari ng kuwento.

a)

Tagpuan

b)

Tauhan

c)

Simula

d)

Kasukdulan

7.

Ang SIMULA ay bahagi ng kwento na kung saan matatagpuan ang mga tauhan, tagpuan at suliranin.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ito'y elemento ng kwento na maaaring tao, bagay, hayop ang nakikilahok sa aksyon.

a)

Tauhan

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Kasukdulan

9.

FILIPINO.

Ang SIMULA ay bahagi ng kwento na binubuo ng kakalasan at wakas.

a)

Tama

b)

Mali