Font size
WorksheetsPagsusulit sa EPP 5 (Agrikultura)
Total questions: 40
Worksheet time: 30mins
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
Nababawasan ang gastusin sa pagbili ng abonong komersiyal.
Napabubuti ng kaunti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
Napagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak o pagpigil ng tubig.
Napalalaki nang malusog ang mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal.
Ano ang kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko sa lupang taniman?
Pinalalaki kaagad na malusog ang mga pananim.
Nakatutulong ito sa pagpapatigang ng lupang taniman.
Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos at pagod.
Pinagaganda nito ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
Mainam at ligtas na pamamaraan ang paggamit ng mga organikong pestisidyo kagaya ng gas at sabon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng wastong hakbang sa paggawa nito?
Dikdikin ang sabon at ihalo sa 1 litrong gas
Paghaluin lamang ang tig ¼ na mga sangkap sa isang litrong tubig.
Pakuluan ang 1 litrong tubig at pagkatapos dikdikin ang sabon at ihalo ito.
Tadtarin ng pino ang bawat sangkap at sabay- sabay na pakuluan ng 1 hanggang 2 minuto.
Nais ni Rommel na mag-alaga ng manok dahil bukod sa itlog at karne nito, ito rin ay nakatutulong sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Ano ang dapat ihanda upang makapagsimula sa pag- alaga ng hayop? Talaan ng ____________.
gastos at kita
puhunan at kita
mga uri ng manok na aalagaan
kagamitan at kasangkapan sa paggawa
Ang bawat uri ng hayop ay dapat alagaan ng wasto para malaki ang produksiyon at mapakinabangan ito ng husto ng nag-aalaga. Ano ang mga kagamitan at kasangkapang kailangan na ihanda sa pag-aalaga ng pugo?
Ilaw o bombilyang may 50 watts para mailawan ang bagong pisang sisiw at lalagyan ng inumin.
Kulungan na may sapat na bentilasyon at malayo sa ingay. May patukaan, painuman, at salalayan ng dumi.
Kulungang may sukat na dalawang metro ang haba at apat na metro ang lapad. Ito ay gawa sa kawayan, nipa, kugon upang makatipid sa gastos
Kulungan na may sukat “4 x 8 x 1“talampakan. Ang sahig na may ¼ pulgadang wire mesh at may pantakip sa ibabaw tulad ng lawanit o plywood.
Si Aling Mina ay nag-alaga ng isang inahing baboy. Sa loob ng isang taon, nagkaroon ng labinlimang biik ang kaniyang alagang inahing baboy. Naibenta niya ang mga biik sa halagang tatlumpung libong piso (₱30,000) samantalang ang kanyang gastos ay umabot naman sa halagang dalawampung libong piso (₱20,000) kasama na ang sahod ng tagapag-alaga
Magkano ang kabuuang kita ni Aling Mina sa alaga niyang biik?
₱5,000
₱10,000
₱15,000
₱20,000
Magkano ang bayad ng isang biik?
Ito ay uri ng manok na inaalagaan dahil sa taglay nitong karne. Ito ang uri ng manok na niluluto sa mga fastfood restaurant, palaman ng sandwich, o ginagawang nuggets o chicken balls. Ano ito?
Itik
Broiler
Layer
Pugo
Ito ay mainam na alagaan at paramihin. Inaalagaan para sa kanyang itlog at karne. Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya’t ito ay mainam sa pagpapalaki ng katawan at mga kalamnan. Ano ito?
Itik at pato
Kalapati
Manok
Pugo
Ang manok ay isa sa mga hayop na madaling alagaan at paramihin. Ano ang uri ng manok ang inaalagaan dahil sa taglay nitong karne na niluluto sa mga fastfood, restaurant, palaman ng sandwich, o ginagawang nuggets o chicken balls?
Broiler
Layer
Minorca
Mikawa
Halos lahat ng bahagi ng hayop ay nagagamit at napagkakakitaan tulad na lamang ng mga balahibo nito. Ano ang maaring gawin sa balahibo ng manok, pato at pabo?
Iresiklo at gawing alkansiya.
Itago muna at pagkatapos gawing kurtina.
Gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.
Magandang gawing plorera, basket at patungan ng halaman.
Ang basket composting ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan. Ano ang unang hakbang sa pagsasagawa nito?
Ipunin ang mga natuyong dahon, mga bulok na gulay, prutas, at mga tira-tirang pagkain.
Diligan araw-araw at takpan ito ng kahit na anong bagay na maaaring gawing pantakip.
Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas.
Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim sa tuyong lugar, patag at medyo malayo sa mga kabahayan.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko?
Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko.
Nakadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko.
Dumarami ang mga insekto sa halaman kung nilalagyan ng abonong organiko ng lupa.
Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa pagpapalago ng mga pananim.
Alin sa mga sumusunod na uri ng manok na inaalagaan ang nangingitlog ng 200 pirasong itlog sa isang taon at may katamtamang laki ng itlog. Kulay itim ito at galing sa Espanya?
