WorksheetsESP Practice Examination Questions
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Name
Class
Date
1.
Anong katangian ang ipinapakita ng isang taong humihingi ng paumahin sa kasalanang nagawa sa kaniyang kapuwa?
a)
matiyaga at matiisin
b)
matapat at masunurin
c)
mapagbigay at mapagmahal sa kapuwa
d)
mahinahon at may pag-unawa sa damdamin ng iba
2.
Habang ikaw ay naglalaro, hindi mo napansin ang isang kamag-aral na naglalakad at nabangga mo siya. Ano ang iyong gagawin?
a)
Hindi ko siya papansinin.
b)
Pagtatawanan ko lang siya.
c)
Ako ay magagalit dahil nakaharang siya.
d)
Tutulungan ko siya at hihingi ako ng paumanhin.
3.
Paano ka hihingi ng paumanhin sa kaibigan mo kung ikaw ay nagkamali?
a)
padabog
b)
pasigaw
c)
galit
d)
mapagpakumbaba
4.
Ano ang mararamdaman at gagawin mo kung pinuna ka at sinabing mas mainam kung magsusuot ka ng bestida sa halip na nakashorts ng maigsi?
a)
Pakikinggan ko siya at sasabihing salamat sa kaniyang puna.
b)
Hindi ko na siya kakausapin kahit kalian.
c)
Maiinis ako sa kanyang sinabi
d)
magagalit ako sa kaniya
5.
Ano ang nararapat na gawin kung pinuna ka ng iyong kaklase sapagkat may mali kang ginawa?
a)
magagalit ako sa nagsabi
b)
pagsasabihan ko silang huwag akong pakialaman
c)
hindi ko sila papansinin
d)
tatanggapin ko ito nang maluwag sa aking kalooban
6.
Ano ang nararapat gawin upang ang pagkamahinahon sa damdamin at pagkilos ng kapwa ay maisabuhay tulad ng pagtanggap at pagtutuwid
ng sariling pagkakamali?
a)
ikahiya
b)
paunlarin
c)
itago
d)
palitan
7.
Paano mo tatanggapin iyong sarili na pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan
ka sa iyong kaklase?
a)
Hihingi ako ng sorry sa aking guro.
b)
Ipagpatuloy ko parin ang aking ginagawa.
c)
Sisimangutan ko ang aking guro.
d)
Hindi ko siya papansinin.
8.
Paano mo haharapin ang mga pumupuna at bumabatikos sa iyo dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo?
a)
Kakausapin ko siya nang mahinahon at humingi ng sorry sa pagkakamaling ginawa.
b)
Hahamunin ko siya ng away.
c)
Babatikusin ko rin siya.
d)
Hindi ko na lang siya papansinin.
9.
Mahilig manood ng mga katatawanan sa telebisyon si Allen. Ano ang nararapat niyang gawin sa mga napapanood niya?
a)
Gagayahin niya lahat ito.
b)
Huwag gayahin ang mga salitang ginamit kung ito ay hindi maganda.
c)
Gamitin ang mga salitang ginamit sa pagpapatawa sa pangungutya sa ibang bata.
d)
Tandaan ang mga ito upang gamiting pang-asar sa mga kalaro.
10.
Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay.
Hindi raw maganda ang boses mo. Ano ang iyong gagawin?
a)
Hindi ko sila papansinin.
b)
Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta.
c)
Aawayin ko sila.
d)
Wala akong pakialam
11.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong pag-uugali?
a)
Ako pa rin ang tama!
b)
Eh, ano ngayon? Sino ka aba?
c)
Pasensiya na, ako'y nagkamali.
d)
Huwag mo akong turuan!
12.
Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya't sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
a)
Tanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang mga pintas nila at pagbutihin ko ang aking
b)
ginagawa.
c)
Hindi ko sila papansinin.
d)
Aawayin ko sila.
e)
Pipintasan ko rin sila.
13.
May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
a)
Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
b)
Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
c)
Hindi ko sila papansinin.
d)
Wala akong pakialam.
14.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat sabihin?
a)
Wow ang sarap ng luto mo!
b)
Ang panget ng iyong damit.
c)
Ang ganda ng suot mo, bagay mo yan.
d)
Sa aking palagay mas gaganda ang iyong proyekto kung lalagayan mo ito ng palamuti.
15.
Alin ang nagpapakita ng wastong pag-uugali?
a)
Makipagbiruan hanggang sa mapikon.
b)
Makipag-away sa kabiruan kung wala ka ng alam sabihin.
c)
Gumamit ng mga nakakasakit na mga salita sa pakikipagbiruan.
d)
Piliin lamang ang mga salitang gagamitin sa pakikipagbiruan at tiyaking hindi ito nakakasakit ng damdamin.
16.
