wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP 5) - Quarter 2 Home Economics Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang unang mong dapat gawin bago labhan ang mga maruruming damit?

a)

Ihiwalay ang puti sa may kulay na damit

b)

Ikula ang mga puting damit kasabay ng may kulay.

c)

Ibabad sa tubig ang lahat ng lalabhan.

d)

Basain lahat ang mga damit.

2.

Naglalaro si Luis sa kanilang paaralan. Bigla siyang napaupo sa isang silyang puno ng kalawang. Hindi niya inaasahan ay namantsahan ang kanyang bagong uniporme. Dapat tanggalin ang mantsa ng kalawang sa damit kapag___________.

a)

nalabhan na ang damit

b)

sariwa pa ang mantsa ng damit

c)

medyo nangungupas na ang damit

d)

matagal ng namantsahan ang damit

3.

Sa pamamalantsa ng polo/blusa, ano ang pinakahuling gagawin?

a)

Ihanger nang maayos at isara ang unang dalawang butones.

b)

Plantsahin ang harapang bahagi mula sa butones at ituloy hanggang maka-ikot sa buong katawan.

c)

Plantsahin ang kuwelyo sa likuran at unahan.

d)

Wisikan ng tubig bago plantsahin. Gumamit ng malinis na pangwisik.

4.

Ano ang dapat gawin kung ang isusuot na damit ay gusut-gusot?

a)

wisikan ng tubig

b)

baligtarin

c)

kusutin

d)

plantsahin

5.

Bakit ginagawa ang pag-aalmirol sa mga damit na yari sa bulak o cotton? Upang _________.

a)

madaling matapos sa paglalaba

b)

lalong pumuti ang damit.

c)

hindi madaling kumapit ang dumi sa damit.

d)

madaling madumihan ang damit.

6.

Ano ang tawag sa malaking gulong na pangilalim ng isang makinang de-padyak?

a)

Drive wheel

b)

Stitch Regulator

c)

Belt Guide

d)

Treadle

7.

Kung ang Bobbin Winder ay kidkiran ng sinulid sa bobina, ano naman ang tawag sa bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi?

a)

Needle clamp

b)

Bobbin Case

c)

Feed Dog

d)

Stitch Regulator

8.

Ano ang tawag sa kaha na lalagyan ng bobina?

a)

Belt

b)

Drive wheel

c)

Balance Wheel

d)

Babin case

9.

Ito ang pinaglalagyan ng karayom ng makina.

a)

Treadle

b)

Needle clamp

c)

Stitch Regulator

d)

Presser

10.

Ano ang tawag sa gulong sa ibabaw na hinahawakan kung sisimulan ang pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.

a)

Belt

b)

Bobbin case

c)

Drive wheel

d)

Balance Wheel

11.

Ang presser foot ay ang ___________ sa tela habang tinatahi ito.

a)

humahawak

b)

nanahi

c)

patungan

d)

umiipit

12.

Magsuot ng __________ upang di marumihan ang damit habang nagluluto.

a)

shorts

b)

damit pambahay

c)

lumang damit

d)

apron

13.

Bakit kailangan suriin muna ang mga paninda bago bilhin ang mga ito?

a)

para maka libre ng tikim.

b)

para makita kung totoo o plastic ang mga paninda

c)

upang matiyak na sariwa at ligtas kainin bago lutuin o kainin.

d)

gusto lang hawakan ang mga paninda.

14.

Bakit kailangan bilangin ang sukli sa harap ng nag-abot na tindera?

a)

Para makahingi ng dagdag sa pinamili.

b)

Upang malaman ng tindera at mamimili kung tama o mali ang sukli.

c)

Para makahingi ng diskwento.

d)

Upang ipakita na marami kang pera.

15.

Sa pagmamadali ng pamimili, ano ang maaaring mangyari sa mga bibilhin?

a)

may makaligtaan bilhin

b)

matapilok

c)

maiwanan ang sukli

d)

maiwan ng sasakyan