NEW
Font size
WorksheetsPAGSUNOD AT PAGGALANG (ESP 8)
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na ________ na ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
Respectus
Respite
Perspectus
Wala sa mga nabanggit
Sino sa sumusunod ang responsable sa paghuhubog ng pag-uugali ng bata tungkol sa paggalang at pagsunod?
Magulang at kasama sa bahay
Guro
Kapitan ng Barangay
Kapit-bahay
Ang nagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang ay naipapamalas sa
pamamagitan ng ____________.
pagbibigay ng pangangailangan ng isang tao.
pagtanggap sa kahinaan ng kapwa tao.
pagkilala sa dignidad ng tao.
pakikisama sa kanyang mga nais.
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pamilyang nagpapahalaga sa paggalang sa
karapatang maging pribado?
pagsusuot ng damit sa kapatid ng hindi nagpapaalam.
humingi ng pahintulot
pagdedesisyon para sa mga kasama mo sa bahay.
pag-alam ng “password” sa facebook
Sino ang igagalang?
Magulang
Awtoridad
Nakakatanda
Lahat ng nabanggit
Bakit kailangang gumalang?
Dahil ito ay kailangan at tungkulin
Dahil ito ay ipinag-uutos
Dahil naipapakita ang iyong kabaitan
Dahil nagdudulot ito ng magandang ugnayan at kapayapaan
Ang pamilya ay malapit sayo dahil sa________?
Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.
Ang kamukha mo ang iyong ama at ina.
Ang iyong materyal na pangangailangan ay natutugunan nila.
Ang nananalaytay sa inyo ay iisa lamang.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Gintong Aral?
Huwag mo gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin nila iyo.
Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin nila sa iyo.
Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
Ang pagnanais makaganti sa kapwa mo na nanakit sayo.
Bakit nagagawa ng isang tao ang paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
Kakulangan sa edukasyon tungkol sa mga halaga at paggalang sa lipunan.
Pagkukulang sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan.
Impluwensya ng mga kaibigan o peer preasure
Kaganapan ng natural na pag-uugma ng mga henerasyon at mga pagkakaiba-iba ng kultura.
Paano mo maipakikita ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at regulasyon na itinakda ng lipunan.
Sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagtuturing ng may respecto sa mga nakatatanda at may kapansanan.
Sa pamamagitan ng pagtuturing ng lahat ng tao ay pantay-pantay, anuman ang kanilang kasarian o lahi.
Lahat ng nabanggit.
Isang Griyegong pilosopo ang nagbigay lalim sa naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob. Ang kanyang pilosopiya ay nagkaroon ng pangmatagalang impluwensya sa pag-unlad ng lahat ng "Western Philosophy".
Plato
Alexander the Great
Aristoteles
Santo Tomas de Aquino
Paano mo maisasabuhay ang paggawa ng kagandahang loob?
Sa pamamagitan ng pagtulong sa Kapwa ng walang hinihinging kapalit
Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo sa sarili para sa mga higit na pinapahalagahan.
Sa pamamagitan ng paggawa ng Mabuti para sa pansariling interes.
Mga pagpipilian A at C.
Ano ang ibig sabihin ng Respectus?
Ito ay nangangahulugang paggalang
Ito ay nangangahulugang mag-iipon
Ito ay nangangahulugang pagsunod
Ito ay nangangahulugang maging mabuti
Ano ang ibig sabihin kung ang isang indibidwal ay hindi naglalaan ng oras at pagsisikap sa paggawa ng mabuti sa kapwa?
Hindi mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa sa pang-araw-araw na buhay.
Walang epekto ito sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Ito ay nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa kapwa.
Ito ay isang katangian ng isang matagumpay na tao.
Palagi kang sinasabihan ng magulang mo na gumalang sa mga mas nakakatanda sa iyo. Isang araw, papasok ka sa eskwela, nakita mo ang iyong tiyahin at tiyuhin sa harap ng iyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin bilang pagsunod sa turo ng iyong mga magulang?
Magmano sa kanila at batiin sila ng magandang araw.
Iwasan sila at dumaan na lang sa isang gate.
Magpanggap na hindi sila nakita at lampasan lang
Wala sa nabangit.
