NEW
Font size
WorksheetsESP Q1
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Ito ay isang kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng pagtutulungan, pagkakaisa, pagdadamayan, at pakikipagkapwa-tao.
Pagmamano
Pagpapakumbaba
Palusong
Bayanihan
2. Isa itong kaugaliang Pilipino kung saan nagbibigay tayo sa ating mga kapamilya at kaibigan ng mga bagay galing sa lugar na ating pinuntahan.
Pagbibigay ng pasalubong
Pagiging malapit sa pamilya
Pagiging magiliw sa mga panauhin
Pagkakaroon ng utang na loob
3. Ito ay paniniwala ng mga Pilipino na dapat mong ibalik ang pabor sa taong nagmagandang loob sa’yo.
Pagbibigay ng pasalubong
Pagiging malapit sa pamilya
Pagiging magiliw sa mga panauhin
Pagkakaroon ng utang na loob
4. Kaugalian ng Pilipino na laging bukas tumanggap ng bisita o nga taong
hindi kaano-ano.
Pagbibigay ng pasalubong
Pagiging malapit sa pamilya
Pagiging magiliw sa mga panauhin
Pagkakaroon ng utang na loob
5. Isang kaugaliang ginagawa ng mga Pilipino sa pagnanais na magkaroon
ng maganda at mabuting pakikitungo sa ibang tao.
Palusong
Bayanihan
Pakikisama
Matulungin
6. Ang pagbabayanihan ay isang magandang kaugaliang Pilipino.
TAMA
MALI
7. Isang mabuting kaugaliang Pilipino ang pagtulong nang may
hinihinging kapalit.
TAMA
MALI
8. Ang pag-aasikaso sa mga nakatatanda ay isang mabuting
kaugaliang Pilipino.
TAMA
MALI
9. Magandang kaugalian ang laging huling dumadating sa mga
mahahalagang pulong.
TAMA
MALI
10. Ang pagdiriwang ng mahahalagang okasyon kasama ang pamilya
ay magandang kaugaliang Pilipino.
TAMA
MALI
