Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7 SECOND QUARTER EXAMINATION S.Y. 2023-2024

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bakit sinasabing kawangis ng Diyos ang tao?

a)

dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya

b)

dahil kamukha niya ito

c)

dahil ang tao ang nangangalaga sa lahat

d)

dahil kinakain niya ang halaman at hayop

2.

Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao at hinuhubog ang kanyang personalidad. Anong sangkap ito ng tao?

a)

Isip

b)

Puso

c)

kamay at katawan

d)

ulo at paa

3.

Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a)

gumawa

b)

mag-isip

c)

magpasya

d)

umunawa

4.

Sinasabing ang tao ay natatanging nilalang. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng tao sa hayop at halaman?

a)

Ang tao ay kumakain ang hayop ay hindi.

b)

Ang tao ay may tirahan samantalang ang hayop at halaman ay wala

c)

Ang tao ay may isip na marunong umunawa, puso na nagpapakita ng emosyon at kamay at katawan na naglalapat ng ninanais gawin.

d)

Ang tao ay nabubuhay ng mas matagal kaysa halaman at hayop.

5.

Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.

b)

Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

c)

Ang kilos-loob ay maaring pumili ng kasamaan.

d)

Ang kilos-loob ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili

6.

Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao

b)

Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan

c)

Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga

d)

Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin

7.

Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?

a)

Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.

b)

Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang pagkakamali.

c)

Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.

d)

Lahat ng nabanggit

8.

Ang sumususunod ay katangian ng isip maliban sa:

a)

Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.

b)

Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran

c)

Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.

d)

Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

9.

Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a)

mag-isip

b)

magpasya

c)

umunawa

d)

magtimbang ng esensiya ng mga baga

10.

Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran - kilos-loob: ___________

a)

kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos

b)

kapangyarihan, pumili, magpasya, at isakatuparan ang pinili

11.

Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos

b)

Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.

c)

Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.

d)

Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

12.

Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.

a)

kabutihan

b)

kaalaman

c)

katotohanan

d)

karunungan

13.

Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina

b)

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob

c)

Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili

d)

Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

14.

Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan

b)

Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama

c)

Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin

d)

Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

15.

Ang tao ay may tungkuling_________________________, ang isip at kilos-loob.

a)

Sanayin, paunlarin at gawing ganap

b)

Kilalanin, sanayin, at gawing ganap

c)

Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap

d)

Wala sa nabanggit

16.

Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

a)

Ang kilos loob ay walang kakayahang gawin ang nanaisin.

b)

Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan

c)

Ang isip ang ang siya nagbibigay impormasyon sa kilos-loob.

d)

Wala sa nabanggit

17.

Ito ay maahalagang bahagi ng pagkatao, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan.

a)

Katawan

b)

kamay

c)

Isip

d)

paa

18.

Anong bahagi ng ating pagkatao ang humohubog ng personalidad nito, lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago?

a)

Isip

b)

Puso

c)

kamay

d)

katawan

19.

Bakit ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memorya)?

a)

Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

b)

Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala a umunawa ng kahulugan ng mga bagay.

c)

Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto

d)

Lahat ng nabanggit

20.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. may tatlong mahahalagang sangkap ang tao, ano ang mga sangkap na ito?

a)

Kamay, paa at katawan

b)

isip, puso kamay at katawan

c)

Mata, puso, at isip

d)

isip, ulo, at puso

21.

Si Juan ay nagmamadali dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Sa paghihintay ng masasakyan ay may nakatabi siyang matandang babae. Dumaan ang tricycle na kinakailangan lamang ng isang pasahero. Ngunit hindi inaalintana ni Juan ang matanda at nauna siyang sumakay. Ano ang nakaligtaan ni Juan sa kanyang ginawang desisyon?

a)

Ang gamitin ang tunguhin ng kilos-loob na ang tunguhin ay kabutihan.

b)

Gusto lamang niyang hindi mahuli sa klase kaya siya nagmamadali.

c)

Alam niya na di mabuti ang ginawa ngunit pinili niya itong gawin. Subukin

d)

Wala siya pakialam dahil sa tingin niya wala siyang pananagutan sa kapwa.

22.

Biniyayaan ng Diyos ang tao ng isip at kilos-loob, kaya siya ay natatanging nilikha. Ano ang nararapat gawin the tao sa biyayang ito?

a)

Tungkulin ng tao na sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos- loob.

b)

Tungkulin na gamitin ito sa ano mang paraan

c)

Hayaang ang sariling kagustuhan ng tao ang mangingibabaw kahit na ito ay labag sa kabutihan at katotohanan.

d)

Wala sa nabanggit

23.

Bilang isang mag-aaral marami kang matutuklasang kaalaman mula sa iyong pag-aaral at pagsasaliksi, ngunit hindi dito nagtatapos ang iyong pagiging isang tao. Paano mo maipapakita ang wastong paggamit ng katalinuhang ipinagkaloob sa iyo?

a)

gamitin ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.

b)

gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.

c)

inaasahan naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng kanyang kaalaman.

d)

Lahat ng nabanggit

24.

Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina

b)

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob

c)

Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili

d)

Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

25.

Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran - kilos-loob : ___________

a)

kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos

b)

kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili

c)

kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya

d)

kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama

26.

Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.

a)

Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya

b)

Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam- agam.

c)

Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin

d)

Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya

27.

Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?

a)

Maiiwasan ang landas na walang katiyakan

b)

Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan

c)

Makakamit ng tao ang kabanalan

d)

Wala sa nabanggit

28.

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao

b)

Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama

d)

Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

29.

Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?

a)

Tamang konsiyensiya

b)

Purong konsiyensiya

c)

Maling konsiyensiya

d)

Mabuting konsiyensiya

30.

Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a)

Obhektibo

b)

Unibersal

c)

walang hanggan

d)

di nagbabago

31.

Kailan masasabing mali ang konsensiyang ginagamit sa isang kilos at pasya?

a)

kung hinuhusgahan ang tama bilang mali

b)

kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan

c)

kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali

d)

A at C

32.

Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang may kaugnayan sa layon ng tao na hindi nagbabago (Nature of Man)?

a)

pangkalahatan

b)

walang hanggan

c)

obhektibo

d)

di nagbabago

33.

Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas-moral at dito kailangan ang konsiyensiya. Ano ang ibig sabihin ang pangungusap na ito?

a)

kailangan ang personal na pagpapasiya kung saan ginagamit ng tao ang kaniyang konsiyensiya.

b)

Ang pagsagawa ng isang kilos ay gawain ng tao na walang pagbabatayan sa maaring resulta.

c)

kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na batas moral, ang konsiyensiya ay maaari pa ring magkamali.

d)

Ang pagsagawa ng kilos ay nakabatay sa likas na batas moral na ginagamitan ng konsensiya para sa kabutihan ng tao.

34.

Paano mapapangalagaan ng tao ang likas na batas mula sa Diyos na ibinigay sa kanya?

a)

kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob

b)

Ang tao ay may kakayahang kumilala sa mabuti at masama kaya dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama

c)

Ang batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos

d)

Lahat ng nabanggit

35.

Karaniwang sinasabi ang mga katagang: maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan lang upang pangatwiranan ang maling ginawa. Kung patuloy na babale-walain ng tao ang kaniyang konsiyensiya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil may pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao at ito ang nagaganap sa kaniyang konsiyensiya nang hindi niya namamalayan.

b)

Tama, dahil hindi naman nakakepekto sa pagkatao ang mga maliit na maling pagpapasya.

c)

Mali, dahil ang maling ginawa ay maging basihan sa iyong pagiging totoong tao.

d)

Mali, dahil ang konsensiya ay hindi kailan man maging manhid.

36.

Kailan masasabing tama ang konsensiyang ginawa sa isang kilos at pasya?

a)

Kapag ang mali ay ginawang tama

b)

Kapag nakabatay ito sa kagustuhan ng isang tao

c)

Kapag hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang mali

d)

Kapag hindi inalintana ang kilos sa likas na batas moral

37.

Si Sheena ay inutusan ng ina na bumili ng tinapay sa tindahan, inaakala ng ina na tama lang ang perang ibinigay ngunit nang sinuri ni Sheena dalawang piraso ng limangpung piso ang ibinigay nito. Naisip niya na huwag ng isauli sa ina total hindi naman nito namalayan at kailangan niya ng pera pambili ng load. Kung ikaw si Sheena ano ang nararapat mong gawin?

a)

A. Ibili ito ng load total hindi naman alam ng ina

b)

B. Itago ito at isauli kapag hiningi ng ina.

c)

C. Sasabihin sa ina ang totoo dahil ito ang tama

d)

D. Ipangbili muna at saka sasabihin sa ina upang hindi na niya ito mababawi

38.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa LAHAT ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa LAHAT. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang sinasaad sa pangungusap?

a)

A. pangkalahatan

b)

C. obhektibo

c)

B. walang hanggan

d)

D. di nagbabago

39.

Si Rhea ay nahaharap sa isang sitwasyon na kinakailangan niyang mamili sa nagtutunggaling prinsipyo. Ano ang maaaring pagbabatayan ni Rhea upang magkaroon ng tamang pagpapasya?

a)

Tamang konsensiya

b)

Mabuting konsensiya

c)

Maling konsensiya

d)

Purong konsensiya

40.

Ano ang kaugnayan ng kosensiya at likas na batas moral?

a)

A. Ang konsensiya ay likas sa tao gayon din ang likas na batas moral

b)

B. Ang konsensiya ay hindi nakadepende sa sinasaad sa likas na batas moral

c)

C. Ibinabatay ng konsiyensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhektibong pamantayan ng Likas na Batas-Moral.

d)

D. Lahat ng nabanggit

41.

Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a)

Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan.

b)

Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungalin dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya mapapahiya at masasaktan.

c)

Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa halip nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi sinabi niya ito sa kanyang magulang dahil ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.

d)

Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang kompanya. Saksi siya sa pandaraya na ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanya. Sa kabila nang pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.

42.

Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a)

Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya

b)

Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat

c)

Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral

d)

Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

43.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:

a)

Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.

b)

Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.

c)

Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan

d)

Lahat ng nabanggit

44.

Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.

a)

Isip

b)

dignidad

c)

Kilos-loob

d)

Konsensya

45.

Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________.

a)

Karapatang pantao

b)

Dignidad bilang tao

c)

Panloob na kalayaan

d)

Panlabas na kalayaan

46.

Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.

a)

kalayaang gumusto

b)

kalayaang tumukoy

c)

Panloob na Kalayaan

d)

panlabas na Kalayaan

47.

Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.

a)

kabutihang pansarili

b)

kabutihang panlahat

c)

Likas na Batas Moral

d)

Panlabas na Kalayaan

48.

Ang limitasyong ito ay itinakda ng __________________________

a)

Likas na Batas Moral

b)

Sr. Felicidad C. Lipio

c)

Panlabas na Kalayaan

49.

Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Wala sa nabanggit.

50.

Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya't inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang ________________.

a)

Pagkakamali

b)

Mabuti

c)

Kalayaan

d)

Pagkatao