NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 5-3rd Qtr. Week 5-8
Total questions: 29
Worksheet time: 44mins
1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto ng nasyonalismo?
Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan.
Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng bansa
Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.
Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang hinahangad.
2. Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?
Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol
Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.
Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
Paggalang sa mga pinunong Espanyol.
3. Ang mga sumusunod ay naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga pakikipaglaban sa mga Espanyol, maliban sa isa, alin ito?
malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol
di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol
hangad na muling maging malaya at mamuhay nang mapayapa
makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa pamahalaan.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang nasyonalismo.
Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop.
Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.
Pagtangkilk ng mga produktong imported.
Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa.
5. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, sasali ka ba sa mga pag-aalsang naganap upang maipamalas ang iyong nasyonalismo o pagmamahal sa bayan?
Oo, dahil ang mamamatay para sa bayan ay tanda ng pagiging bayani.
Oo, dahil marami ang makakalaya kung magtatagumpay ang pakikipaglaban.
Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding kalungkutan sa pamilya.
Hindi, dahil maipamamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Espanyol upang maiwasan ang kaguluhan.
6. Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?
pinuno at empleyado ng pamahalaan
manggagawa sa komunidad
ordinaryong mamamayan
lahat ng nabanggit
7. Ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Maliban sa pakikipaglaban, sa paanong paraan pa maaaring maipamalas ang nasyonalismo?
pagbibigay ng lahat ng yaman sa mga mahihirap
pagtalima sa mga aral ng simbahan
pagsunod sa ipinatutupad na batas
pananatili sa sariling bansa
8. Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa bansa?
Si Pedro na ginawa ang lahat nang magpapasaya sa kanya.
Si Maria na pinili ang karapat-dapat na pinuno ng bayan.
Si Jose na binalewala ang mga batas na ipinatutupad ng barangay
Si Juan na sumasali sa mga rally na bumabatikos sa pamahalaan.
9. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maipapamalas ang iyong pagmamahal sa bansa sa panahon ngayon na ang bansa ay nakararanas ng matinding pagsubok sa pakikipaglaban sa COVID-19?
sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan.
sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan.
sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at paglalaro buong maghapon gamit ang cellphone.
sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at paglalaro buong maghapon gamit ang cellphone.
10.Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa loob ng paaralan?
Pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain.
Paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan.
Paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat
Pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na handog ng pamahalaan.
11. Bakit hindi nagtagal ang rebelyon ni Francisco Maniago?
Binayaran siya ng malaking halaga upang itigil na ang rebelyon.
Kinausap sila ng isang pari upang itigil ang rebelyon
Hinuli siya at pibugutan ng ulo.
Nahuli siya at ibinitay.
12. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga Filipino?
Ang gobernador-heneral ang pinakamakapangyarihan pinuno na nasa kolonya.
Hindi gaanong naapektuhan ng kolonyalismo ang mga Filipino sa panansakop ng mga Espanyol.
Higit na naapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga Filipinong mahalin sila.
Nawalan ng kapangyarihang mamahala ang mga katutubong Filipino at napasailalim sa mga Espanyol.
13. Bakit armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang kalabanin ang mga Igorot at Muslim.
Armadong paraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa mga Espanyol
Hindi ninais ng mga Espanyol sa mapayapang paraan ng pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Ipinatupad nila ang patakarang divide and conquer.
Ang armadong paraan ang pinaka-epektibo sa isinagawang pananakop ng mga Espanyol.
4. Bakit mas katanggap -tanggap sa mga Muslim ang Sultanato sa Mindanao
kaysa kolonya ng mga Espanyol?
Higit na nakasanayan ng mga Muslim ang sultanato sa Mindanao kaysa kolonya ng mga Espanyol.
Papalitan ng kakaibang relihiyon ang sultanato sa ilalim ng kolonya.
Nais nilang kilalanin ang kapangyarihan ng hari.
Hindi pananakop at walang puwersahan sa pagsunod ang mga Muslim sa kapangyarihan ng sultan.
15. Anong taon inilunsad ang pang-apat na Digmaang Moro na siyang kaunaunahang jihad o banal na digmaan laban sa mga Espanyol.
1599-1635
1571-1581
1591-1597
1635-1663
16. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling kultura at paniniwala?