Ano ang maaari mong maitulong kung may nakita kang bata na umiiyak sapagkat siya ay nawawala?
a)
Dadalhin ko siya sa barangay para matulungan siya.
b)
Tatanungin ko siya kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira.
c)
Tutulungan ko siyang makabalik siya sa kanyang pamilya.
d)
Lahat nang nabanggit
17.
Malungkot ang iyong kamag-aral na si Ben. Napagalitan siya ng kanyang magulang sapagkat bumaba ang kaniyang marka. Kasama siya dati sa mga nangunguna sa klase subalit dahil sa pagbaba ng kaniyang marka ay hindi na siya nakasama. Ano ang maaari mong sabihin kay Ben?
a)
Hayaan mo na Ben. Wala namang silbi yan.
b)
Hayaan mo na yan Ben, maglaro na lang tayo.
c)
Bumawi ka na lang sa susunod Ben.
d)
Huwag mo na lang pansinin yan Ben.
18.
Binagyo ang lugar ni Simon na iyong kaibigan. Halos naanod lahat ang mga kagamitan niya sa pag-aaral. Ano ang maaari mong maitulong maliban sa isa?
a)
Bibigyan ko siya ng mga luma kong kagamitan sa pag-aaral na puwede pang gamitin.
b)
Hihikayatin ko ang iba ko pang kaibigan at kaklase na magbigay ng tulong sa kanya.
c)
Damayan siya sa nangyaring kalamidad sa kanila.
d)
Hindi na lang ako makikialam.
19.
May mga batang marurumi at namumulot ng basura na pakalat-kalat sa kalsada. Ano ang iyong gagawin?
a)
Bibigyan ko sila ng pagkain.
b)
Ipagtatabuyan ko sila.
c)
Wala akong pakialam sa kanila.
d)
Babatuhin ko sila.
20.
Ano ang maari mong gawin kung napapansin mong nasa sulok at malungkot ang iyong kaklase?
a)
Pagtatawanan ko siya.
b)
Hindi ko na lang siya papansinin.
c)
Sasabihan ko lang ang isa kong kaklase na malungkot siya.
d)
Lalapitan o siya at dadamayan ko siya kung bakit siya malungkot.
21.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa nagsasalita?
a)
Ako nang mabuti sa mga panuto na sinasabi ng namumuno sa palaro.
b)
Lumalakad ako ng marahan at tahimik sa pasilyo ng paaralan kapag may nagkaklase.
c)
Iginagalang ko ang nagsasalita kahit hindi ko nagugustuhan ang kaniyang sinasabi.
d)
Naglalaro ako sa aking cellphone habang kinakausap ako ng aking lolo at lola.
22.
Nakita mong sinusulatan ng iyong kaklase ang kaniyang upuan, ano ang iyong gagawin?
a)
Babasahin ko ang sinulat niya.
b)
Gagayahin ko siyang magsulat.
c)
hahamunin ko siya na paramihan kami ng sulat
d)
Babawalan ko siya at sasabihing hindi maganda ang kaniyang ginagawa.
23.
Alin sa mga pangyayari ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pasilidad ng paaralan?
a)
Maingat kong ginagamit ang palikuran ngaming silid-aralan.
b)
Sinusulatan ko ang mga pader sa paaralan.
c)
Isinasalansan ko sa tamang lalagyan ang mga aklat sa silid-aklatan.
d)
Naglilinis kami ng silid-aralan pagkatapos ng klase.
24.
Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa mga pasilidad ng paaralan na kailangang ingatan?
a)
silid-aralan
b)
palikuran
c)
silid-aklatan
d)
botika
25.
Ano ang nararapat gawin sa tuwing ikaw ay kinakausap ng iyong nanay?
a)
Tumitigil ako sa aking ginagawa upang pakinggang mabuti ang sinasabi ng aking nanay.
b)
Tumitingin ako sa telebisyon habang kinakausap si nanay.
c)
Iniiwan ko siya habang siya ay nagsasalita.
d)
Sumisigaw ako pag nagsasagot sa kaniya.
26.
Ano ang dapat gawin sa tuwing ikaw ay nasa silid-aklatan?
a)
maglaro ng tagu-taguan
b)
mag-ingay kasama ang mga kaklase
c)
Punitin ang pahina ng aklat na nais basahin
d)
magbasa ng tahimik at ibalik ng maayos ang aklat na hiniram.
27.
Alin sa mga sumusunod ang kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran, maliban sa isa. Ano ito?
a)
Disiplina
b)
Pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan
c)
Pagtutulungan ng bawat mamamayan
d)
Katamaran at pagiging makasarili.
28.
Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran.
a)
pulis
b)
magulang
c)
doktor
d)
pamahalaan
29.
Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita ang nagpapanatili ng malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran?
a)
Si Anna na malakas ang tugtog dahil nagpa-practice ng sayaw.
b)
Si Elsa na palihim na idinikit ang nginunguyang bubble gum sa ilalim ng upuan
c)
Pagkatapos kumain nina Susan at Maria sa parke, iniglpit nila ang kanilang pinagkainan
d)
Si Andrea na pumitas ng magagandang rosas sa parke at ihahandog sa guro
30.
Paano mapananatili ang kaaya-ayang kapaligiran?
a)
Ipaghihiwalay ko ang basurang nabubulok at di-nabubulok.
b)
Itatapon ko ang mga basura sa ilog para malinis ang aming bakuran.
c)
Pupulutin ko ang kalat na plastik sa silid-aralan at itatapon sa labas ng paaralan.
d)
Susunugin ang mga gulong at plastik na nagkalat sa bakuran.
31.
Ano ang nararapat gawin upang makamit ang pangarap ng bawat isa na magkaroon ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligigran?
a)
magkanya-kanya
b)
magtulong-tulong
c)
magsawalang bahala
d)
magkibit-balikat
32.
Ano ang gagawin mo kung makita mo na naglalaro ang iyong mga kapatid, habang natutulog ang iyong tatay dahil napagod sa kaniyang trabaho?
a)
Kakanta akong malakas hanggang sa magising si tatay.
b)
Pagsasabihan ko ang aking mga kapatid na huwag silang maingay
c)
magpapatugtug ako ng malakas na awitin.
d)
Makikisali sa mga kapatid kong maglalaro
33.
Anong katangian ang ipinakikita ni Ron, alam niya na may sakit ang kaniyang lola kailangan niyang magpahinga kaya imbes na maglaro ay tahimik nalang siyang nagbasa ng kaniyang paboritong kuwento.
a)
may paggalang sa iba
b)
Mapagbigay sa iba
c)
Masipag na bata
d)
Makulit na bata
34.
Alin sa mga pahayag ang HINDI kabilang sa pagiging bukas palad?
a)
Bukal sa kalooban at walang hinihintay na kapalit ang pagtulong sa kapuwa.
b)
Ang pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi ay malaking tulong sa pantawid sa kanilang gutom.
c)
Ang pagtulong sa kapwa ay kusang loob at walang pag-alinlangan.
d)
Ang pagtulong sa kapwa ay gawain lang ng mga mayayaman.
35.
Paano ka makatutulong saiyong kamag aral na nasunugan ng bahay at lahat ng kanyang damit ay kasamang nasunog.
a)
Ibibigay ko ang iba kong mga damit na hindi ko na sinusuot.
b)
Hahayaan ko lang siya na manghingi sa ibang tao.
c)
Hindi ko siya bibigyan ng mga gamit ko.
d)
Hindi na ako makikipaglaro sa kaniya.
36.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas palad sa mga nangangailangan?
a)
Namigay ng mga delata, bigas at tubig ang mga opisyal ng barangay isang araw matapos ang bagyo.
b)
Hindi pinansin ni Roden ang matanda na galing sa malayong lugar na humihingi ng maiinom na tubig
c)
Tumanggi si Adora na ibigay sa mga nasalanta ng bagyo ang kaniyang mga lumang damit.
d)
Hindi pinansin ni Aling Nita ang pagkatok ng kanilang kapitbahay noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.
37.
Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Bilang kabataan, ano ang gagawin mong maitulong?
a)
Hahayaan ko lang sila.
b)
Pagsasabihan ko silang itigil nila ang pagtulong.
c)
Maglalaro nalang ako kaysa sa tumulong sa kanila.
d)
Sasali ako sa grupo upang makatulong din sa mga biktima ng kalamidad
38.
Pinatuloy ni Aling Karol sa kanilang malaking bahay ang pamilya ng kaniyang kaibigan noong nakaraang bagyong Ulysses. Ano ang katangian ipinakita ni Aling Karol?
a)
bukas palad
b)
madamot
c)
matapobr
d)
makasarili
39.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa iba?
a)
Isinasara ng malakas ang pinto kahit na may natutulog.
b)
Hinihintay lamang ng tahimik ang kaibigan sa labas ng kanilang simbahan para makipaglaro.
c)
Malakas ang tugtog ng radyo ni Sara kahit alam niyang natutulog pa ang kanilang mga kapit bahay.
d)
Pinapabayaan lamang ang mga kaibigan o kamag-aral na mag-ingay habang ang nakaba- batang kapatid ay natutulog.
40.
Nagtuturo ang iyong guro ngunit pilit kang tinatawag ng iyong kaklase. Ano ang nararapat mong gawin?
a)
Makipag-usap nalang sa kamag-aral.
b)
Hindi na makikinig sa aking guro.
c)
Sabihin sa kaklase na mamaya nalang kayo mag-usap.
d)
magagalit sa kaklase.
100 %
