Font size
WorksheetsHiyas ng Lahi 2Q reviewer
Total questions: 90
Worksheet time: 15mins
Siya ay isang Amerikanong Antropologo na nagsabing may mga pangkat na dumating sa Pilipinas -- ang Negrito, Indones, at Malay.
H. Otley Beyer
F. Landa Jocano
Wilhelm Solheim
Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, ang lahing Pilipino ay nagmula sa lahi ng ilang pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas?
2
3
4
Anong pangkat sila napapabilang? Narating nila ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa mga lupang tulay.
Negrito
Indones
Malay
Sila ang huling pangkat na dumating sa Pilipinas. Narating nila ang bansa sakay ng malalaking bangkang tinatawag na balangay.
Negrito
Indones
Malay
Sila ang ikalawang pangkat na dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalayag.
Mahusay silang gumawa ng mga sasakyang pandagat.
Negrito
Indones
Malay
Sila ang unang pangkat na dumating sa Pilipinas. Sila ay maliliit, sarat ang ilong, kulot ang buhok, at maitim ang balat. Wala silang permanentend tirahan.
Negrito
Indones
Malay
Sila ay mapuputi at matatangkad. Sila ay may pirmihang tirahan na yari sa pawid at kawayan.
Negrito
Indones
Malay
Siya ang Amerikanong arkeologo na nakahukay ng skullcap ng sinaunang tao sa Pilipinas sa yungib ng Tabon sa Palawan.
Armand Mijares
Robert B. Fox
Charles Darwin
Ang Kwebang Tabon ay matatagpuan sa _________.
Palawan
Mindoro
Batangas
Cavite
Sinong pangkat ang nanirahan sa kapatagan?
Indones
Negrito
Pilipino
Nakahukay ng buto at kagamitan sa Kuweba ng Tabon sa Palawan.
Natutuhan natin ang pagta-tattoo sa mga Indones. Ito ay paraan nila ng paghanga sa sining.
Ang mga Malay ang unang nakagawa at tumira sa tree house. Ito ay upang maging ligtas sila sa anumang uri ng kaaway at maging sa pagsalakay ng mababangis na hayop.
Tama
Mali
Ang Taong Tabon ang kinikilalang unang taong nanirahan sa ating bansa.
Ang lupang tulay ang naging daan upang makarating ang mga Negrito sa bansa.
Tama
Mali
Ang pinakamaunlad sa tatlong pangkat na dumayo sa Pilipinas ay ang __.
Negrito
Indones
Malay
Ang bungo na natagpuan sa Kuweba ng Tabon ay tinatayang may ___ taon na ang tanda.
27,000
37,000
47,000
Sila ay sakay ng balangay papunta sa bansa natin.
Negrito
Indones
Malay
Sila ay mahusay mangaso at mangisda.
Negrito
Indones
Malay
Ang paggawa ng apoy ay natutuhan natin mula sa mga ___
Negrito
Indones
Malay
Ang apo, hukom, sulat, at salamat ay mga salitang galing sa mga ___.
Intsik
Arabe
Indiyan
Ang ___ ay banal na pagdiriwang ng mga Muslim kalakip ang pag-aayuno.
Hari Raya Puasa
Eid Ul-Fitr
Ramadan
Ito ang pinakamalaking kapistahan ng mga Muslim.
Hari Raya Puasa
Eid Ul-Fitr
Ramadan
Sila ay dayuhan na may angking katapangan. Ito ang namana ng mga kapatid nating Muslim sa kanila.
Arabe
Intsik
Indiyan
Ito ang kilalang sayaw ng mga Muslim sa Mindanao.
rigodon
singkil
cariñosa
Ito ay isa sa mga naging impluwensiya ng Intsik sa mga Pilipino.
paghahabi ng telang cotton
pagpapalaganap ng relihiyong Islam
pagpapalipad ng saranggola
Ito ang pangunahing dahilan ng pagpunta ng mga dayuhan sa ating bansa.
pakikipagkalakalan
pakikipagkaibigan
pananakop
Ito ang lugar sa Pilipinas kung saan pinalaganap ng mga Arabe ang relihiyong Islam.
