Worksheets2nd Qaurter Exam-PILING LARANG TECH-VOC
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Ang feasibility study ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon maliban sa ____________.
pangalan at logo ng itatayong negosyo
daloy at proseso ng pagsusuri at pag-aaral
estratehiya ng mga makakalaban sa negosyo
alternatibong plano sa napipintong balakid na kahaharapin
Ano ang tawag sa wikang ginagamit lamang sa partikular na larangan?
Impormal
Pormal
Jargon
Creole
Ang pangunahing layunin ng feasibility study ay ____________.
tumulong sa pamamahala ng itatayong negosyo
masuri kung kakayaning tugunan ang mga kinakailangan sa pagnenegosyo
masuri kung kakayaning tugunan ang mga kakailanganin sa pagnenegosyo
tumulong sa paghahanap ng mga potential investors na handang maglaan ng bahagi ng kaniyang salapi para sa negosyo
Ang pangkalahatang tawag sa anomang pagpapabatid ng mahalagang impormasyon.
patalastas
paunawa
babala
anunsyo
Ano ang tawag sa sulating teknikal na pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon sa isang kainan?
Leaflets
Manwal
Liham Pangnegosyo
Menu ng Pagkain
Aling bahagi ng Feasibility Study ang naglalaman ng maikli ngunit malinaw na pangkalahatang pagtingin sa negosyo?
Deskripsyon ng Negosyo
Deskripsyon ng Produkto
Mamamahala
Layunin
Ano ang dapat ilagay sa dokumentasyon upang makapagdagdag ng kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa?
larawan
katangian ng bagay
tagline ng produkto
espesipikong kagamitan
Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa pagpaplano ng menu?
pagkaing ihahanda
larawang ilalagay
pag-eendorso
presyo ng pagkain
Alin sa mga salita ang HINDI tumutukoy sa paraan ng pagkakasulat ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto?
tiyak
malinaw
payak
komprehensibo
Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
Balbal
Kolokyal
Pormal
Impormal
Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinomang tao.
anunsyo
paunawa
babala
patalastas
Ang menu ng pagkain ng Kainan ni Manay ay nakahahalina dahil sa kinakikitaan ng kaaya-ayang paglalarawan sa pagkaing kanilang hinahain.
mayroong paglalarawan
nakaayos ang uri ng pagkain
gumagamit ng mga larawan
mayroong nakalagay na presyo
Ano ang kahalagahan ng rekomendasyon sa pagsulat ng feasibility study?
Ang rekomendasyon sa pagpaplano ng perang gagastusin.
Hindi maisasakatuparan ang feasibility study kung wala ang bahaging ito.
Nilalaman nito ang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo ng negosyo.
Sa rekomendasyon mababasa ang lugar kung saan mainam magtayo ng negosyo.
Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at parang nagsasabi rin ito ng kung ano ang maaaring gawin.
patalastas
paunawa
babala
anunsyo
Ang katangian ng isang patalastas sa paggamit ng wika.
simple
di-pormal
pormal
matalinghaga
Sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto, ano ang pangunahing tungkulin ng mga katawagang teknikal batay sa maayos na paglalarawan?
Maipabatid ang kaalaman sa mga mamimili.
Magbigay ng kaukulang pang-akit sa mamimili.
Mabigyan ng kaukulang kahulugan ang bawat salita.
Maayos na magamit ito sa paglalarawan ng isang produkto.
Ito ay isang uri ng patalastas na nagsasaad ng maaring maging panganib sa buhay ng tao.
anunsyo
paunawa
babala
patalastas
Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang nagtataglay ng paraan kung paano mahihikayat ang mamimili na tangkilikin ang produkto o serbisyo?
Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo
Pagsusuri ng Kikitain
Estratehiya sa Pagbebenta
Daloy ng Proseso
Tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen sa isang patalastas.
infomercial
poster
infographics
banner
Bakit mahalaga ang pagsulat ng feasibility study?
Higit na nakikilala ang produkto o serbisyo dahil sa komprehensibong paglalarawan ng feasibility study.
Nabibigyang paalala nito ang mga konsyumer para sa mga panganib na kaakibat ng maling paggamit ng produkto.
