NEW
Font size
WorksheetsESP 4 3RD QRTR SUMMATIVE TEST
Total questions: 48
Worksheet time: 34mins
Nag-uusap sina Gng. Limbo at Gng. Sebuc sa may pintuan ng inyong silid-aralan. Ibig mong pumunta sa palikuran, ngunit kailangan mong dumaan sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
A. Paraan muna, mga guro.
B. Makikiraan po, mga guro.
C. Bakit dito po kayo nag-uusap?
D. Huwag po kayong mag-usap dito, walang mararaanan.
Nanghiram ng pambura sa iyo si Annie. Nang iaabot mo na sa kanya ang hinihiram nito, napansin mong nakapagitan sa inyong dalawa sina Kyla at Lilah. Alin ang wastong sasabihin sa kanila?
Iabot nga ninyo ito kay Annie.
Pakiabot naman nito kay Annie.
Pahiramin nyo na lang ng pambura si Annie
Kayo na lang ang mag-abot nito sa kanya.
Nakatanggap ka ng regalo mula sa iyong mga magulang noong kaarawan mo.
Magandang umaga po!
Maaari po bang mang-abala?
Maraming salamat po.
Paki-kuha naman po.
Mag-uumpisa na ang klase ninyo. Naalala mong naiwan ang wallet mo sa kantin noong rises. Paano ka hihingi ng pahintulot sa guro mo?
Lalabas lamang ako sandali.
Gng. Santos, may nakalimutan po ako sa kantin.
Gng. Santos, maaari po bang lumabas sandali?
Naiwan ko ang wallet ko sa kantin, kaya lalabas muna ako.
Nakaharang sa iyong daraanan ang mga kaklase mo, kailangan mo ng lumabas.
Tabi kayo riyan!
Makikiraan !
Alis muna kayo sa harapan ko.
Paalam po!
May kamag-anak kayong dumating mula sa probinsya. Nagkataong ikaw lamang ang nasa bahay. Paano mo sila tatanggapin?
ASino ba kayo?
Tuloy po kayo, maupo po muna kayo.
Wala rito sina inay at Tatay; bumalik na lang kayo mamaya.
Nandito na naman kayo, anong kailangan n’yo?
Hapunan na ng dumating mula sa opisina ang iyong mga magulang.
Magandang araw po!
Magandang gabi po!
Bakit ang tagal ninyong umuwi?
Marami pong salamat.
Nais mong magpasama kay Leigh Anne sa pagpunta sa National Library para gumawa ng pananaliksik. Paano mo siya ipagpaaalam sa nanay niya?
Aalis na po kami.
Pasasama ako kay Leigh Ann sa National Library.
Pupunta kami ni Leigh Anne sa National Library.
Maaari po bang magpasama kay Leigh Anne sa National Library?
Hindi mo naintindihan ang direksyong ibinigay ng guro tungkol sa paggawa ng proyekto.
Maaari po bang magtanong?
Ituro mo sa akin ang paggawa ng proyekto.
Ikaw na lang ang gumawa at hindi naiintindihan.
Patawad po!
Nakita mo ang iyong kalaro sa labas ng inyong bahay. Nais mong humingi ng pahintulot sa iyong Nanay upang makipaglaro sa kanya.
Mama, maaari po ba akong makipaglaro sa aking kaibigan sa labas?
Mama, ang aking kalaro ay nasa labas kaya lalabas na ako.
Mama, lalabas ako at makikipaglaro sa aking kaibigan
Mama, aalis lang ako sandali.
Nakita mo ang iyong kalaro sa labas ng inyong bahay. Nais mong humingi ng pahintulot sa iyong Nanay upang makipaglaro sa kanya.
Mama, maaari po ba akong makipaglaro sa aking kaibigan sa labas?
Mama, ang aking kalaro ay nasa labas kaya lalabas na ako.
Mama, lalabas ako at makikipaglaro sa aking kaibigan
Mama, aalis lang ako sandali.
Ang paggalang ay isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang indibiwal.
TAMA
MALI
Huwag insultihin o pagtawanan ang iba.
TAMA
MALI
Ang pakikitungo nang may paggalang at pagpaparaya ay hindi mabuting gawa.
TAMA
MALI
Ang mga katutubo ay isang grupo ng tao kung saan ay matagal na naninirahan sa isang lugar.
TAMA
MALI
Huwag tayong maging sensitibo sa damdamin ng iba
TAMA
MALI
May sumasayaw na katutubo sa parke, uuwi na dapat ang ate mo pero tumigil muna siya at masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo at nagbigay ng konting tulong.
Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang Mangyan na nakaupo sa parke upang magpahangin.
May dayuhan na nagtatanong ng direksyon sa mga kabatang nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng, pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang direksyon.
May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng tulong sa kakulangan sa pasilidad. Laking pasasalamat ng inyong paaralan. Kaya ang inyong seksyon ay naatasang mag presinta ng sayaw at awit para sa mga bisita.
Lagi na lang tinutukso ng iba mong mga kaklase ang hitsura ni Rollen. Dahil siya ay anak ng Negro.