Ang mga Katutubong tahimik na namuhay sa kabila ng mga pananakop
Ang mga Katutubong nag-alsa at nagbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang kultura at bayan
Ang mga Katutubong tumakas at lumayo upang hindi marating ng mga dayuhan na mananakop
Ang mga Katutubong tinanggap ang mga pagbabagong dala ng mga armadong pananakop ng Espanyol
17.Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit ang tangkang pagsakop ng mga Espanyol sa lupain ng Mindanao ay bigo. Alin sa mga ito ang HINDI dahilan?
malaki ang suporta sa kanila ng gobernador-heneral
organisado ang mga Sultanato sa Mindanao
matindi ang kanilang pananalig sa Islam
bihasa sila sa pakikidigma
18.Bakit nahirapan ang mga Espanyol na masakop ang Cordillera?
kulang ang armas ng mga Espanyol
kakaunti ang bilang ng mga armadong Espanyol
mahina sa pagpaplano ang naatasang mamuno sa digmaan
hindi kabisado ng mga Espanyol ang pasikot-sikot sa kabundukan
19. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga aral o gintong kaisipan na nais ipaalala sa atin ng mga katutubong Pilipinong nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol, maliban sa isa, alin ito?
Ang bawat Pilipino ay kailangang pag-isipan at timbangin kung saan siya makakakuha ng mas maraming pabor at ayuda.
Katulad ni Sultan Kudarat, kailangan ng ating bayan ang mga pinunong may “political will” at may dangal.
May kalayaan ang bawat tao na pumili ng kanyang paninindigan at paniniwala.
Kailangang manindigan sa anumang piniling desisyon.
20. Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol na masakop ang lahat ng pangkat
na nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo?
Dahil magaling magtago ang mga Pilipino.
Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas.
Dahil maraming mababangis na hayop sa kabundukan.
Dahil sila ay gumawa ng mga patibong at ikinatakot ito ng mga Espanyol.
21. Maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang kanilang ginawang
pagtatanggol sa kanilang teritoryo?
Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.
Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.
22. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagrebelde ang mga katutubo laban sa mga Espanyol maliban sa isa.
Pagbawi sa nawalang kalayaan.
Labis-labis na paniningil ng buwis.
Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo.
Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
23. Bunga ng armadong pananakop ng mga Espanyol, maraming mga Katutubo ang nakaranas ng karahasan mula sa mga dayuhan at maging sa mga kapwa Pilipinong umanib sa pwersa ng mga ito. Sino sa mga sumusunod ang nakaligtas mula sa pwersang pinairal ng mga Kastila?
Ang mga katutubong Pilipino na bukas ang loob sa pagtanggap sa Katolisismo
Ang mga Katutubong Pilipino na tumakas at namundok
Ang mga Katutubong Pilipino na lumaban at marahas na tumutol sa pananakop ng mga Espanyol
Ang mga Katutubong Pilipino na naging sundalo at kasama ng mga misyonero sa pagsakop sa ilan pang katutubo sa iba pang panig ng mga kabundukan
24.Bakit nahirapan ang mga Espanyol na masakop ang Cordillera?
kulang ang armas ng mga Espanyol
kakaunti ang bilang ng mga armadong Espanyol
mahina sa pagpaplano ang naatasang mamuno sa digmaan
hindi kabisado ng mga Espanyol ang pasikot-sikot sa kabundukan
25. Bakit nilisan ng mga prayle ang bundok ng Cordillera?
Dahil walang tao sa bundok na ito.
Dahil wala na silang makakain.
Dahil natakot sila sa tinawag na headhunting ng mga Igorot.
Dahil natakot sila sa mga hayop sa bundok na ito.
26. Ano kaya ang naging reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol?
Masaya dahil may pumasok na dayuhan.
Nagalit dahil ayaw nila sa pamamalakad ng mga Espanyol.
Nabighani sa kaguwapuhan ng mga Espanyol
Natuwa dahil nakakita sila ng ibang tao.
28.Kung ikaw ay isang Igorot o Muslim, paano mo pahahalagahan ang iyong lahi?
Wala akong masabi.
Mahalin at ipagmamalaki ko ang aking kinagisnang lahi .
Siguro ikahihiya ko sila.
Hindi ko alam kung anong gagawin
20. Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol na masakop ang lahat ng pangkat
na nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo?
Dahil magaling magtago ang mga Pilipino.
Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas.
Dahil maraming mababangis na hayop sa kabundukan.
Dahil sila ay gumawa ng mga patibong at ikinatakot ito ng mga Espanyol.
19. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga aral o gintong kaisipan na nais ipaalala sa atin ng mga katutubong Pilipinong nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol, maliban sa isa, alin ito?
Ang bawat Pilipino ay kailangang pag-isipan at timbangin kung saan siya makakakuha ng mas maraming pabor at ayuda.
Katulad ni Sultan Kudarat, kailangan ng ating bayan ang mga pinunong may “political will” at may dangal.
May kalayaan ang bawat tao na pumili ng kanyang paninindigan at paniniwala.
Kailangang manindigan sa anumang piniling desisyon.
