WorksheetsESP Quiz
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay.
Birtud
Moral
Pagpapahalaga
Karunungan
Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud?
Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus
Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga pagpapahalaga ng isang tao.
Ang mga sumusunod ay angkop na katangian na dapat taglayin ng ganap na halagang moral. Alin sa mga pahayag ang HINDI WASTO tungkol dito:
Ito ay nagmumula sa pagnanais na gumawa ng tama
Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatangap ng tao bilang mabuti at mahalaga
Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao.
Ito ay mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kaniyang pang-araw-araw na buhay.
Kasabay ng pagiging isang mabuting indibiduwal ang pagkakaroon ng tamang gawi at aksiyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawi ang higit na magpapalalim ng pagpapahalaga na mayroon ang isang indibiduwal.
Pagsunod sa nakatatanda
Pagdalo sa gawaing pampaaralan
Pagiging matatag sa anumang problemang dumaan sa buhay
Pagsangguni sa mga nakatatanda at kinauukulan sa bawat desisyon na gagawin
Si Kryshna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?
Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad
Ang mga sumusunod ay mga antas ng hirarkiya ayon kay Max Scheler, MALIBAN sa .
Pambuhay
Banal
Makabansa
Pandamdam
Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Espirituwal na lebel, tinutukoy nito ang mga ________
Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
Pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
Pagmamahal, kapayapaan, katarungan
Gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansiyon
Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga taong maraming pera subalit inaaming hindi ito ang makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga
Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito
Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito
Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget katulad ng cellphone. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
Pambuhay
Ispiritwal
Pandamdam
Banal
Ang hayop ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob.
Tama
Mali
Kung ang layon at pamamaraan ay pawang mabuti, matatawag na
mabuti ang isang kilos.
Tama
Mali
Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba
pang pagpapahalaga.
Tama
Mali
Panatilihing maayos at masigla ang pangangatawan.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Pagsunod sa mga itinuturo ng kabutihan ng pananampalataya
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Pagkakaroon ng kaalaman sa pakikipagkapwa
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Pagkakaroon ng masayang pananaw sa buhay .
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Pagiging tapat sa pagtupad sa tungkulin
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Pagtulong sa mga nangangailangan.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Tumutugon sa pangangailangan ng katawan ng tao.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa tao.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa ______
kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ______
ng buhay (well-being).
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng
kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
Pandamdam
Pambuhay
Ispiritwal
Banal
