NEW
Font size
WorksheetsREVIEWER SA FILIPINO 3 QUARTER 2
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Malinamnam ang ulam na niluto ni nanay. Ano ang kasingkahulugan
ng salitang malinamnam?
maalat
masarap
walang lasa
matamis
Matulin ang takbo ng mga sasakyan. Ano ang kasalungat ng salitang
matulin?
mabilis
mabagal
mahina
katamtaman
Anong maikling salita ang mabubuo galing sa salitang kapatid?
apa
paa
akap
dati
Nais mong dumaan ngunit ang guro mo at ang magulang mo ay
nakaharang sa may pintuan.Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Makikiraan po
Tumabi nga kayo
Bakit kasi nakaharang kayo?
Istorbo talaga kayo
Isang hapon ng Linggo nakasalubong mo sa parke ang iyong
Kapitbahay.Paano mo siya babatiin?
Magandang gabi po
Magandang hapon po
Magandang umaga po
Magandang tanghali po
Binilhan ka ng iyong ate ng magandang damit. Ano ang sasabihin mo
sa kanya?
Maraming salamat po
Bakit mo ako binilhan?
walang anuman
mabait ka talaga
Piliin ang salitang may klaster/kambal katinig na ginamit sa pangungusap. Grabe ang naging pinsalang hatid ng pandemyang COVID 19.
hatid
COVID
grabe
naging
Piliin ang salitang may klaster/kambal katinig na ginamit sa pangungusap.
Dapat kumain tayo ng prutas at gulay upang maiwas tayo sa sakit.
prutas
gulay
sakit
kumain
Piliin ang salitang may klaster/kambal katinig na ginamit sa pangungusap.
Maraming magagandang proyekto ang pamahalaan para sa mga
mamamayan.
para
mamamayan
proyekto
pamahalaan
Binigyan ng bagong ____________ si Anne ng kanyang nanay bilang
regalo sa kanyang ikawalong kaarawan.
sapatos
sapatus
zapatos
zapatus
Nagsisimba ang mga tao sa Baclaran tuwing __________.
Mierkoles
mierkulis
Miyerkules
miyerkoles
_____ang naririnig kong umiiyak sa likod ng pintuan?
ano
ilan
saan
sino
____gulay ang bibilhin mo sa palengke? Sana madahon at maberdeng
gulay.
Ano
Ilan
Saan
sino
_____paso ang aalisin ko upang maging kaaya-ayang tingnan ang
halamanan?
Ano
Ilan
Saan
Sino
Maraming dayuhan ang nagpupunta at namasmasyal dito sa Pilipinas.
Ano ang kahulugan ng dayuhan?
Mula sa ibang bansa
Mula sa ibang nayon
mula sa ibang bayan
mga kababayan
Nakita mo na ba ang mataas na bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park?
Ano ang kahulugan ng bantayog?
Larawan
tirahan
monumento
tahanan
Bago umalis ay nagpaalam muna ang mga kaibigan ni Lorna . Aalis
na po_________.Maraming salamat po.
Kami
kayo
tayo
sila
Matapos ang pagdiriwang ay nagligpit na ___________ nanay, tatay
at kuya.
sila
tayo
kami
kayo
Ano ang pagkakatulad ng kuwentong “Ang leon at ang daga” at “Ang
matsing at ang buwaya”?
Parehong kwento tungkol sa mga hayop
Magkaiba ang nilalaman ng kwento
ito ay mga alamat
Ito ay tungkol sa mag-anak
Ano ang kaibahan ng “alamat ng Pinya” sa “alamat ng unang unggoy”?
Ito ay parehong alamat
Ito ay kwento ng pinagmulan
ang mga tauhan sa alamat ay pareho
magkaiba dahil ito ay halaman at hayop
Namasyal ang mag-anak na Santos sa parke. Masayang -masaya ang
mga bata sa kakatakbo. Pagdating sa bahay _______________________.
Pagod na pagod ang mga bata
Nagkasakit ang mga bata
nalungkot ang mga bata
nag away-away ang mga bata
Tuwing Linggo ay may idinadaos na misa sa covered court ng aming
barangay. Maraming tao ang pumupunta dito upang dumalo sa misa.
Magkakasama ang mga pamilya sa pagsisimba. Ngunit ngayong
panahon ng pandemya binawalang lumabas ang mga bata at senior
citizen. Ano ang angkop na wakas?
Kaunti na lang ang nakakadalo sa misa
Marami pa rin ang dumadalo sa misa
wala ng dumadalo sa misa
wala ng misa
Malakas ang tagas ng tubig dahil butas ang ikinabit na tubo.
daluyan ng tubig
tanim na halaman
kita sa paninda
usbong ng tanim
Basa siya ng ulan nang umuwi.
Nabuhusan ng tubig
Pagbigkas sa mga salita
apelyido
wala sa nabanggit
Mataas ang talon ng palakang nasa damuhan.
Kilos ng paglukso upang makalipat ng lugar
Anyong tubig na bumabagsak
pangalan ng lugar
isang salitang kilos
Tungkol saan ang proyektong nabanggit?
Tree planting project
Lakbay-aral
Pagbabasa
Pagbubukas ng klase
Saan gaganapin ang tree planting ng mag-aaral?
La Mesa Eco Park sa Quezon City
La Mesa Eco Park sa Pasay
La mesa eco park sa Maynila
La Mesa Eco Park sa Marikina
Kailan gaganapin ang tree planting project ng mga mag-aaral?
Setyembre 10, 2021
Setyembre 30, 2021
Setyembre 18, 2021
Setyembre 20, 2021
Ang liwanag ng mga tala sa gabing madilim.
Pinaglalagakan ng pera
Kasalungat ng tayo
Maliwanag na bituin
Lista o ulat
Naka-upo ang mga tao sa bangko, habang naghihintay ng bus.
Pinaglalagakan ng pera
Kasalungat ng tayo
Maliwanag na bituin
Lista o ulat
Magdedeposito ako ng pera sa bangko.
Pinaglalagakan ng pera
Kasalungat ng tayo
Maliwanag na bituin
Lista o ulat
Nakatala sa kanyang notbok ang mga bibilhin ng kanyang magulang.
Pinaglalagakan ng pera
Kasalungat ng tayo
Maliwanag na bituin
Lista o ulat
Ang alaga kong aso ay___________ lalo na pag may dumaraang
istranghero.
mabalahibo
mabait
malakas
kumakahol
Iba-iba ang mga halamang namumulaklak na nakatanim dito, kaya
ang hardin ay _____________ .
makulay
malungkot
marumi
maraming damo
Masasabing umuunlad na ang transportation sa Metro Manila dahil sa
MRT/LRT. Ano ang tamang baybay sa Filipino ng salitang may salungguhit.
transporteyson
Transpurtasyon
transportasyon
tranportacion
