NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 2ND REVIEW
Total questions: 36
Worksheet time: 36mins
Kung bubuo ka ng tanong tungkol sa teksto, alin ito?
Ano ang naidudulot ng mga parke ng libangan sa mga bata at
matatanda?
Saan matatagpuan ang mga parke ng libangan?
Kailan pumunta sa parke ng libangan ang mga bata?
Paano pumunta sa parke?
Kung bubuo ka ng tanong tungkol sa teksto, alin ito?
_______matatagpuan ang Ilog Angat?
Saan
Ano
Bakit
Sino
____________ ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto. Niño?
Ano
Sino
Kailan
Ilan
__________ malungkot ang pamilya ni Tomas?
Saan
Sino
Ilan
Bakit
Alin ang tanong na sumasagot sa pahayag? Ang mga atraksyon ay tumutulong sa imahinasyon ng bata.
Sino ang pumupunta sa parke?
Ano ang naidudulot ng mga atraksyon sa parke?
Saan makikita ang mga parke ng libangan?
Paano pumunta sa parke?
Ano ang pagkakatulad ng kambal na sina Jack at Jill?
Sila ay parehong matangkad.
Sila ay kapwa talentado.
Sila ay magaling sumayaw.
Pareho silang mahusay kumanta.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang bata?
Ang kanilang taas.
Ang kanilang talento.
Ang kanilang kulay ng balat.
Lahat ng nabanggit.
Sa pahiwatig na, gagamitin natin ang pera sa oras ng kagipitan,
Inay.
Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay ___________.
kasaganaan
karamihan
kasarinlan
kahirapan
Bakit nag - aanyaya ng mga mang - awit at artista ang Punong Barangay?
Upang kumita ang pamayanan.
Upang makita nila ang lugar.
Upang manghingi ng pera.
Upang pawiin ang lungkot ng mga mamamayan.
Ano ang reaksyon mo habang tinitignan ang larawan? Piliin ang tamang pahayag na angkop sa iyong reaksyon?
Nakakalungkot ang nararanasan ng magsasaka.
Masaya dahil maraming aning palay ang magsasaka.
Nanghihinayang dahil maraming palay.
Nagulat dahil may bunga ang palay.
Alin sa sumusunod na salita ang HINDI wasto ang baybay?
Kagandahan
Pangulo
Taggumpay
Kamag - aral
Ano ang inaasahang sagot sa panghalip pananong na Paano?
Tao
Lugar
Oras o panahon
Paraan
Ali sa sumusunod ang naglalarawan sa pamayanan?
Magulo
Malinis at kahanga - hanga
Sobrang matao
Malayo
_____________ ang mga miyembro na gustong lumahok sa paligsahan?
Ano - ano
Sino - sino
Saan - saan
Ilan - ilan
Tungkol sa anong paksa ang ipinapahayag ng larawan?
Ito ay tungkol sa masaganang ani ng palay.
Ito ay tungkol sa pagtatanim ng palay.
Ito ay tungkol sa bagyo.
Ito ay tungkol sa tag - ulan.
Paano ilalarawan ang karamihan sa mga mamamayan?
Masarap
Malusog
Talentado, matalino at magaling
Mabait
Ano ang inaasahang sagot sa panghalip pananong na Paano?
Tao
Lugar
Oras o panahon
Paraan
Basahin ang pahiwatig.
Sa sobrang abala ni Bryan sa pagtatrabaho, nakaligtaan na niyang kumain sa tamang oras.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
naalala
naisip
nakalimutan
naramdaman
Malagim ang nangyari sa buong mundo dahil sa Covid 19.
Ano ang kasalungat ng malagim?
nakakagulat
nakakatakot
nakakasindak
masaya
Kalungkutan – kasiyahan: katatagan - _______________
kahinaan
katibayan
kalakasan
katahimikan
Si Diane ay matipid sa pera.
Ano ang kasalungat ng matipid?
masinop
waldas
mapag – impok
maingat
Paano mo papayuhan ang kaklase mong laging kumakain ng street food at junk food?
Ipagpatuloy mo ang pagkain ng street food and junk food.
Tama ang ginagawa mo.
Palagi kang magbaon ng street food at junk food.
Masama ang epekto ng pagkain ng street food at junk food sa
katawan. Sana iwasan mo na ang mga ito.
Isang gabi, dumating kina Jinky ang mga bisita ng kanilang
magulang.
Ano ang sasabihin ni Jinky sa kanila?
Ano po ang ginagawa ninyo dito?
Umupo kayo.
Magandang gabi po, kumusta po kayo?
Halika kayo sa loob.
Ano ang salitang – ugat ng salitang mapagkalinga?
pagkalinga
makalinga
mapagka
kalinga
Marami ang nagpanic buying noong ipinatupad ang lockdown, kaya naman kaunti na lang ang mabibili sa mga groseri.
Ang mga salitang may salungguhit ay halimbawa ng _________________.
salitang may klaster
salitang magkasingkahulugan
salitang magkasalungat
salitang may digrapo
Si John ay mas matangkad kaysa sa kanyang tatay.
Ano ano kasalungat ng salitang nakasalungguhit?
mataas
malaki
maliit
matalino
Si Jose Rizal ay isang magiting na bayani.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
Dakila
Takot
Mayaman
Duwag
Sa pakikinig ng kwento, mahalaga na dapat tandaan ang ___________ para kapag ipinasulat o ipinakwento ito sa iyo batay sa iyong napakinggan ay madali mong maisagawa ito.
pamagat
mahahalagang detalye
tauhan
katapusan
Sa pag-oobserba sa pamayanan, may mga tungkuling dapat
gampanan sa __________________.
bahay
komunidad
paaralan
lahat ng nabanggit
Nagmamadaling pumasok sa klase si Rina. Mahuhuli na siya. Sa
pagmamadali hindi niya napansin na naapakan niya ang balat ng
saging. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Madudulas siya.
Makakapasok siya sa tamang oras.
Maglilinis siya.
Hindi na lang siya papasok.
Hindi makatulog si Romeo sa kanyang higaan. Kumakalam ang
kanyang sikmura. Nagtungo siya sa kusina. Ano kaya ang gagawin
niya?
Sa kusina siya matutulog.
Iinom siya ng gamut.
Kukuha siya ng makakain dahil gutom siya.
Isasara niya ang ilaw sa kusina.
Inutusan ka ng iyong inay na bumili ng suka sa tindahan. Ano ang sasabihin mo?
Nay, mamaya na lang po may ginagawa ako.
Sige po inay, magkano po?
Nanonood po ako ng tv ‘nay!
May takdang-aralin kayo sa asignaturang Filipino. Ano ang gagawin mo?
Gagawin ko muna ang takdang aralin bago maglaro.
Mangongopya ako sa aking kaklase.
Ipagagawa ko ito sa aking nanay.
Nakita mong nagtapon ng basura sa kanal ang iyong kalaro. Ano ang sasabihin mo?
Magtapon ka riyan.
Bawal magtapon ng basura sa kanal upang maiwasan
ang pagbaha.
Ako din, magtatapon ng basura sa kanal. Lilinisin din naman ng mga barangay tanod.
Naglaro kayo ng iyong nakababatang kapatid, nakakalat ang mga laruang ginamit ninyo. Ano ang gagawin mo?
Hayaang nakakalat ang mga ito.
Ipaliligpit sa kapatid.
Ililigpit ang mga ito.
Tinatalakay ng iyong guro ang inyong aralin. Ano ang gagawin mo?
Hindi papansinin ang guro.
Makikinig nang maayos sa guro.
Makikipagkwentuhan sa katabi.
