wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer sa ESP Q2

Total questions: 40

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Anong kaugalian ang ipinapakita kung ikaw ay nag-aalaga sa may sakit?

a)

kasipagan

b)

kalinisan

c)

pagmamalasakit

2.

Bilang isang bata, paano mo maipapakita sa iyong magulang ang pagmamalasakit kapag sila ay mayroong sakit?

a)

Pag-alis ng hindi nagpapaalam.

b)

Pagtulong sa pagbibigay ng pagkain.

c)

Pagtawag sa ibang tao upang sila ay alagaan.

3.

Ang pagmamalasakit sa ating kapwa ay bahagi ng ating buhay. Sa paanong paraan mo ito maipapakita?

a)

Pagbibigay ng tulong sa may sakit na walang hinihintay na kapalit.

b)

Paghingi ng kapalit tuwing nakakatulong.

c)

Pagtulong kapag inuutusan lamang.

4.

Nabalitaan mong nasa hospital ang iyong lola ngunit hindi ka maaaring makadalaw dahil ikaw ay bata pa. Paano mo ipapakita ang iyong pagmamalasakit?

a)

Pipilitin ko ang aking magulang na isama akong dumalaw sa hospital.

b)

Babantayan ko siya sa hospital.

c)

Ipagdarasal ko siya na gumaling.

5.

Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil masakit ang kanyang ngipin. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Pababayaan ko siyang umiyak.

b)

Sasabihin ko sa aming guro at sasamahan siya papuntang klinik.

c)

Sasabihan ang kaklase na samahan siya papuntang klinik.

6.

Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro sa labas ngunit napansin mong nilalagnat ang iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi ako sasama upang makipaglaro para alagaan ko ang aking kapatid.

b)

Sasama ako makipaglaro sa aking mga kaibigan.

c)

Bibigyan ko ng gamot ang aking kapatid at saka ako aalis upang makipaglaro.

7.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwang may sakit?

a)

Si Ruth ay naghandog ng get-well soon card sa kanyang lolang may sakit.

b)

Tumutulong si Eryx sa pagpapainom ng gamot sa kanyang kapatid na may sakit.

c)

Iniiwasan ni Erich ang kanyang kaklase na may sakit.

8.

Nakita ni Michael na may pilay na sasakay ng jeep at aakyat dito. Kung ikaw si Michael, ano ang iyong gagawin?

a)

Mauuna pang umakyat sa loob ng jeep.

b)

Aalalayan at tutulungang makapanik ito.

c)

Di na lang papansinin at magsasawalang kibo na lang.

9.

Higit mong maipapakita ang malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng simpleng pagtugon sa kanilang pangangailangan.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi ko alam

10.

Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili ang kapitbahay mong pipi. Nagkataong marunong ka ng sign language. Ano ang gagawin mo?

a)

hayaan na hindi siya maintindihan ng tindera

b)

tulungan at sabihin sa tindera ang kanyang nais bilhin

c)

hindi ka makikialam sa kanila

11.

May batang pilay kang kasabay sa pagtawid. Ano ang gagawin mo?

a)

hayaan siya tumawid mag-isa

b)

bilisan tumawid at iwanan siya

c)

tulungan at alalayan siyang tumawid

12.

May kaklase kang malabo ang mata. Hindi niya mabasa ang isinulat ng guro sa pisara. Ano ang gagawin mo?

a)

Basahin sa kanya ang nakasulat sa pisara.

b)

Magpanggap na hindi marunong magbasa.

c)

Magdamot ka at huwag sabihin.

13.

Simbang gabi. Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan . Isang babaeng pilay ang nakasandal sa dingding. Ano ang nararapat mong gawin kung isa ka sa mga nakaupo.?

a)

Magpapanggap na hindi nakita ang babaeng pilay.

b)

Hayaang nakatayo ang babaeng pilay.

c)

Ibibigay ang upuan sa babaeng pilay.

14.