Sa pamamagitan ng feasibility study matitiyak ang matagumpay na paglulunsad ng tiyak na produkto o serbisyo.
Ang feasibility study ay dokumentong nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isa o grupo ng tao.
Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng kahalagahan ng isang naratibong ulat?
Upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nangangailangan nito ukol sa isang partikular na paksa at usapin.
Upang makapagkuwento ng mga bagay-bagay na papatok sa panlasa ng madla at makapagbigay-aliw.
Naibibigay nito ang malinaw na daloy ng pangyayaring mula sa imahinasyon ng manunulat.
Nakapaglalahad ito ng mga pangyayaring nakabatay sa opinyon ng manunulat.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng deskripsyon ng isang produkto?
Masuri at makilatis ang isang produkto.
Maipakilala ang nilalaman at benepisyo nito.
Magbigay ng masining na paglalarawan sa mamimili.
Mabatid ang kahalagahan nito sa pansariling pangangailangan
Ano ang tawag sa sunod-sunod na ayos ng mga pangyayari sa isang naratibong ulat?
kronolohikal
banghay
balangkas
proseso
Si Lawrence ay isang mahusay na mekaniko, nagdesisyon siyang magtayo ng isang talyer sa kanilang bayan kung saan maraming behikulo ang paroo't parito. Ano ang kinonsidera ni Lawrence sa kaniyang pasya?
Deskripsyon ng Produkto/Serbisyo
Deskripsyon ng Negosyo
Pagsusuri ng Lugar
Layunin
Sa pagtatayo ng negosyo nangangailangan ito ng sapat paghahanda laban sa mga banta at balakid. At para maisasakatuparan ang plano sa pagnenegosyo malaki ang maitutulong ng ____________.
pagsusuri ng sistema
pagtukoy ng proyekto
pagtukoy ng programa
pagsusuring feasibility
Mahalagang matukoy ang pangkat na magpapatakbo ng negosyo. At sa hanay ng ____________ makikilala ang mga gaganap sa tungkuling ito.
mapagkukunan (Resources)
rekomendasyon (Recommendations)
mamamahala (Management and Teams)
pagtutuos at paglalaan ng pondo- (Costs and Funding)
Anong wika ang pinagmulan ng salitang etika?
Italyano
Romano
Latin
Griyego
Alin sa mga sumusunod ang naglalaman ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
Leaflets at Flyers
Menu ng Pagkain
Feasibility Studies
Manwal ng Do-it-Yourself
Ano tawag sa isang dokumentong naglalahad ng kronolohikal o sunod-sunod na pangyayari sa buhay ng isang tao at grupo ng isang tao ukol sa isang partikular na layunin?
Mga Tala
Minuto ng Pulong
Naratibong Ulat
Liham Pangangalakal
Ano ang karaniwang katangian ng produkto at serbisyong nakapaloob sa feasibility study?
Ang serbisyo ay nirerentahan, samantala ang produkto ay naibebenta.
Ang produkto ay maaring mahawakan samantala ang serbisyo ay maaring magamit.
Ang serbisyo ay mayroong supplier, samantala ang produkto ay mayroong manufacturer.
Ang produkto ay karaniwang nahahawakan, nauubos o nagagamit, samantala ang serbisyo ay inilalaan para sa mga tao.
Alin sa mga halimbawa ang hindi angkop sa pagsulat ng naratibong ulat?
Masigasig na sinalubong ng mga mag-aaral ang bagong punungguro.
Masayang-masayang sinalubong ng mga guro ang bagong punungguro nang may kaunting pag-aalinlangan.
Hindi kaayaaya ang mukha ng mga guro, mga mag-aaral, at iba pang kawani ng paaralan ang bagong punungguro.
Sinalubong ng mga guro, mga mag-aaral, at iba pang kawani ng paaralan ang bagong punungguro nang may hawak na flaglet.
