wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REBYU- ARALIN 1 AT 2

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay mga layunin ng mga Espanyolsa kanilang pagsakop sa bansa. Piliin ang hindi kabilang sa pangkat.

a)

Katolisismo

b)

Pampalasa

c)

Kasaganaan

d)

Kapangyarihan

2.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang korido?

a)

Ito ay may lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod

b)

Tungkol ito sa salaysay ng karalitaan sa isang lipunan

c)

Ito ay nakasulat ng pasalaysay

d)

Ito ay nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod at nasa anyong patula

3.

Anong taon tinatayang nagsimula ang Ibong Adarna?

a)

1608

b)

1520

c)

1890

d)

1610

4.

Sino ang unang naghanap sa Ibong Adarna para sa kagalingan ng kanilang ama?

a)

Don Pedro

b)

Don Diego

c)

Don Juan

d)

Haring Fernando

5.

Nakapagbigay ng lunas ang manggagamot sa naging sakit ni Haring Fernando. Ano ang lunas na ito?

a)

Pagkuha ng mahiwagang dahon ng Piedras Platas

b)

Pag-awit ng Ibong Adarna

c)

Pagkuha ng gamot sa ibang kaharian

d)

Pag-aalay ng awit ng kanyang 3 anak

6.

Ano ang unang plano ni Don Juan sa kanyang pagpunta sa Kabundukan ng Tabor?

a)

Iligtas ang kanyang mga kapatid at hulihin ang Adarna

b)

Bisitahin at makita ang hiwaga ng Piedras Platas

c)

Bisitahin ang matandang ermitanyo at kumustahin

d)

Ayusin ang kubo na tahanan ng matanda

7.

Nagsimula ang Ibong Adarna sa pamamagitan ng isang panalangin. Ano ang pinatutunayan nito?

a)

Idinadalangin ang paglalakbay ng tatlong prinsipe

b)

Tinuturuan ang mga tao na manalangin

c)

Ipinakilala ang panalangin para sa isang korido

d)

Binibigyan ng halaga ang relihiyon

8.

Ang nakahuli sa Ibong Adarna ay si Don Juan, ngunit bakit si Don Pedro at Don Diego ang nagdala nito sa kaharian?

a)

Inalagaan na lamang ni Don Juan ang matandang may leproso

b)

Naging bato si Don Juan pogkatapos ng awit ng Ibong Adarna

c)

Pinagtaksilan nila si Don Juan upang maiwui ang Adarna

d)

Naging tagabantay ng Piedras Platas si Don Juan

9.

Nagkaroon ng sigasig si Don Juan sa kanyang paghuli sa Ibong Adarna. Ano ang pinatutunayan nito?

a)

Ang pagtitiyaga ay magkakaroon ng magandang bunga

b)

Walang mararating ang sigasig

c)

May kasamang pagtataksil ang sigasig

d)

Hindi kinakailangan ng sigasig ang pagtatagumpay

10.

Ano ang aral na iniiwan sa atin ng pagtulong ni Don Juan sa matandang may leproso?

a)

Ang pagtulong sa iba ay isang bagay na ginagawa lamang para sa mga matatanda

b)

Ang pagtulong ay isang bagay na hindi natin maaaring gawin sa iba

c)

Ang tinutulungan lamang ay ang mga taong maaaring

d)

Maaari tayong tumulong sa taong nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit

11.

Ang mga sumusunod ay mga isyung panlipunan na lumabas sa Aralin 1 at 2 ng Ibong Adarna, MALIBAN sa:

a)

Pagtataksil ng mga kapatid

b)

Pagsunod sa Magulang

c)

Pagmamahal sa kapangyarihan

d)

Kasakiman at Inggit

12.

Bakit itinuring ni Haring Fernando ang Ibong Adarna bilang pamilya?

a)

Nagsilbi itong lunas sa kanyang naging sakit

b)

Nagsilbi itong kaibigan ni Haring Fernando

c)

Lalong naging marahas si Haring Fernando dahil sa Ibong Adarna

d)

Nanalo ang kaharian ng Berbanya dahil sa Ibong Adarna

13.

Ano ang ginawa ng magkapatid na Don Diego at Don Pedro pagkatapos mahuli ang Ibong Adarna?

a)

Pinakain ang Ibong Adarna

b)

Pinagtaksilan si Don Juan

c)

Binigyan si Don Juan ng makakain

d)

Binigyan si Don Juan ng pantakip sa kanyang sugat sa kamay

14.

"Ako'y iyong kahabagan,

Birheng kalinis-linisan

nang akin ding matagalan

itong matarik na daan"

Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?

a)

Pagkilala sa magagawa ng Diyos sa panahon ng pagsubok

b)

Paggalang sa magulang

c)

Pagtataksil sa kapatid

d)

Pagdarasal sa Ibong Adarna

15.

Ang ginawa ng matandang ermitanyo kay Don Juan sa kanyang kahirapan ay nagpapakita ng:

a)

Pagiging makabayan

b)

Pakikipagkapwa-tao

c)

Pagiging matapat

d)

Pagiging masipag