Alin sa mga sumusunod ang nag papakita ng Paggalang sa mga katutubo
Pinagtatawanan dahil sa kanilang kulay
Hindi papansinin dahil sa kanilang pisikal na anyo
Pagtrato sa kanila ng pantay at tama
Alin sa mga sumusunod ang nag papakita ng Paggalang sa mga dayuhan
Igalang at Irespeto ang kanilang kaugalian
Pagtawanan ang kanilang pananalita
Hindi pag intindi sa kanilang paniniwala
Nagdiriwang ng kapiyestahan sa inyong lugar, napakaraming mga mangyan ang nanlilimos upang sila ay may makain. Hindi maganda nag kanilang pananamit at sila ay madudungis. Ano ang iyong gagawin?
Sisigawan at itataboy sila
Hindi papansinin sapagkat sila ay madungis
Bibigyan ng pagkaen at ng malinis na damit
Ang tatay mo ay kapitan ng inyong barangay. Nagkaranas ang sa inyong lugar ng matinding hagupit ng bagyo. Ang mga tulong at donasyon ay sa inyong bahay dumarating. Biglang may dumating na mga dayuhan/katutubo na naninirahan din sa inyong baranggay, sila ay humihingi ng tulong sa kanilang sinapit. Ano ang gagawin mo kahit alam hindi mong hindi mo sila kilala?
Hindi papansinin dahil hindi mo sila kilala
Bibigyan ng tulong sapagkat sila ay nangangailangan
Paaalisin mo sila
Habang ikaw at ang iyong pamilya ay namamasyal sa parke, may lumapit sa inyo na dayuhan upang mag tanong ng direksyon. Ano ang iyong gagawin?
Magbigay ng maling direksyon
Lagpasan ang dayuhan at wag pansin
Kausapin ang dayuhan at ibigay ang tamang direksyon
1. Tahimik na nag aalay ng
panalangin sa kaibigang may sakit.
TAMA
MALI
2. Maingay na isinara ang pinto
kahit alam mong may natutulog.
TAMA
MALI
3. Tumigil sa paglalaro at
pag-iingay kapag may nag papahinga.
TAMA
MALI
4. Nakikinig kapag may taong nagsasalita sa
harapan ng klase.
TAMA
MALI
5. Malakas na pinapatugtog ang
paboritong musika kahit nakikita mong
nagpapahinga ang tatay mo na pagod sa trabaho.
TAMA
MALI
6. Kinukulit ang taong may
sakit na makipaglaro sa labas.
TAMA
MALI
7. Ginigising ang magulang na
nagpapahinga upang sagutin ang tawag sa Telepono na hindi kilala.
TAMA
MALI
8. Pinagsasabihan ang mga
kaibigan na huwag maingay dahil natutulog ang nakatatandang kapatid.
TAMA
MALI
9. Lumalakad nang marahan at
tahimik sa pasilyo ng paaralan kapag may nagkaklase.
TAMA
MALI
10. Iniiwasang makagawa ng
ingay na nakagagambala sa taong nagtatalumpati sa entablado.
TAMA
MALI
Noong 2018, naiwan ng isang bakasyonista ang kanyang maleta na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng ilang libong piso. Ibinalik lahat ng bayaning gwardiya ang naiwan ng bakasyonista.
Masayahin
Katapatan
Bayanihan
Hindi nagdalawang-isip ang bata na isauli ang napulot niyang isang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera, alahas at cellphone habang naglalaro sila sa daan ng kanyang mga kaibigan. Kaagad niya itong sinabi sa kanyang mga magulang upang masamahan siya sa kina-uukulan upang mahanap ang may-ari ng bag.
Pagkamatapat
Pagkamaalalahanin
Kawanggawa o Charity
Ang pagiging matapat sa anumang gawaing nakaatang sa bawat isa sa loob ng paaralan ay dapat na ipinapakita sa lahat ng pagkakataon.
TAMA
MALI
Napapabigat ang bawat gawain kapag namamayani ang diwa ng pagkakaisa sa pangkat.
TAMA
MALI
Ang pagkamahinahon ay ang pagiging kalmado sa kabila ng nagtutunggaliang idea.
TAMA
MALI
Magkakaroon ka ng magandang pakikitungo sa iba kung ang pag-uugaling pagkamahinahon ay taglay mo.
TAMA
MALI
Maliit o malaki man ang gawain, pagkakaisa at pagiging matapat sa isat isa ang susi sa ikakatagumpay nito.
TAMA
MALI
Pagbabalik ng sobrang sukli sa tindera.
PAGKAMATAPAT
PAGKAKAISA
Nagbibigay opinyon sa kaklase para mapaganda ang gawain ng pangkat
PAGKAMATAPAT
PAGKAKAISA
Nagtutulungan ang magkakapitbahay sa pag apula ng sunog sa kanilang lugar.
PAGKAMATAPAT
PAGKAKAISA
Nagsabi ka sa nanay mo na nabasag ang baso dahil ito ay nadulas sa kamay mo.
PAGKAMATAPAT
PAGKAKAISA
Sinabi mo sa iyong guro na hindi ka nakagawa ng takdang aralin dahil ikaw ay nag alaga pa sa nakababata mong kapatid.
PAGKAMATAPAT
PAGKAKAISA