Ano ang isinasaalang-alang sa sitwasyong ito, "Mahigpit ang may-ari ng kainan sa pagtanggap ng tagaluto dahil sinisiguro niyang may kaalaman ito pagdating sa pagluluto?"
matipid
masustansiya
panlabas na anyo
kakayahan sa Pamamahala
Ang pagdedesisyon ukol sa papasuking negosyo ay natutukoy ____________.
matapos isagawa ang feasibility study
habang isinasagawa ang feasibility study
matapos makausap ang mga supplier ng produkto
isang araw bago ilunsad ang proyekto sa pagnenegosyo
Sa bahaging ito ng feasibility study itatala ang mga karagdagang suhestiyon at ____________ na makatutulong sa pagdedesiyon ng may-ari ng negosyo bago niya ito pormal na simulan.
mga mapagkukunan (Resources)
rekomendasyon (Recommendations)
mamamahala (Management and Teams)
pagtutuos at paglalaan ng pondo (Costs and Funding)
Ano ang gamit ng ilustrasyon sa paglalarawan ng isang produkto?
Mapukaw ang interes ng mamimili.
Maipakita ang mga benepisyo ng produkto.
Maipakita ang orihinalidad nito sa karamiha
Maipakita ang kabuoang nilalaman ng produkto.
Bilang mamimili ng isang produkto, ano ang pangunahing impormasyon ang kinakailangan na mabatid?
nilalaman, kulay, at presyo
katangian, kulay, sukat, at benipisyo
nilalaman, presyo, at pinagmulang pagawaan
benepisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo
Anong konsepto ang tumutukoy sa etika?
tama o mali
paghusga
moralidad
sulatin
Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, alin sa sumusunod ang angkop na kinakailangang simulain?
paglalarawan ang manunulat
pagsasalaysay ang manunulat
pangangatwiran ang manunulat
mga kinakailangang datos ang manunulat
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi kasama sa dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu?
Masasarap ang piliin natin dagdagan na lang ang presyo.
Mas magandang makita ng mamimili na ang presyo ay abot kaya.
Hindi ako gagamit ng sangkap na makasasama sa kalusugan ng kakain.
Maglalagay ng putaheng angkop sa mga kakain, isinasaalang-alang ang relihiyon at kanilang diyeta.
Isa sa pinakamahalagang dapat bigyang pansin sa pagnenegosyo ay ang mapagkukunan o supplier ng produkto, kagamitan, tulong teknikal at ahensya na maaaring kumuha ng empleyado na kakailanganin sa negosyo. Ang pangkat ng ____________ ang gumaganap sa mga tungkuling nabanggit.
mga mapagkukunan (Resources)
mamamahala (Management and Teams)
mga rekomendasyon (Recommendations)
pagtutuos at paglalaan ng pondo (Costs and Funding)
Alin sa mga sumusunod na elemento ang wala sa isang naratibong ulat?
Walang Pagkiling
Piksyon Lamang
Kronolohikal na Pagkakaayos
Hindi Maaari ang Sariling Pananaw sa mga Pangyayari
Ano ang ibig sabihin ng rebisyon?
Sa pagkakataong ito, wala itong kahulugan
Pagbalik at pagbabago ng mga nakasulat o nakagawang trabaho
Isulat ang mga ideya tungkol sa mga putahe
Mag-ayos ng mga larawan
Mali ang nabanggit na datos ni Juan ng kaniyang ipinakita ang ulat sa harap ng mga kasamahan sa trabaho. Anong etika ang hindi dapat ginawa ni Juan?
pagpapakita ng maling impormasyon
pagmamanipula sa datos
pagiging stereotype
pagiging bias
Alin sa mga pagpipilian ang tanong na hindi sinasagot ng naratibong ulat?
Kailan?
Saan?
Paano?
Ano?
Ang pagsusuring feasibility ay isinasagawa ng ____________.
mga kapitalistang mamumuhunan sa itatayong negosyo.
may-ari ng uupahang puwesto para sa itatayong negosyo.
may-ari ng negosyo para matiyak ang paghahanda sa mga balakid.
system analyst na kinonsulta ng may-ari ng magtatayo ng negosyo
Ano ang layunin ng detalyadong pagkakalahad ng bawat hakbang sa paggawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
Upang mapalawak ang kaalaman ng mga manggagawa
Upang mabigyan ng trabaho ang mga manggagawa
Upang mapabilis ang paggawa ng dokumentasyon
Upang masigurong maayos at tama ang bawat hakbang sa paggawa
Ano ang hindi katangian ng maayos na pamagat ng isang naratibong ulat?
maikli
katawa-tawa
orihinal
kapana-panabik
Alin sa mga sumusunod na salita ang pinakangkop na bubuo sa pangungusap na ito: "Mahalaga ang _____ na ayos ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto"?
kronolohikal
konseptuwal
teknikal
lohikal
Alin ang hindi kabilang sa mga kahalagahan ng pagsasagawa ng feasibility study?