Luzon
Visayas
Mindanao
Ito ang uri ng tela na hinahabi ng mga Indiyan.
cotton
seda
linen
Ang paggamit ng kurdon at belo sa kasal ay isang kaugalian ng mga Indiyan na namana natin sa kanila.
Koran ang tawag sa banal na aklat na matapat na sinusunod ng relihiyong Islam.
Sa mga Indiyan natin natutuhan ang paghahabi ng tela.
Ang pangangalakal at pagtitinda ay natutuhan ng ating ninunong Pilipino sa mga Intsik.
tama
mali
Ang mga kalakal na telang seda, pulbura, at kagamitang porselana ay dinala sa ating bansa ng mga Indiyan.
tama
mali
Sa mga Tsino natin natutunan ang paggamit ng paputok at paglalaro ng sungka.
tama
mali
Ang mga Hapon ang unang dayuhang sumakop sa ating bansa at napasailalim tayo sa pamamalakad nila sa loob ng mahigit na 300 taon.
tama
mali
Ang mga Amerikano ay dumating sa Pilipinas noong 1898 upang tulungan ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Kastila.
tama
mali
Si Ferdinand Magellan ang namuno sa mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas.
Thomasites ang mga sundalong Hapones na naging unang guro ng mga Pilipino.
tama
mali
Ang kalayaan ng Pilipinas ay ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
tama
mali
Si Lapu-lapu ang unang bayaning Pilipino na lumaban kay Ferdinand Magellan.
tama
mali
Kailan nagsimulang palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo sa bansa?
pagdating ng mga Hapon
pagdating ng mga Amerikano
pagdating ng mga Espanyol
Ang pagboto at pamahalaang demokratiko ay galing sa mga ___.
Hapon
Amerikano
Espanyol
Ang pagkain ng hamburger at pag-inom ng softdrinks ay impluwensiya sa atin ng mga ___.
Hapon
Amerikano
Espanyol
Ang mga larong tennis, bowling, volleyball, at basketball ay ipinakilala sa ating ng mga ___.
Hapon
Amerikano
Espanyol
Natutuhan natin sa mga ___ ang pag-ayos ng bulaklak (ikebana), pagtatanim ng maliit na puno sa paso (bonsai), at pagtitiklop ng papel upang lumikha ng iba't ibang bagay (origami).
Hapon
Amerikano
Espanyol
Ang pagsasabong ay natutuhan natin sa mga ___.
Hapon
Amerikano
Kastila
Ang Protestantismo ay relihiyong galing sa mga ___.
Hapon
Amerikano
Kastila
Ang ___ ang nagpakilala ng rosaryo, prusisyon, at misa sa mga Pilipino.
Hapon
Amerikano
Kastila
Sa mga ___ natin natutuhan ang pagyuko bilang tanda ng paggalang.
Hapon
Amerikano
Kastila
Ang paggamit ng po at opo ay pagpapakita ng pagiging ___.
maka-Diyos
malikhain
magalang
masayahin
matapat
Ang pagiging ___ ng Pilipino ang nagpaunlad sa kanilang kultura, sining, panitikan, sayaw, at awit. Ang pagtugtog gamit ang dahon ay isang halimbawa nito.
maka-Diyos
malikhain
magalang
masayahin
matapat
Ang ating pagiging ___ ay minana natin sa ating mga ninuno. Ipinakita ito ng mga sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng hindi paggalaw sa anumang bagay na hindi nila pag-aari.
maka-Diyos
malikhain
magalang
masayahin
matapat
Ang pananalig sa Diyos ay napakahalaga sa mga Pilipino. Ito ay naipapakita sa kaugaliang pagdarasal bago matulog.
maka-Diyos
malikhain
magalang
masayahin
matapat
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging ___ dahil kaya nilang ngumiti sa gitna ng pagsubok o kahit may kinakaharap na problema.
maka-Diyos
malikhain
magalang
masayahin
matapat
Piliin ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mabuting ugali, at X kung hindi mabuti.
Sinunod ni Euan ang nanay niya nang utusan siyang bumili ng asukal sa tindahan.
Piliin ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mabuting ugali, at X kung hindi mabuti.
Nakikipag-unahan si Rhyz sa pila sa pagbili sa canteen.
Piliin ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mabuting ugali, at X kung hindi mabuti.
