NEW
Font size
WorksheetsESP 7 January Assessment
Total questions: 50
Worksheet time: 44mins
Higit pa sa hayop at halaman ang tao sapagkat ito ay nilikha ayon saHigit pa sa hayop at halaman ang tao sapagkat ito ay nilikha ayon sa
Obra maestro
wangis ng Diyos
damdamin ng Diyos
habag ng Diyos
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng kanyang mga kilos sa pamamagitan ng
gabay ng Diyos
kanyang isip at kilos-loob
paglutas ng mga problema
Pagamit ng kanyang isip upang intindihin ang nagbabagong mundo
Nagiging malaya ang isang kilos kapag ito ay nag-ugat sa
kanyang isip at kaluluwa
kanyang isip lamang ngunit hindi sa kalooban
kanyang isip at kalooban
kanyang kalooban lamang ngunit hindi sa isip
Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasang
makabansa
makatao
makakalikasan
makasarili
Ang isip at kilos-loob ng tao ay may tungkuling:
sanayin, di paunlarin at gawing ganap
sanayin at di gawing ganap
sanayin, paunlarin at gawing ganap
gawing ganap
Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang, sinita ka nila at hiningan ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iyong dapat gawin?
Magkunwari kang masakit ang iyong ulo at gusto mo ng matulog.
Huwag nalang pansinin ang magulang, mawawala rin ang galit nila.
Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin.
Umiyak sa harap ng magulang at magpaawa upang hindi mapagalitan.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang
kabutihan
katotohanan
kaalaman
karunugan
Alin sa mga sumusunod ang hindi sukatan sa tunay na talino?
paggamit ng tao sa kanyang talino upang mapaunlad ang kanyang pagkatao
pakikipagkumpetensiya sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan
paglingkod sa kapwa
pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan
Bagama’t ang tao ang nakahihigit sa lahat ng nilikha, alin sa mga sumusunod ang kakayahan ng tao?
mag imbento at gumawa ng gamot
lumutas ng mga sariling problema
kakayahang masaktan at mapagod
lahat ng nabanggit
May iniinom kang juice, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon nalang ang lalagyan sa iyong dinadaanan. Ano gagawin mo?
Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.
Magkunwaring hindi mo namalayang naihulog ang basura sa daan.
Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan.
Punitin at dahan-dahang ihulog sa daan.
Pinayagan ka ng iyong ina na dalawin ang iyong kaibigan na si Jubert sa kanilang bahay. Ngunit pagdating mo doon, niyaya ka niyang pumunta sa bahay nila Anthony. Paano ka magdedesisyon?
Tatawagan mo ang iyong ina at magpaalam na pupunta kayo sa bahay nila Anthony.
Sasama ka ngunit hindi mo na sasabihin sa Ina
Mananatili sa bahay nila Jubert kahit wala kang kasama
Awayin si Anthony para hindi na magyaya
Mahaba ang pila sa kantina at nakita ka ni John na malapit na sa unahan. Tinanong ka niya kung pwede ba siyang pumuwesto sa iyong likuran kahit may iba pang nakapila upang mapadali ang pagkuha niya ng pagkain. Ano ang iyong sasabihin?
“Naku John, nakapila din kasi sila, hindi naman patas kung pa sisingitin kita”
“Ako nalang ang bibili ng pagkain natin, may utang na loob kana sakin ha?”
“Sige, pero ilibre mo ako ha?”
Balewalain nalang si John.
May kinakain kang biskwit, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon nalang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang iyong gagawin?
Magkunwaring hindi mo namalayan na nalaglag mo ang basura sa daan.
Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.
Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan
Punitin sa maliit na bahagi at dahan-dahang ilaglag sa daan
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng kanyang mga kilos sa pamamagitan ng:
gabay ng Diyos
paglutas ng mga problema
kanyang isip at kilos-loob
Pagamit ng kanyang isip upang intindihin ang nagbabagong mundo
Nagiging malaya ang isang kilos kapag ito ay nag-ugat sa
kanyang isip at kaluluwa
kanyang isip at kalooban
kanyang isip lamang ngunit hindi sa kalooban
kanyang kalooban lamang ngunit hindi sa isip
“It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Jason sa buhay
niya. Ito ang dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, gumagamit siya ng
kodigo. Ayaw niyang umulit ng taon sa kaniyang baitang at ayaw niyang
mabigo sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Ano ang dapat niyang isipin?
Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan minsan lang dapat ito ginagawa.
Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang
kung makakatapos siya ng pag-aaral.
Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
Isipin niya na hindi siya lubos na matututo bagamat siya ay
nakakapasa sa pagsusulit.
Hindi nakapag-aral sa Science si Pol dahil napuyat siya sa paggawa ng ibang
takdang-aralin. Nagkaroon sila ng biglaang pagsusulit sa klase. Nakita niya
ang kaniyang mga kaklase na nagkokopyahan. Inaalok siya na kumopya sa
kanila. Ano ang dapat gawin ni Pol at bakit?
Kokopya siya at sa susunod ay sila naman ang pakokopyahin niya
dahil dapat siyang tumanaw ng utang na loob sa kaniyang mga
kaklase.
Ipapasa niya ang kaniyang papel nang walang laman dahil hindi tama
ang pagkopya.
Hindi niya tatanggapin ang alok ng kaklase at sasagutan niya ang
pagsusulit dahil mas mabuting masukat ang kaniyang nalalaman nang
hindi kumokopya sa iba.
Kokopya siya sa kaklase dahil mapapagalitan siya ng kaniyang guro
kapag hindi siya pumasa sa pagsusulit.
Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos, at dumami.
Mali, dahil may mga bagay na taglay ng tao na wala sa hayop at halaman.
Depende sa sitwasyon
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng kalayaan?
paggamit ng kakayahan at talento
pag-aaral ng leksyon
paghahanapbuhay sa murang edad
pakikipaglaro sa alagang aso
Nagmamadali kayong magkaibigan at malayo pa ang pedestrian lane kaya kahit may nakasulat na “Bawal Tumawid”, hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid parin sa daan. Ano ang iyong gagawin?
Puntahan ang pedestrian lane kahit malayo, at doon na tumawid.
Samahan ang iyong kaibigan dahil naniniwala ka na ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan.
Manghikayat ng iba pang studyante na tumawid kasama ninyo para marami kayo.
Lumingon-lingon sa paligid at tumawid kung wala namang nagbabantay na pulis.
Ang kakambal ng kalayaan ay
pagnanais
pananagutan
pagsusumikap
paghahangad
Ang Kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating aspetong______________.
pisikal
ispiritwal
emosyonal
pinansyal
Nakasalalay ang kalayaan ng tao sa kanyang;
puso
isip
kilos-loob
moralidad
Ang batayan sa pagkilos ng tama at mali ay likas na
kakayahan
katalinuhan
batas-moral
desisyon
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa Batas-Moral?
pakikihalubilo sa iba
pakikipagrelasyon sa may asawa
pakikipagkaibigan sa kapwa
pakikipag-usap sa mga kakilala
Paano mo malalaman kung napanagutan mo ang paggamit ng kalayaan?
Nagagawa ang gusto at nais mo.
Natutugunan ang iyong pangangailangan.
Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya.
Nagagawa mong salungatin ang Batas-Moral.
Ang nagbibigay direksyon ng kalayaan ay
isip
puso
batas-moral
dignidad
Alin sa mga salita sa ibaba ang kasalungat ng kalayaan?
pagtakas
pag-aalpas
pagkakulong
pagkawala
. “Nakakulong ka sa pansarili mong interes”. Anong ugali ang ipinakita ng tao sa pahayag na ito?
mahabagin
magiliw
matapang
makasarili
“Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang pangungusap ay
Tama, dahil likas sa tao ang kabutihan.
Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahan ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghusga ng tao.
Mali, dahil ang magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
Bakit nilikhang hindi pare-pareho ang lahat ng tao sa mundo?
Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
Mabibigyan ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento.
Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan.
Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa.
Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
sa paningin ng lipunan
Sa pagmamahal ng pamilya
Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig
Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng dignidad ng tao maliban sa
Igalang ang sariling buhay at kapwa.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
maling pakikitungo sa kapwa tao.
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Pahalagahan ang mga barkada lamang.
Ibigay ang bahagi ng sarili sa taong gusto mo
Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
Maglaan ng panahon upang kilalanin ang sarili
Ano ang taglay ng tao na naging dahilan na may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti
Kilos-loob
Katapatan
Kasipagan
Kalidad
Bakit magkapantay-pantay ang tao?
dahil ang mga tao ay parehong nilikha ng Diyos ayon sa kanyang imahe
dahil tayo ay may kakayahang maghanapbuhay
dahil ang tao ay may kakayahang tapakan ang kanyang kapwa
dahil lahat tayo ay may mga magulang
Ano ang salitang latin ng Dignidad?
Digna
Dignis
Dignus
Dignitaris
Sinong pilosopo ang nagsasabing ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos?
Santo Tomas Aquinas
San Agustine De Sales
Santo Felipe Aristotle
Santo Gregorio Azcuna
Si Immanuel Kant ay isang pilosopo na nagsasabi na ang tao ay
ang pinakadakilang likha ng Diyos
ang naiiba sa lahat at mas mahalaga at mas magaling siya sa ibang nilalang
maraming hindi pagkakatulad sa kapwa
may dignidad dahil sa kanyang pagkatao
Naghanap si Ellen ng isang institusyon na kakalinga sa isang batang lansangan na nakikita niyang natutulog lagi sa lansangan. Nais niyang mabigyan ang batang ito ng disenteng buhay. Ano ang kilos na ipinakikita ni Ellen sa pagtulong niya na maiangat ang dignidad ng bata bilang tao?
para maging tanyag
kilos ng pagmamahal
gawaing pakitang tao lang
makasarili
Bakit pahahalagaan mo ang tao bilang tao?
sapagkat ang tao ay may imahinasyon
sapagkat ang tao ay iba sa mga hayop
sapagkat hindi mawawala ang kanyang pagiging tao at dangal
sapagkat ang tao ay hindi bagay
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hanggat siya ay:
nabubuhay pa
pinuno
may pinag-aralan
matanda na
Alin sa mga sumusunod na pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat
pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
pagbibigay ng pera at materyal na bagay ay sapat na
mabawasan ang paggalang kapag ang mga magulang ay matanda na
Ilagay sa “home for the aged” para mabigyan ng pansin sa mga caregivers
Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili?
isip
kalayaan
kilos-loob
dignidad
Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay nitong
lakas at talino
Imahenasyon
emosyon at isip
isip at kilos-loob
Ang sumusunod ay nararapat ipakita sa iyong kapwa maliban sa
pagmamahal sa kapwa
pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan
pagpapahalaga sa buhay ng tao
pagpapahalaga sa pamilya lang
Mahalaga ang tao dahil siya ay may
kayamanan
impluwensiya
dignidad
panaginip
Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay
ibigay ang bahagi ng sarili sa ating kakilala lang
maging tapat sa sarili
maglaan ng panahon sa mga sariling pagninilay
Mangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapwa-tao dahil
pantay-pantay ang lahat sa mata ng Diyos
may batas tayong sinusunod
may isip tayo
tungkulin nating bigyan ng pansin ang tao
Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ginagalang ang sariling buhay?
magnakaw para maging mayaman at matustusan ang sariling pangangailangan
magbenta ng sariling laman para makatulong sa sariling pag-aaral
magbenta ng mga gulay para pansuporta sa sariling pangangailangan
manakit sa iyong sarili kapag ikaw ay bigo sa pag-ibig
