Font size
WorksheetsESP DRILL 3
Total questions: 26
Worksheet time: 20mins
Sino sa kanila ang hindi dapat tularan?
Dumating si Emmanuel sa oras ng usapan.
Hindi dumating si Carlo sa tinanggap na paanyaya.
Nagsasabi si Sean na hindi siya makakarating sa usapan
Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Justin na makipagtagpo sa kausap na kaibigan sa eksaktong oras na napag-usapan.
Ang ___________ay hango sa salitang Latin na "respectus" na ang ibig sabihin ay "paglingon o pagtinging muli".
Pagmamahal
Katapatan
Pagkakaibigan
Paggalang
Isang Latin na salita na kung sa Ingles ay "word of honor", ano ito?
Palabra de Honor
Peligro de Honor
Penumbra de Honor
Wala sa nabanggit
Ito ay ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang katanungan.
Silence
Equivocation
Evasion
Mental Reservation
Kaarawan ng iyong nakababatang kapatid, naipangako mo na bibilhan mo siya ng isang regalo. Ano ang dapat mong gawin?
Hayaan na lamang ang kapatid.
Sasabihin ko na bumawi nalang siya sa susunod na kaarawan.
Tutuparin ko ang naipangako ko sa aking kapatid.
Di ko ito tutuparin at hahayaan na lang na magalit siya.
Ano ang tawag sa uri ng pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapaminsala ng ibang tao?
Self-Enhancement Lying
Selfish Lying
Prosocial Lying
Emotional Lying
Ito ay ang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
Silence
Equivocation
Evasion
Mental Reservation
Paano tinutupad ang isang pangako?
May pagpapahalaga at pagtitiis.
Walang interes at pagpapakasakit
May pagkukulang at pag-aalinlangan.
May hinihintay na
Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapan?
Sarili mo lang
Ang iyong kapwa
Walang makikinabang
Ikaw at ang iyong kapwa
Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?
Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong tumupad.
Ito ay makakabawas sa iyong marka.
Ito ay makakasira sa iyong marka.
Ito ay isang pag-uutos.
Anong uri ng pagsisinungaling upang maisalba ang sarili mula sa kahihiyan o kaparusahan?
Prosocial Lying
Selfish Lying
Self-Enhancement Lying
Emotional Lying
Ano ang mga katangian ng isang mabuting kaibigan?
Kasama mo sa hirap at ginhawa
Tapat at totoo
Dadamayan sa lahat ng pagsubok
Lahat ng nabanggit
Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapan?
Sarili mo lang
Walang makikinabang
Ikaw at iyong kapwa
Paano tinutupad ang isang pangako?
May pagpapahalaga at pagtitiis.
Walang interes at pagpapakasakit
May pagkukulang at pag-aalinlangan.
May hinihintay na kapalit na kabayaran.
Ang __________ ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.
Pagkakaibigan
Pagkakaisa
Pagpapahalaga
Pagkakapantay-pantay
Ano ang nangyayari sa taong walang "Palabra de Honor "?
Lumalambot ang kanyang puso
Dumarami ang kanyang kaibigan
Tumitigas ang kanyang damdamin
Nawawalan ng pagtitiwala ang ibang tao
Ipinangako mong isasauli ang damit na hiniram mo sa iyong kamag-aral, ngunit ito ay nasa labahan pa. Ano ang gagawin mo?
Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa isang linggo ko pa isasauli ang damit.
Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko bukas.
Sasauli ko ang damit kahit marumi pa ito.
Huwag munang isauli at ipahiram sa iba.
Sa iyong palagay, isang tapat at totoong kaibigan ba ang suportahan ka sa lahat ng bagay na gusto mong tahakin?
Oo, dahil bihira lang makahanap ng ganitong ugali.
Oo, dahil iyon ang totoong kaibigan na handang sumuporta sa gusto mong tahakin.
Hindi, dahil may kanyang-kanya kaming tatahakin sa buhay.
Hindi, dahil wala akong kaibigan.
Nakita mo si Gabrielle sa isang sulok na mukhang malungkot at may problemang dinadala pero hindi niya ito sinasabi sa iyo. Bilang kaibigan ni Gabrielle ano ang iyong gagawin?
Hindi ko na lang kakausapin dahil hindi naman niya sinasabi sakin.
Hahayaan ko na lang kasi problema niya iyon.
Kakausapin ko siya dahil kailangan niya ako lalo na sa mga panahon na siya ay nahihirapan.
Kakausapin ko siya dahil kaibigan niya ako at gayundin ang gagawin niya sakin dahil kaibigan niya rin ako.
Ano ang tawag sa uri ng pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao?
Prosocial Lying
Emotional Lying
Self-Enhancement Lying
Selfish Lying
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang tunay na kaibigan _________?
Sa yaman at hitsura
Respeto at Pagmamahal
Hitsura
Wala sa nabanggit
Hindi mo sinasadyang marinig ang kaklase mong si Joseph ng sabihin niyang 'Hihiram ako ng pera kay Miguel upang magamit sa sugal namin mamaya'. Ano ang gagawin mo?
Hayaan ko kasi hindi naman ako malapit kay Joseph.
Isusumbong ko kay Miguel ang sinabi ni Joseph.
Kakausapin ko si Joseph na huwag ng ituloy dahil hindi iyon mabuting asal.
Kakausapin ko si Joseph para mayroon din akong pera.
Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng __________?
dalawa at higit pa
grupo
isa lamang
tatlo lamang
Sa buhay, dumadaan sa pagsubok ng bawat relasyon, katulad sa pagkakaibigan. Ano sa tingin mo ang magpapatibay ng pundasyon ng 'pagkakaibigan'?
Samahan mula sa simula hanggang dulo at walang iwanan.
Samahan kung saan kailangan lang kapag may oras.
Samahan ng pagiging barkada.
Samahan ng katuwaan lamang.
Sa iyong palagay, ang pagkakaibigan ba ay humuhubog sa pagkatao?
Oo, dahil kinikilala ninyo ang isat-isa.
Oo, dahil mahalaga ito.
Oo, dahil nakakatulong ito pag-unlarin ang sariling pang-unawa.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Nangako ka na maagang uuwi, ngunit naimbitahan ka sa isang birthday party. Ano ang iyong gagawin?
Sasama ako ngunit magpapaalam kaagad.
Sasama ako at gagawa ng dahilan sa magulang.
Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at ipapaliwanag kung bakit hindi ako makakasama.
Gagawa ako ng paraan upang makapunta sa birthday party nang hindi alam ng magulang.