Nanood si Lio ng TV pagdating sa bahay sa halip na gain ang takdang-aralin.
Piliin ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mabuting ugali, at X kung hindi mabuti.
Nagsisimba ang mag-anak na Galvez tuwing araw ng Linggo.
Piliin ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mabuting ugali, at X kung hindi mabuti.
Humahalik si Alexene sa kanyang ina bago umalis ng bahay.
Ang pakikiisa sa tagumpay ng kaibigan ay isang mabuting ugali ng Pilipino.
Ang pagkutya sa nakitang Ita sa daan ay isang mabuting ugali ng Pilipino.
Ang paghinto sa paggawa ng proyekto dahil hindi pa takdang araw ng pagpapasa ay nagsasaad ng mabuting ugali ng Pilipino.
Ang pagpapahalaga sa mga banyagang produkto ay isang mabuting ugali ng Pilipino.
Ang pangangalaga sa likas na yaman ng Pilipinas ay isang mabuting ugali ng Pilipino.
Ang pag-uutos sa kasambahay ng pag-alis ng iyong medyas at sapatos ay nagsasaad ng mabuting ugali ng Pilipino.
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawan sa bawat pangungusap.
Nagbebenta ang nanay mo ng mga produktong galing Amerika.
kaisipang kolonyal
kaisipang talangka
Filipino time
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Gumawa ng kuwento si Gng. Duldulao tungkol sa pagkaka-promote sa posisyon ni Gng. Briones sa posisyon.
kaisipang kolonyal
kaisipang talangka
Filipino time
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Ang programa ay nagsimula ng 4:00 ng hapon ngunit dumating sina Rhyz at Lio ng 4:30.
kaisipang kolonyal
kaisipang talangka
Filipino time
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Sinimulan ng Kabataang Barangay ang Operation: Linis at Tanim, subalit hindi naman naipagpatuloy.
katamaran
padrino system
ningas kugon
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Kinausap ni Mang Sherwin ang kaibigang manedyer para maipasok ang kanyang anak sa supermarket.
katamaran
padrino system
ningas kugon
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Tumaya sa jueteng si Aling Emy sa pag-asang mananalo siya.
katamaran
padrino system
ningas kugon
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Inutusan ni Asher ang kasambahay na pulutin ang mga laruang ikinalat niya sa sahig.
katamaran
padrino system
ningas kugon
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Mahilig kumain ng Snickers at Cadbury chocolates sina Zech at Gelo.
katamaran
kaisipang kolonyal
bahala na system
Tukuyin ang negatibong ugaling inilalarawang sa bawat pangungusap.
Hindi ginawa ni Aries ang kanyang irereport na takda sa klase.
katamaran
kaisipang kolonyal
bahala na system
Barangay ang tawag sa yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno.
Binubuo ng 40 hanggang 100 pamilya ang bawat barangay.
Lahat ng sinaunang batas ay naisulat ng ating mga ninuno.
Tama
Ang datu ang namumuno sa bawat barangay. Ang pangunahing tungkulin niya ay tiyakin ang kaayusan at pangangalaga sa kapakanan ng bawat kasapi ng pamayanan.
Ang pagbabayad ng buwis ay ginawa ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang ani, huling hayop, at kahit anumang bunga ng kanilang paghahanapbuhay.
Ipinagbabawal ang pagpatay sa pating at buwaya noong unang panahon.
Ang batas na di-nasusulat ay ipinababatid sa mamamayan sa paraang pasalita. Ang mga ito ay ipinatutupad ayon sa mga tradisyon at kaugaliang namulatan na.
Ang sinaunang batas ay nahahati sa tatlong pangkat.
Noong 1344 naglahad ng mga batas ang mga nakatataas sa barangay.
Ang pagkakautang ay pinahihintulutan basta't dapat mabayaran ito sa takdang panahon.
Mahigit na 7 milyong katutubong Pilipino ang matatagpuan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
Ang mga katutubong Pilipino ay nagpasakop sa mga dayuhang mananakop.
Tama lamang na maliitin anatin ang mga katutubo dahil sa sinauna nilang pamumuhay.
Nanirahan sa mga kabundukan at kuweba ang mga katutubo.
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga katutubo sa kasaysayan ng lahing Pilipino.