Arbon Arce
Cobb
Hubbard
Minorca
Ang pulang sili ay nakapamumuksa ng peste at kulisap na sumisira sa mga halaman. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang paggamit nito?
Itinatanim ito sa pagitan ng mga halaman.
Ibinubudbod ang pinulbos na bunga sa paligid ng pananim.
Inilalagay ang hinog na bunga nito sa paligid ng puno ng halaman.
Pinupulbos ang bunga at ibinababad sa tubig na siyang iispray sa mga pananim.
Nabasa ni Ramil sa isang pahayagan ng Agrikultura ang mga makabagong paraan ng paggawa ng abonong organiko tulad ng fermented fruit juice. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa ikalawang hakbang sa paggawa ng abonong organiko?
Ito ay magagamit mula pito hanggang ikalabing-apat ( 7-14) na araw na ma-ferment.
Takpan ng papel at talian. Ilagay ito sa lugar na malamig at hindi nasisikatan ng araw.
Ipatong ang ikalawang kalahati ng prutas at patungan uli ng kalahating kilo ng muscovado.
Ilagay sa banga ang unang kalahati at patungan ng kalahating kilo ng muscovado.
Ito ay isang uri ng inaalagaan na manok para sa regular na pangingitlog nito ngunit kailangan malayo ang mga ito sa malakas na ingay na nakakaapekto sa kanilang pangigitlog. Ito ay ang manok na__________.
Cobb
Layer
Mikawa
White Leghorn
Alin sa mga sumusunod na hayop ang mainam na alagaan dahil sa mahusay itong mangitlog at mayaman ang karne nito sa protina na mainam sa pagpapalaki ng katawan at mga kalamnan?
Aso at pusa
Baboy at manok
Itik at pato
Kambing at manok
Ito ay isang uri ng isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng bitamina na kailangan ng ating katawan gaya ng protina. Karaniwang pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod-bahay. Ito ay ang ________?
Bangus
Carpa
Hito
Tilapia
Alin sa mga sumusunod na hayop ang madaling alagaan, paramihin at kadalasan ito ay inaalagaan para sa kaniyang itlog at karne at karaniwang ulam ito ng mag-anak sa hapag-kainan?
itik
manok
pabo
pato
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng composting gamit ang pinagpatong-patong na gulong ng sasakyan?
Patungan o lagyan muli ng lupa at diligan.
Takpan ng kahit na anong uri ng pantakip para hindi langawin.
Pagpatung-patungin ang mga lumang gulong ng sasakyan.
Dito ilagay ang mga nabubulok na bagay tulad ng dahon, prutas, gulay at mga tirang pagkain.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan sa paggamit ng abonong organiko sa mga halaman?
Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko.
Nakadadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko.
Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng abonong organiko ang lupa.
Nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa pagpapalago ng mga pananim ang paggamit ng abonong organiko.
Anong paraan ng pag-aabonong organiko ang paglalagay ng pataba sa lupa malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan para dito?
Broadcasting method
Foliar application method
Slide-dressing method
Side-dressing method
Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng palaisdaan sa iyong pamilya?
May pagkukunan ng mapupulutan.
Madadadagan ang gastusin para sa pagkain ng isda.
Nagsisilbing libangan ng buong mag-anak ang paghuhuli ng isda.
May preskong ulam na isda at nakadadagdag ito ng pagkakakitaan .
Anong hayop ang inaalagaan sa likod ng bakuran ng tahanan dahil ang mga produktong makukuha rito ay pagkakakitaan gaya ng karne at itlog na maaring maging balut, penoy at pulang itlog.
aso
pato
Ang fermented fruit juice ay nakatutulong sa pagpapataba ng lupa at tanim. Paano ginagamit ang Fermented Fruit Juice (FFJ)?
Ibomb o isprey ito sa mga halamang madalas na pinagpupugaran ng mga langgam at iba pang mga insekto.
Sa paggamit nito, kumuha ng 3-4 na bahagi ng tubig at ihalo sa isang bahagi ng pinakuluang mga sangkap.
Kailangang pakuluan at palamigin muna sa isang lalagyan bago gamitin. Maaari itong ibomba sa mga halaman na mayroong matinding pinsala.
Sa bawat litro ng tubig, ihalo ang dalawang kutsara ng fermented fruit juice. I-spray sa dahon o idilig sa lupa mula alas-kwatro (4:00 PM) hanggang alas-sais (6:00 PM) ng hapon.
Ang pamilya ni Mang Rolando ay nag-aalaga ng manok, pato at pugo. Paano nakatutulong ang mga hayop na ito sa kanilang pamilya?
Nakadaragdag ng stress sa pamilya.
Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.
Nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng mag-anak.
Nakapagbibigay palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tungkol sa masistemang paraan ng pagbubungkal ng lupa?
Pinakamabisang gamitin ang regadera sa pagdidilig ng halaman.
Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa pamamagitan ng paggamit ng bolo o palang tinidor.
Gamit ang bolo, farmer’s claw o hand trowel, palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman upang makahinga ang mga ugat.
Panatilihin ang pagtanggal ng mga damo sa paligid ng halaman upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa halaman.
