Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGMAMAHAL SA DIYOS

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Likas sa tao ang pagiging maka-Diyos at ang patunay nito ay:

a)

Ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos.

b)

Ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos

c)

Ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan

d)

Ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan

2.

Isinilang ang tao na hindi perpekto katulad ng Diyos subalit maari siyang:

a)

Sumunod sa kapangyarihan ng Diyos

b)

Tumulad sa kabutihan ng Diyos

c)

Manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos

d)

Magsaliksik upang maging perpekto tulad ng Diyos

3.

Ano ang kahulugan ng pahayag na “patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa”?

a)

Mahirap maligtas ang iyon kaluluwa kung magdasal ka lamang

b)

Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya

c)

Ipagdasal natin ang mga taong nagugutom

d)

Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos

4.

Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ang sinungaling.” Ang pahayag ay

a)

Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa

b)

Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba

c)

Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting ugnayan sa kaniya.

d)

Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa

5.

Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinaparusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kanyang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos?

a)

Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos?

b)

Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos

c)

Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay

d)

Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa

6.

Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa:

a)

Kumikilala at nagmamahal sa Diyos

b)

Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos

c)

Nagmamahal at tumutulong sa kapwa

d)

Nagmamahal sa Diyos at namamahal sa kapwa

7.

Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?

a)

Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay

b)

Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos

c)

Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos

d)

Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kaniyang mga salita

8.

Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa na siyang pinagmulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kanyang sarili?

a)

Paglilingkod

b)

Pagmamahal

c)

Pagtugon sa tawag ng pagtulong sa kapwa

d)

Pagkamaka Diyos

9.

Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos,alin ang naiiba?

a)

Pangangalaga sa kapaligiran

b)

Paggalang sa karapatang pantao

c)

Pagkamasunurin

d)

Pananahimik or personal na pagninilay

10.

alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay ng diwa ng pagmamahal sa Diyos?

a)

ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos

b)

ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan sa kapwa

c)

ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw

d)

ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at pagtugon sa tawag ng Diyos