Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter REVIEWER F7

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

May mga taong nanghahamak ng kapwa na mas mababa ang katayuan sa kanila. Alin ang pinakamababaw na kahulugan ng nanghahamak?

a)

nang-aalipusta

b)

nangyuyurak

c)

namimintas

d)

nanlalait

2.

Tahasan ang winika ng pangulo hinggil s akalagyan ng bansa. Anong pinakaangkop na kahulugan ng salitang may salunggunit?

a)

bigla

b)

galit

c)

malinaw

d)

mabilisan

3.

Talagang napakaamo ng iyong mukha. Anong damdamin ang ipinahihiwatig nito?

a)

inggit

b)

masaya

c)

paghanga

d)

pagkabigla

4.

PIliin ang nasa wastong pagkakasunod ng mga salita.

a)

dukha mahirap, maralita, hampaslupa

b)

mahirap, dukha, hampaslupa, maralita

c)

mahirap, maralita, dukha, hampaslupa

d)

maralita, hampaslupa, mahirap, dukha

5.

Alin ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?

a)

bantog, kilala, sikat, tanyag

b)

kilala, sikat, tanyag, bantog

c)

sikat, kilala, tanyag, bantog

d)

tanyag, sikat bantog, kilala

6.

Naging mabilis ang pagtutol ng mga magulang sa nais ng kaniyang mga anak na sumama sa mga lalaking hindi pa lubusang kilala. Ano ang pananaw mo tungkol dito?

a)

pagbibigay proteksiyon ng magulang sa mga anak para hindi mapahamak

b)

hindi pagtanggap ng mga magulang pra sa kaniyang mga anak ang mga lalaki

c)

pagtutol dahil sa mabilis na pagtitiwala ng mga anak

d)

paghandlang sa lagustuhan ng mga anak

7.

Pagtanggap ng magulang na babae sa lalaki para gawin ang mga gawain sa loob at labas ng tahanan. Ano ang pananaw mo tungkol dito.

a)

pagpapakita ng kaugalian sa panliligaw ng lalaki sa kaniyang minanamahal na babae

b)

pagpapakita ng paggalang at respeto

c)

pagiging matulungin s kapwa

d)

may lihim na pagtingin

8.

Bawat tahanan at pamilya sa lugar ay abala sa paghahanda para sa nalalapit na pista ng bayan. Ano ang pananaw mo tungkol dito?

a)

pasasalamat sa kanilang patron o santo dahil sa mabuting nanyari sa bayan

b)

pagsasama-sama ng buong pamilya at mga kaibigan

c)

pagdiriwang kung kailan nabuo ang isang bayan

d)

isang uri ng kasiyahan

9.

Paghingi ng pahintulot ng anak sa magulang bago magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Ano ang pananaw mo tungkol dito?

a)

paghingi ng basbas mula sa magulang at ipakaloon ang gabay mula sa Panginoon

b)

paghingi ng panggatos na gagamitin sa nalalapit na kasal

c)

paggalang sa magulang

d)

wala sa nabanggit

10.

Mabilisang pagtugon sa taong nangangailangan kahit ano pa man ang pisikal at kalagayang panlipunan nito sa buhay. Ano ang pananaw mo tungkol dito?

a)

taglay ang busilak na puso sa pagtulong sa mga taong nangangailangan

b)

mapagkawanggawa sa kapwa

c)

maging magandang modelo para lahat

d)

lahat ng nabanggit.

11.

Paano mo masasabi na masining ang isang tula?

a)

napapanahon ang paksa

b)

mahaba ang sukat ng bawat taludtod

c)

malalim na pagpapakahulugan sa paksa

d)

maraming bilang ng taludtod sa nawat saknong

12.

Anong uri ng tayutay ang ginamit sa taludtod?

"Halik ng hangin sa aking pisngi

Tila isang yelo na dumadampi"

a)

metapora

b)

hyperboli

c)

personipikasyon

d)

pagmamalabis

13.

Mula sa awit na "Pilipinas kong Mahal", ano ang sukat ng bawat taludtod nito?

"Ang bayan ko'y tanging ikaw

Pilipinas kong mahal

Ang puso ko at buhay man

Sa iyo'y ibibigay"

a)

7, 7, 8, 8

b)

7,8,7,8

c)

8,7,8,7

d)

8,8,8,8

14.

Anong uri ng tayutay ang ginamit sa taludtod?

"Pati ang Haring araw ay nakisaya

Sa kaligayahan kaniyang nadarama"

a)

metapora

b)

pagpapalit-saklaw

c)

pagtutulad

d)

personipikasyon

15.

"Kamay ng dalaga'y nais hingin"kung bibigyan mo ng tugma ang salitang may salungguhit, alin sa mga salita ang nararapat na tugma?

a)

dangan

b)

hibik

c)

silip

d)

lalim

16.

"Dapat mo lamang mabatid , laman nitong dibdib" Anong uri ng tayutay ang ginamit na taludtod na ito?

a)

pagsasatao

b)

pagtawag

c)

pagtutulad

d)

pagwawangis

17.

Ang tayutay na ginamit sa taludtod na "Tila sampung daang awitin matapos kong likhain" ay_____

a)

pagsasatao

b)

pagtawag

c)

pagtutulad

d)

pagwawangis

18.

"Baka sakaling merong tono bigla na lang umusbong" Anong uri ng tayutay ang ginamit sa taludtod na ito?

a)

pagsasatao

b)

pagtawag

c)

pagtutulad

d)

pagwawangis

19.

Alaws siyang tigil sa pagbabasa ng wattpad kaya't hindi niya namamalayan ang paglapit ng pulis sa kanya. Anong antas ng wika ang nakasalungguhit?

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin

20.

Ang bilmoko na salita ay nasa antas ng wikang________.

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin

21.

Siguradong nalumbay si Jenny dahil hindi na matutuloy ang party niya.

Anong antas ng wika ang nakasalungguhit?

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin

22.

Ang mag-chat na salita ay nasa antas ng wikang____________.

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin

23.

lespu, lodi, alaws, gule ay halimbawa ng antas ng wikang ______

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin

24.

Sa aming tahanan ang mga tao ay madalas wala, kung kaya't makikita ang kalungkutan sa loob at labas.

Anong antas ng wika ang nakasalunggut na salita?

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin

25.

Ang salitang malong ay halimbawa ng antas ng wikang ___________.

a)

balbal

b)

pormal

c)

kolokyal

d)

lalawiganin