Magagamit ito bilang alternatibong dulog at solusyon upang maisakatuparan ang ideya.
Isang makabuluhang impormasyon at datos na makatutulong sa pagbuo ng desisyon.
Nakikilala ang pangangailangan ng isang produkto.
Natutukoy ang tagumpay ng ideya.
Ano ang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin ayon kay Raymond Greenlaw?
tiyak na kaalaman
aliwin ang mambabasa
pag-uugali
pagkopya sa gawa ng iba
Ano ang pangunahing tungkulin ng isang produkto sa isang mamimili?
Maipakilala ang orihinalidad nito batay sa pagkakabuo.
Maipakita ang kabuoang benepisyo nito sa pangkalahatan.
Matugunan ang mga impormasyon na nais maipabatid o maipakilala
Maipabatid sa mamimili ang angkop na produkto batay sa kanilang pangangailangan.
Paano maipapakita ng Aling Loring's Restaurant ang pagkakaiba-iba ng mga uri ng pagkain sa kanilang menu?
Nakaayos ang uri ng pagkain
Mayroong paglalarawan
Mayroong nakalagay na presyo
Gumagamit ng mga larawan
Alin sa mga pahayag ang hindi kabilang sa mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin?
Magiging maganda ba agad ang resulta nito sa mambabasa.
Kung ito ba ay hindi makakapagbigay ng pisikal na pananakit.
Kung ito ba ay hindi makakapagbigay ng suliraning mental sa tao.
Ito ba ay makakapagbigay ng hindi magandang dahilan sa mga mambabasa.
Bakit kinakailangan ng masusing pananaliksik sa mga salita o terminolohiya sa pagbuo ng paglalarawan sa isang produkto?
Upang makabuo ng isang masining at teknikal na paglalarawan
Upang maihanay ang mga ito sa kabuoang disenyo ng produkto
Upang mabilis na mahikayat ang mamimili sa nilalaman ng produkto
Upang maisaayos ang mga ito batay sa malinaw na pagpapakahulugan ng mga teknikal na salita
Ito ang mahahalagang katangian ng paraan ng pagkakasulat ng paunawa at babala.
simple at malaki
malaki at malinaw
maligoy at malalim
tiyak at direkta
Paano mapapanatili ang angkop na pagkakabuo ng pangungusap sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto?
Maging payak
Gumamit ng kolokyal na salita
Isama ang mga Teknikal na salita
Bigyang pansin ang mga salitang naglalarawan sa isnag produkto
Ano ang patnubay sa pagsasagawa ng menu ang ipinapakita ng sitwasyon, "Mas mainam na maisa-isa ko ang mga nakalagay na mga salita upang maiwasan ang maling baybay sa mga detalye nito."
Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.
Ipakita ang personalidad ng pangkaing ilalarawan.
Iwasan ang paggamit ng salitang pang-ugnay.
Iwasan ang tipograpikal na pagkakamali.
Sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin, alin ang pinaka-unang dapat bigyan ng pansin?
Nilalaman
Istilo sa pagsulat
Mga salitang gagamitin
Uri ng mga mambabasa
Ang isang kilalang mall ay magkakaroon ng isang pangmalawakang sale kaya sila ay nagpamahagi ng mga flyers upang ipabatid ito sa mga mamimili.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng teknikal bokasyunal na pagsulat
Pagsulat na may sinusundang gabay o pamantayan
Pagsulat na naaayon sa pananaw ng manunulat
Pagsulat na naaayon sa sariling hilig at gusto
Pagsulat na may sinusundang halimbawa
