Font size
WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao 8
Total questions: 45
Worksheet time: 2hrs 30mins
Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
Ang _________ ay taong labas sa iyong sarili, maaaring iyong magulang, kamaganak, kaibigan, kaklase, at pati na rin kaaway
pamilya
lipunan
kaibigan
kapwa
Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
kusa at pananagutan
sipag at tiyaga
talino at kakayahan
tungkulin at karapatan
Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
Dito nagmumula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan.
paaralan
simbahan
pamayanan
pamilya
May bago kang kamag-aral na katutubo. Walang lumalapit sa kanya at napansin mong kailangan niya ng tulong. Lalapitan mo ba siya? Bakit?
Opo, sapagkat kailangan ko siyang tulungan at iyon ang nararapat
Opo, dahil gusto kong maging sikat sa aking mga kamag-aral
Hindi, dahil ayaw kong sa mga katulad nya
Hindi, sapagkat madami kaming Gawain at ko na siya maaasikaso pa
Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _______________.
kakayahan ng taong umunawa
pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
pagtulong at pakikiramay sa kapwa
Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa:
Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag-kaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan
Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba.
Ayon kay _____________"Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon".
Jack Emerson
Esteban
Pope John Paul II
William James
Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ______________
ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan
ang pagbibigay ng saloobin sa buhay ng bawat bahagi ng pamayanan
ang pakisama sa mga samahan na nagsusulong ng pagbabago
ang pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan
Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagugnayan sa kapwa?
"Bakit ba nahuli ka na naman?"
"Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga."
"Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin."
"Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo."
Alin sa mga sumusunod at nagpapakita ng papel pampolitika ng pamilya?
Pagkikibahagi sa clean up drive ng barangay
pagboto sa susunod na mamumuno
pagkikiisa sa livelihood project ng komunidad
maging volunteer sa gawain ng simbahan gaya ng feeding program
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagiging bukas palad maliban sa isa.
Pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo
pakikibahagi sa medical mission ng barangay
matalino at tapat na pagboto sa susunod na mamumuno
Pabibigay ng abuloy at pakikiramay sa kapitbahay na namatayan
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tungkulin ng pamilya sa pangangalaga sa kalikasan maliban sa isa
Pakikiisa sa tree planting
Pagsali sa rally na naglalayong mapababa ang mga tiwali
pagtangkilik sa mga produkto gawa sa recycled materials
pagsunod sa tuntunin ng waste segregation
Sinu-sino ang ating kapwa?
Magulang
Guro
kaibigan
Lahat ng nabanggit
Ano ang unang yugto ng pakikipagkapwa?
pagdamay
Pakikipag-ugnayan
Pakikiisa
Wala sa nabanggit
Upang maging ganap ang pagkatao, kailangan nating maranasan ang _______________
tumulong at tulungan
magmahal at mahalin
rumespeto at respituhin
magbigay at bigyan
Ayon sa Webster's Dictionary, ang ____________ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem)
pagpapakasal
pakakaibigan
panliligaw
pagpapamilya
Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya?
Maayos na tirahan
Pagkakaroon ng malinis na tubig
Murang kuryente o elektrisidad
lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay indikasyon na nilikha tayo ng Diyos bilang "social being" maliban sa isa.
binigyan tayo ng Diyos ng taong makakasama at makakatulong
Hindi natin kayang mabuhay ng mag-isa
May kakayahan ang tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito.
Namuhay ang tao na naaayon lamang sa sariling kagustuhan at kakayahan.
Ano ang indikasyon ng pagmamahal sa kapwa?
pag-unawa
pagmamalasakit
paglilingkod
lahat ng nabanggit
Upang maiiwasan ang di magandang karanasan sa pagpapahayag ng damdamin, kailangan ang mga sumusunod maliban sa isa.
mapaghahandaan ang pagkakaroon ng diyalogo
gagamit ng epektibong kasanayan sa pakikipagtalastasan
matamang makinig sa kausap (Attentive Listening)
maging laging handa sa posibleng tahasang usapan.
Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
Ano sa mga sumusunod ang nagpapakita ng negatibong epekto ng labis na debosyon sa pamilya?
Nagdudulot ng pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya sa lipunan
Nagiging sanhi ito ng political dynasties
Nagiging sanhi ng pagiging makasarili at pagwawaksi ng pagsasakripisyo alang-alang sa kapwa.
lahat ng nabanggit
Pangarap ng pamilya Reyes na magkaroon ng mapayapa at ligtas na matitirhan. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang dapat nilang bantayan upang makamit ito?
karapatan ng lahat ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya.
Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay
Ang taong may magandang kalooban at marunong makipagkapwa ay tinataglay ang:
Crab Mentality
Ningas Kugon
Bahala na Habit
Selflessness
Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
Paraan upang mapanatili ang pagkakaibigan
Magbigayan
Maging Bukas ang isip sa opinion ng bawat isa
Magtulungan
Magsabihan ng problema
Ang mga sumusunod ay kailangan sa pakikipagkapwa, maliban sa:
Pakikituong at pakikisalamuha
Pakikiisa at pakikisama
Pakikibagay at pakikilahok
wala sa nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa maliban sa isa.
Pagpapahayag ng mga damdamin
Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa
Pagpapahayag ng pansariling opinyon
Pagtanggap sa kapwa.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagtanggap sa kapwa, maliban sa:
pagpupumilit na ipasunod sa iba ang pansarili mong pamantayan at pananaw.
paggalang sa dignidad ng tao
pagtanggap sa kalakasan at kahinaan ng kapwa
pagiwas sa panghuhusga
Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
kakayahan nilang makiramdam
kanilang pagtanaw ng utang na loob
kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
Nakita mong kinakantiyawan ng mga kaibigan mo ang isang may kapansanan. Ano ang gagawin mo?
hahayaan mo sila dahil baka ikaw ang kantiyawan
Makikikantyaw ka rin bilang pakikisama sa kanila
Aasta na walang naririnig
Pagsasabihan ang mga kaibigan na hindi tama ang mangantiyaw ng kapwa
Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng birtud ng katarungan
Pagbibigay ng papel sa kaklase
Pagbabayad ng tama sa tindahan
Pagbibigay ng respeto sa teacher dahil lubos mo itong kinagigiliwan
Pagbibigay ng pantay na pagtingin sa mga kaibigan
Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.
Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin
Ano ang pinakamabisang paraan upang magampanan ang papel pampulitika ng isang pamilya.
pakikialam sa politika
pagtitiyak na ang mga batas ay hindi taliwas sa karapatan ng pamilya
nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya
lahat ng nabanggit
Ano ang naitutulong ng pakikipagkaibigan?
Paghubog ng matatag na pagkakalilanlan at pakikisalamuha sa lipunan
Paglinang ng sosyal na aspeto ng pagkatao
Pagkakaroon ng masayang buhay
lahat ng nabanggit
Si Maya ay mahilig makipagkaibigan, Nais niyang makipagkaibigan dahil nais niya na mayroon siyang maaasahan lalo na sa mga gawain sa paaralan ngunit pagkatapos niyang makuha ang kanyang kailangan sa kaibigan unti-unti siyang lumalayo at hahanap na muli ng bagong kaibigan. Anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinakikita ni Maya?
Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
Pakikipagkaibigang nakabatay sa interes
Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
Pakikipagkaibigang nakabatay sa kagustuhan
May nakita kang mga namamalimos na bata, bigla itong lumapit sa iyo at humingi ng limos. Ano ang iyong gagawin?
Ipagtatabuyan ko ito at susungitan
iiwasan ko ito at babalewalain
bibigyan ko ito ng pera
bibigyan ko sya ng pagkain
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa (confidences)
pag-iingat na di mabahagi o makuwento sa iba ang sensitibo o personal na impormasyong ibinahagi sa iyo.
pagpahalaga sa mga bagay na iniregalo sa iyo ng isang kaibigan
pagbabahagi sa iba ng mga sekretong sayo ipinagkatiwala
wala sa nabanggit.
Paano ang tamang paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa iyong kapwa, maliban sa:
pagkikipag-usap sa isang positibong paraan.
pagamit ng "you-statements"
Magtanong kung kailangan ng paglilinaw
Laging isaalang-alang ang pagkakasundo sa mga bagay-bagay
Kaya ba ng tao ang mabuhay ng mag-isa?
Oo, dahil iipinanganak naman siya ng mag-isa
Oo, dahil hindi niya kailangan ang kanyang kapwa upang mabuhay
Hindi, dahil may kailangan ako sa aking kapwa
Hindi, dahil ang tao ay nabubuhay na likas na kailangan ang kanyang kapwa.
Saan naguugat ang malalim na pagkakaibigan?
sa isang simpleng ugnayang interpersonal
pagbibigay ng kanya-kayang pangangailangan
pagkakaroon ng parehong interes sa buhay
wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa "Golden Rule"
"Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo"
"Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili"
"Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka."
Lahat ng nabanggit.
