WorksheetsEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) Grade 7 - 2nd Quarter
Total questions: 48
Worksheet time: 24mins
Ang lahat ng tao ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Ano ang tawag sa gumaganap nito?
Isip
katawan
kilos
Ispiritwal
Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na, 'Ang kilos-loob ay bulag'?
Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isip?
Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na, 'Ang halaman at hayop ang ganap na nilikha ng Diyos'?
Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang
Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao na higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.
Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos.
Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
mag-isip
magpasya
magtimbang ng esensya ng mga bagay
umunawa
Ang lahat ng tao ay may kalayaan. Anong bahagi ng ating pagkatao ang sumasaklaw sa paglalapat ng kilos?
dignidad
Isip
Kilos- loob
konsensya
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ano ang mensahe na nais ipabatid?
Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip
Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan.
Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilo-loob upang pumili ng particular na bagay o kilos.
Lahat ng nabanggit.
Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay 'with' o mayroon at scentia. Ano ang ibig sabihin ng salitang scentia?
kabanalan
kalayaan
kaalaman
katarungan
Ano ang tawag sa batas na nakaukit na sa pagkatao ng isang inibidwal kaya't ang unang prinsipyo nito ay: 'Likas na tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama'?
Batas Militar
Batas Sibil
Likas na Batas Moral
Tuntuning Pampaaralan
Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng Likas na Batas Moral?
Unibersal
Natural
Eternal
Immutable
Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ano ang nais ipahiwatig nito tungkol sa likas na batas na moral?
obhektibo
unibersal
di nagbabago
walang hanggan
Ang likas na batas moral ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Ano ang nais ipakahulugan nito tungkol likas na batas na moral?
obhektibo
unibersal
di nagbabago
walang hanggan
Lagi kayong nagtatalo ng iyong kapatid para kayong aso't pusa sa dalas ng inyong pag-aaway. Pati ang inyong ina ay naapektuhan na at sumama ang loob dahil sa pagpapalitan ninyo ng masasamang salita. Ano ang makatwiran mong magagawa?
Hahanapin ko ang dahilan ng aming hindi pagkakasundo at kakausapin ko siya upang maiwasan na ang pag-away.
Ipapakita ang aking pagmamahal sa kanya kung kaya ko ng kalimutan ang kanyang kasalanan.
Kahit kailan hindi ko na lang kakausapin ang aking kapatid dahil magsasayang lang ako ng aking panahon.
Pakikitungohan ko ng maayos ang aking kapatid kapag nasa harap lamang ang aking ina.
Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
Makakamit ng tao ang kabanalan
Mabubuhay ang tao ng walang hanggan
Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
Mapalaganap ang kabutihan
Makakamit ng tao ang tagumpay
Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ano ang nais ipabatid ng pahayag?
Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil sa kanyang isip at kilos-loob
Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
Tama, dahil hindi ganap ang tao
Tama, dahil maraming siyang nais mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ito
Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, alin ang nawala sa kanya?
Karapatang pantao
Panlabas na kalayaan
Dignidad bilang tao
Panloob na kalayaan
Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ano ang kahulugan ng pangungusap?
Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
Kapag namatay ang tao nawawala rin ang kanyang kalayaan
Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
Inaya ako ng kaibigan kong sumama sa kaniya para magsugal ngunit ako ay tumanggi. Alin sa sumusunod ang HINDI agarang epekto nito sa akin?
hindi ako matututong magsugal.
hindi makakapagtapos ng pag-aaral
hindi masasayang ang pera ko.
hindi niya na ako yayain ulit sa susunod.
Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan. Alin ang hindi kabilang?
Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
Naibabatay ang pagkilos/gawa sa kahihinatnan nito
Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at panlahat
Nakahandang harapin ang kahihinatnan ng mga pagpapasya
"Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti." Ano ang nais ipabatid ng pangungusap?
Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama
Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
Sa babalang, "Bawal ang Maligo Dito". Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya ang tao na sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin k
Paniniwala sa Kakayahan
Paniniwala sa sariling Prinsipyo
Panlabas na Kalayaan
Panloob na Kalayaan
Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
Sa kanyang dignidad bilang tao at karapatang dumadaloy dito.
Sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
Sa paningin ng Diyos at ng lipunan/
Sa pagdating ng huling yugto ng buhay ng tao.
Ang dignidad ay galing sa salitang latin na dignitas. Ito ay mula sa salitang dignus, ano ang ibig sabihin nito?
Kabutihan
Karapat-dapat
Karapatan
Pagpapahalaga
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?
Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi nakakasakit o nakasasama sa iba.
Magiging Malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
Mapananatili ang totoong damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais ng walang pag-aalinlangan.
Sino ang tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
Isang negosyanteng nagbigay ng limos sa isang pulubi.
Isang propesyunal na mahusay lang makisama sa kapwa propesyunal.
Isang taong labis ang pagpapahalaga sa katayuan sa lipunan
Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
Kailan maaring mawala ang dignidad ng isang tao?
Kapag siya ay naging masamang tao.
Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao.
Kapag siya ay napapasok sa piitan.
Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
Panatilihin ang kabutihan sa sarili upang makuha ang paggalang ng iba.
Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan.
Isabuhay ang pagpapahalaga at karangalan bilang tao.
Bakit kailangang sanayin ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan?
Upang magampanan ang kilos loob
Upang malinang at magampanan ng mga ito ang kani-kaniyang layunin
Upang masanay lamang ang kakayahan at kilos
Upang maunawaan ang mapanagutang kilos
Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran. Ano naman ang gamit ng kilos-loob?
Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan angpasya
Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang "kawangis ng Diyos"?
Sapagkat may kakayahan ang tao na pamahalaan ang mundo.
Sapagkat may kakayahan ang tao na tumuklas ng mga kagilas-gilalas na bagay
Sapagkat taglay din ng tao ang kakayahang lumikha ng mga bagay- bagay
Sapagkat taglay ng tao ang kapangyarihan ng isip at kilos loob.
Likas na may kabutihan ang tao. Ano ang nais ipabatid ng pahayag?
Kahit anong sama ang impluwensiya ng paligid ay nagiging mabuti pa rin siya
Hindi niya maaatim na gumawa ng masama
Lahat ng kanyang gagawin ay mabuti
Malaki ang kanyang potensiyal na gumawa ng Mabuti
Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?
Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral
Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap
Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao
Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensiya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama
Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan?
Kahirapan ng magulang
Maagang pakikipagrelasyon
Paggawa ng gawaing bahay
Pag-inom ng alak/pagbibisyo
Bawat isa ay mayroong kalayaan. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
Batas moral
Dignidad
Isip
Konsensya
Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura, at kapaligiran ng tao
Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao
Mali, dahil pare-pareho tayong nakaaalam ng tama at mali, mabuti at masama
Ayon kay Esteban (1980), paano malalaman ng tao kung naging mapanagutan siya sa paggamit ng kalayaan?
Kung ang pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral na ibinigay sa tao ng siya'y likhain.
Kung babalewalain ng tao ang resulta ng kanyang pagpapasiya at babaliwalain na lamang ito.
Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng kanyang pagpapasya.
Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili at ang kabutihang panlahat.
Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng walang kalayaan maliban sa:
Pagbibisyo tulad ng pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga
Pagpapabaya sa pag-aaral
Pagsama sa maling barkada
Pagsunod sa magulang
Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad n gating pagkatao.
Matuto tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang material at ispiritwal.
Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kilala.
Maging tapat sa lahat ng ginag
Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagpapahalaga
Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na, mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit may obligasyon ang bawat tao, MALIBAN sa:
Igalang ang sariling buhay ng kapwa.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais mong pakikitungo na gawin nila sa'yo.
Pahalagahan ang tao ayon sa kanyang katayuang panlipunan.
Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
Sobra ang sukli na natanggap ni Maria nang bumili siya ng kendi sa tindahan. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Maria?
Tamang konsensya
Purong konsensya
Maling konsensya
Mabuting konsensya
Nagagamit ng tao na may kakambal na pananagutan. Bagama't hindi perpekto ang tao kaya't siya ay nagkakamali sa ilang pagpapasiya. Subali't dahil dito, maaari niyang baguhin at paunlarin ang kaniyang pagpapasiya at ang kaniyang pagkatao.
Isip
Kalayaan
Konsensiya
Puso
Paano mo masisiguro na napapahalagahan mo ang iyong kapwa?
Kapag nakakita ako ng taong kaaba-aba ang kalagayan sa lansangan ay bibigyan siya ng kanyang kailangan.
Masisiguro kong napapahalagahan ko ang aking kapwa kung kikilalanin at igagalang ko siya bilang tao.
Kung ituturing ko ang kapwa ko ng ayon sa kanyang katayuan.
Kapag nakatutulong ako sa pangangailangan ng aking kapwa.
Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
Humanap ng isang institusyon na maaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
Palagi siyang bigyan ng pagkain sa araw-araw.
Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