Natutuwa ang Diyos sa mga taong marunong magmahal at magmalasakit sa kapwa lalo na sa may kapansanan.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi ko alam

15.

Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may kapansanan sa pagtawid sa daan?

a)

pagkamagalang

b)

pagkamatulungin

c)

kagandahang-loob

16.

May paligsahan sa pagsayaw ang inyong paaralan,alam mong marunong sumayaw ang kaibigan mong si Roy. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

a)

Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan.

b)

Hihikayatin kong sumali si Roy dahil alam kong mahusay siyang sumayaw.

c)

Hindi ko sasabihin kay Roy na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.

17.

Ang pagsali sa mga gawaing bahay ay tuturuan ka na maging ____.

a)

responsible

b)

tamad

c)

walang alam

18.

Ang mga paligsahan sa sports ay matutulungan ka na mapalakas ang iyong _____.

a)

pag-inom ng tubig

b)

pawis

c)

katawan

19.

Matututo kang makihalubilo sa ibang mga bata kung ikaw ay sasali sa mga paligsahan.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi ko alam

20.

Ang pagtanggap sa pagkatalo ay isang mabuting gawain.

a)

tama

b)

mali

c)

hindi ko alam

21.

Sa paglalaro ninyo ng iyong mga kaibigan, hindi sinasadyang natamaan ka ng bola.

a)

Susuntukin ang nakatama.

b)

Iiyak at magsusumbong sa magulang.

c)

Sasabihing ayos lang dahil bahagi iyon ng paglalaro.

22.

Dinayo ka ng iyong mga kaibigan sa inyong bahay para yayaing maglaro isang Sabado ng hapon. Ano ang gagawin mo?

a)

Tatanggi sa kanila.

b)

Magtatago dahil wala ako sa kondisyon makipaglaro.

c)

Makikipaglaro ng may kasiglahan at kasiyahan sa kanila.

23.

Marami kang laruan sa bahay ninyo na hindi mo na ginagamit. Hinimok kayo ng inyong guro na mag donate ng mga gamit para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasabihin sa guro na mag dodonate ngunit hindi magbibigay.

b)

Buong pusong i- dodonate ang mga laruan, para mapakinabangan ng iba.

c)

Magbibigay ngunit hindi na maaring pakinabangan.

24.

Bawat araw may naka-assign upang maglinis sa silid-aralan ninyo. Naka-assign ka ng araw na iyon ngunit dumating agad ang sundo mo.

a)

Aalis na ng walang paalam.

b)

Sasabihin sa guro na masakit ang ulo para makauwi na.

c)

Sasabihin sa sundo na maghintay sandali at tatapusin ang paglilinis ng silid-aralan.

25.

May outreach program ang inyong barangay nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga batang nasa malalayong lugar. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Sasama ako,ngunit hindi tutulong

b)

Hindi ako sasama at magkukulong na lamang sa aming bahay.

c)

Sasama ako at buong pusong tutulong.

26.

Pumasyal si Aling Meding sa paaralan upang dumalo sa isang pulong. Paano mo maipapakita ang iyong kabutihang –loob?

a)

Yayayain siyang lumabas

b)

Hahayaang nakatayo.

c)

Bigyan siya ng upuan.

27.

Sinabi ng inyong guro na may nasunugan kayong kamag-aral at kinakailangan ninyong tumulong.Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi papansinin ang ibinalita ng guro.

b)

Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang pakinabangan.

c)

Sasabihin sa kamag-aral na huwag ng tumulong kasi marami ng nagbigay.

28.

Alin ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng batang nagugutom?

a)

Pagtatawanan ang batang gutom.

b)

Bibigyan ng panis na pagkain

c)

Lalapitan ko at pakakainin ang batang gutom.

29.

Nakita mong punit-punit ang damit ng kalaro mo, ano ang dapat mong gawin?

a)

Bibigyan ng damit na di ko na ginagamit.

b)

Paaalisin ko siya .

c)

Ipapahabol ko siya sa aso namin.