Bakit kinakailangang bungkalin ang lupang pinagtamnam lalo na sa paligid ng puno ng mga pananim?
Para lalong lumago ang mga damong tumutubo dito.
Upang makahinga nang maluwag ang mga ugat ng mga itinanim.
Mas madaling diligan ang mga pananim na may malambot na lupa.
Madaling tumubo ang mga damo sa mabuhaghag na lupang pinagtamnan.
Si Gabriel ay may alagang manok sa likod ng kanilang bahay. Ano ang kabutihang dulot nito sa kanyang pamilya?
dagdag gastos
palamuti sa bakuran
dagdag kita sa pamilya
nakapagdudulot ng kalat
Ang intercropping na paraan ay ginagamit sa pagpuksa ng peste at kulisap sa halaman sa pamamagitan ng pagtatanim ng dalawa o higit pang-uri ng mga halaman. Alin sa mga sumusunod na halaman ang maaaring pagsamahin?
zinnia at bawang
sitaw at letsugas
letsugas, patani at mani
malunggay, katuray, euphorbia at ilang-ilang
Ang negosyo sa online ay isang pagtitinda ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng internet. Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagtitinda o pagbebenta sa online selling?
Alamin mo muna ang mga nangangailangan ng iyong produkto.
Maaari kang maglagay ng karatula tungkol sa ipinagbibiling produkto.
Ito ay ginagamitan ng kompyuter, cellphone at malakas na koneksyon ng internet upang maibenta ang produkto.
Ang paglathala sa mga peryodiko at sa radyo ay mabisang mga paraan upang mas mapadali at mapabilis ang pagbebenta ng mga paninda dahil malawak ang maaabot nito.
Ang kakawate ay maaring pamuksa sa cutworm, flies at plant hopper. Paano ito ginagamit?
Itinatanim ito sa pagitan ng mga halaman.
Ginagawang bakod ito sa paligid ng tanimang lupa.
Inilalagay ang dahon nito sa paligid ng puno ng halaman.
Pinipiga ang katas ng dahon nito para iispray sa halaman.
Nais ni Ronie na mag-alaga ng tilapia at bangus kung kaya’t siya ay nagpagawa ng palaisdaan. Ano ang magandang maidudulot ng pag-aalaga ng isda?
Nakapagbibigay saya at nakaaalis ng inip.
Ang dumi ng mga hayop na ginagawang organikong pataba ay mabisang pampataba ng halaman.
Nakatutulong sa mga gastusin sa bahay at nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng mag-anak.
Magandang kasanayan sa kanyang mga anak na magkaroon ng responsibilidad sa pag- alaga.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng wastong hakbang sa paggawa nito?
Dikdikin ang sabon at ihalo sa 1 litrong gas.
Paghaluin lamang ang tig ¼ na mga sangkap sa isang litrong tubig.
Pakuluan ang 1 litrong tubig at pagkatapos dikdikin ang sabon at ihalo ito.
Tadtarin ng pino ang bawat sangkap at sabay- sabay na pakuluan ng 1 hanggang 2 minuto.
Sa pagbebenta ng mga produkto mula sa alagang hayop tulad ng karne at itlog, ano ang dapat na isaalang-alang?
Alamin mo muna ang mga nangangailangan ng iyong produkto.
Dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga bumibili o customer.
Kailangan lamang na pag-aralan at unawain ang bawat estratehiya upang ito’y magamit sa pagsasapamilihan ng mga produkto.
Dapat nasa hustong timbang at gulang, malusog at hindi sakitin ang ibebenta na mga hayop upang masiyahan ang mga bumibili nito at magpatuloy sa pagtangkilik ng iyong produkto.
Si Nene ay nagtitinda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin upang maging matagumpay ang kaniyang pagtitinda?
Isaayos nang mabuti ang mga paninda.
Pagbigyan ang mga mamimili sa presyong gusto nila.
Gumamit ng timbangang pumapalso kapag nagtitinda.
Hayaan ang mga mamimili na hawak-hawakan ang mga paninda.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang paraan ng pagdidilig ng mga pananim?
Gumamit ng regadera para hindi masira ang mga pananim.
Gumamit ng timba sa pagbubuhos ng tubig sa mga halaman.
Diligan ng tatlong beses sa loob ng isang araw gamit ang malaking tabo.
Maliliit na bote ang gamitin para hindi kaagad maubos ang tubig na inigib.
Paano ibebenta sa palengke ang karne ng manok at tilapia kung maliit lamang ang iyong negosyo?
pakyawan
per kilo
per piraso
tingian
Sa panahong tayo ay nasa modernong pamumuhay, marami sa atin ang gumagawa ng iba’t ibang estratehiya sa pagbebenta ng produkto. Paano mo ibebenta ang mga itlog ng mga alaga mong manok?
Ibebenta ito ng tingi sa mga tindahan.
Ibebenta ito sa online selling gamit ang iyong cellphone.
Ibebenta ito ng pakyawan sa palengke o mercado.
Ibebenta ito sa pamamagitan ng mga retailer.