30.

May isang batang nakatingin sa inyo habang kumakain kayo sa isang restawran. Ano ang gagawin mo?

a)

Itutuloy pa rin ang pagkain,habang nakatingin ang bata sa amin.

b)

Hindi papansini ang bata at magkukunwaring walang nakita.

c)

Lalapitan ang bata at bibigyan ng pagkain.

31.

Nakita mo ang isang batang katutubo na putol ang isang kamay at hindi kayang dalhin ang kanyang gamit. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi ko papansinin ang bata.

b)

Tutulungan ang bata na dalhin ang kanyang gamit.

c)

Magkukunwaring hindi nakita ang bata.

32.

Ilang araw ng hindi pumapasok ang kamag-aral mong Bicolano,nalaman mo na sila pala ay kasama sa mga nag evacuate dahil sa masamang lagay ng bulkang Mayon.Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hahayaan na lamang dahil malayo na siya sa inyo.

b)

Magkukunwaring hindi alam ang nangyari sa kamag-aral.

c)

Magbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya

33.

May gaganaping Day Camp sa inyong paaralan at hinihikayat na sumali ang lahat ng magaaral.

a)

Sasali ng may kasiglahan at makikilahok sa mga aktibidad.

b)

Magpapalista subalit liliban sa araw ng Day Camp.

c)

Sasali ngunit hindi makikilahok sa mga aktibidad.

34.

Ang Teachers’ Day ay gaganapin sa Biyernes. Ang mga mag-aaral ay naatasang manguna sa programang gagawin.

a)

Makikilahok ako ng may pagkukusa at kasiyahan.

b)

Liliban ako sa klase upang hindi na makasali.

c)

Makikilahok ako upang pagtawanan ang mga batang sumali sa programa.

35.

Oras ng P.E. pinalabas kayo ng guro upang magsagawa ng ehersisyo. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi sasali sa ehersisyo.

b)

Magtatago sa guro.

c)

Sasali sa mga gagawing ehersisyo.

36.

Hinati kayo ng guro sa tiglilima bawat grupo. Nagkataong hindi mo kabarkada ang mga nakasama mo.

a)

Makikilahok pa rin ang gagawin ang dapat gawin.

b)

Makikilahok pa rin ngunit ipapaubaya sa mga kasama ang paggawa.

c)

Makikilahok pa rin ngunit mambubully ng mga kasamahang hindi gusto.

37.

Kaarawan ng isa mong kamag-aral at nagkaroon ng simpleng programa sa inyong silid-aralan.

a)

Lalahok sa programa ng masigla.

b)

Lalabas at bibili ng sariling pagkain

c)

Sasali lamang kung pipilitin ng may kaarawan

38.

Mahusay kang gumuhit kaya’t kinausap ka ng iyong guro upang sumali sa patimpalak na gaganapin sa inyong paaralan na sasalihan ng iba’t-ibang paaralan.

a)

Iiyak at sasabihing hindi kaya.

b)

Lalahok at magsasanay na mabuti.

c)

Liliban sa araw ng patimpalak.

39.

Nagkaroon ng simpleng paligsahan sa pagbabasa sa inyong silid-aralan. Inatasan ng guro ang bawat isa sa inyo na magsanay mabuti. Alam mong mabagal kang bumasa.

a)

Hindi ako lalahok kahit pilitin ng guro.

b)

Lalahok ako upang ipakitang nais kong matuto.

c)

Tatawanan ko ang mga nagkakamali sa pagbabasa.

40.

Ikinagalit ng lider ng pangkat ang pagsali ni Baron sa kanilang pagsayaw dahil sa kanyang suot na lumang damit, narinig mo ito, ano ang gagawin mo?

a)

Sumasang-ayon ka sa sinabi ng lider.

b)

Pagsasabihan ko ang lider na huwag magalit basta malinis naman ang damit.

c)

Aalis na lang ako sa pangkat at hahanap ng ibang grupo.