wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik-Aral 4 - 2nd Trim

Total questions: 17

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ang pahayag sa ibaba ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon ay pumapatungkol sa __________.


“Mas gugustuhin ko pa ang pamahalaang parang impiyerno ng mga Pilipino

kaysa pamahalaang parang langit na pinatatakbo ng mga dayuhan.”


a)

pagbuo ng bayan

b)
  1. kamalayang pagsasarili

c)

pambansang pagkakakilanlan

d)
  1. pagmamahal sa wikang pambansa

2.

Pinili ng ikalawang republika ang makipag kolaborasyon sa mga Hapones upang __________.


a)
  1. maiwasan ang pagdanak ng dugo at pagbubuwis ng buhay na hindi kinakailangan

b)
  1. manatili sila sa pamahalaan dahil sila ay ganid sa pera at kapangyarihan

c)

magkaroon sila ng pagkakataon na maging mamamayang Hapones

d)
  1. maging kabahagi sila sa hatian sa kayamanan ni Heneral Yamashita

3.

 Ano ang mahalagang gampaning nagawa ng USAFFE sa Pilipinas?

a)

Pinagsanib nito ang lakas ng hukbong Amerikano at Espanyol

b)
  1. Ito ang pangkat ng mga Amerikano na nagturo sa mga Pilipino na pamahalaan ang 

    kanilang sarili 

c)

 Pinagsama nito ang pwersa ng hukbong Pilipino at Amerikanong lumaban sa puwersa ng 

    mga Hapones

d)

Ito ang puwersang tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano upang hindi 

     mapasok ng mga Hapones ang Corregidor


4.

 Bakit tinawag na Death March ang parusang ipinataw sa mga sundalong Amerikano at Pilipino na sumuko sa Bataan?


a)
  1. Dahil ang mga sundalong sumuko ay pinatay nang sila ay nakarating ng Capas, Tarlac.

b)

Dahil ang paglalakad na ginawa ng mga sundalo ay naganap sa buwan ng Marso. 

c)
  1. Dahil walang awang pinalakad ng mga Hapones ang mga bihag at ang iba ay namatay at pinapatay habang nasa daan. 

d)
  1. Dahil pinagbantaang papatayin ang mga sundalong bihag kapag hindi sila naglakad.

5.
  1. Ano ang tunay na layunin ng mga Hapones sa pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere?

a)
  1. Upang mapadali ang pagpunta ng mga Hapones sa iba’t ibang panig ng Asya

b)
  1. Upang maipakita sa mga bansang kanluranin ang kanilang husay sa pakikipagdigma

c)
  1. Upang hikayatin ang mga Asyanong bansa na makipagkalakalan lamang sa kanila

d)
  1. Upang pamunuan at sakupin ang mga bansang Asyano 

6.

Bakit nagpatupad kaagad ng Pamahalaang Militar ang mga Amerikano sa unang araw ng kanilang pananakop sa Pilipinas?

a)
  1. Upang madaling mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas

b)
  1. Upang mapalakas ang puwersa ng mga rebeldeng Pilipino

c)
  1. Upang maalis ang takot ng mga Pilipino sa mga Amerikano

d)
  1. Upang matigil ang mga rebelyon at damdaming makabansa ng mga Pilipino

7.
  1. Bakit idineklara ni Heneral MacArthur na “Open City” ang Maynila?

a)
  1. Upang mapadali ang pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas

b)
  1. Upang maging hudyat ng pagsuko ng puwersang Amerikano sa mga Hapones

c)
  1. Upang hindi na madagdagan pa ang pinsala dulot ng mga pagpapasabog ng mga Hapones

d)
  1. Upang maipakita ng mga taga-Maynila ang kanilang mapayapang pagtanggap sa mga Hapones

8.

Ito ang batas na sapilitang nagpalipat sa mga Pilipino sa mga kampo militar upang matigil ang 

    pagsuporta ng mga tao sa mga rebolusyonaryong patuloy na lumalaban sa mga Amerikano. 


a)

Sedition Law ng 1901 


b)

 Brigandage Act ng 1902


c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Flag Law ng 1907


9.

Bakit si dating Pangulong Ramon F. Magsaysay ang nakahikayat kay Luis Taruc 

      ng Huk na sumuko at hindi si dating Pangulong Elpidio Quirino?


a)
  1. mas nakapagpakita ng sinsiredad ang administrasyong Magsaysay at dati ring siyang gerilya

b)
  1. mas malaki ang perang inalok ng administrasyong Magsaysay kaysa sa inialok ng administrasyong Garcia

c)
  1. dahil sa alok na posisyon sa pamahalaan ni dating Pangulong Magsaysay na hindi ginawa ni dating Pangulong Garcia

d)
  1. ginamitan ng wikang Filipino ni dating Pangulong Magsaysay ang mga rebeldeng Huk na kabaligtaran naman sa paggamit ng wikang Ingles ni dating Pangulong Garcia


10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng mahalagang aral mula sa liberasyon ng Pilipinas na pinangunahan ni Hen. Douglas MacArthur?


a)
  1. Tutuparin ang sinabi lalo kung ito ay isang pangako.

b)
  1. Aatras /uurong sa labanan kung kinakailangan.

c)
  1. Paaasahin ang isang kaibigan at uunahin ang ibang tao.

d)
  1. Pipiliin lamang ang mga taong ililigtas o tutulungan.  


11.

Ano ang mahihinuha mula sa naging labanan para sa liberasyon ng Pilipinas?


a)
  1. Wala sa laki ng barkong pandigma ang tagumpay isang digmaan.

b)
  1. Nasa laki ng mga kanyon ang lakas at tagumpay ng isang barkong pandigma.

c)
  1. Kinakailangan ng bilis upang mas madaling matalo ang kalaban.

d)
  1. Mas epektibo ang mga sasakyang panghimpapawid kaysa sa mga barkong pandigma


12.

Ano ang pagkakatulad ng mga programang ipinatupad nina Pangulong Roxas at Quirino sa pagtugon sa mga suliranin ng bansa pagkatapos ng digmaan?

a)

Pareho silang nagtayo ng paaralan sa probinsya

b)

Pareho silang nagpatatag ng ekonomiya ng bansa.

c)

Pareho silang nagpatupad ng tulong para sa mahihirap.

d)

Pareho silang tumulong sa pagtaguyod ng lokal na produkto.

13.

Paano maisasabuhay ng mga mamamayan ngayon ang layunin ng Filipino First Policy ni Pangulong Garcia?

a)

Sa pagbili ng mga produktong gawa sa ibang bansa.

b)

Sa pag-angkat ng mas maraming kalakal mula sa ibang bansa.

c)

Sa pagpapalakas ng mga lokal na negosyo at produkto.

d)

Sa pag-alis ng mga patakaran para sa mga Pilipinong negosyante.

14.

Paano naging pareho ang Bell Trade Act sa ilang kasalukuyang kasunduan o programa ng Pilipinas sa ibang bansa?

a)

Parehong tinutulan ng mga tao kahit nakatulong ito sa lahat.

b)

Parehong nagpapakita ng pag-asa ng bansa sa tulong ng mga dayuhan.

c)

Parehong gustong tulungan ang lokal na industriya laban sa mga dayuhan.

d)

Parehong nagbibigay kalayaan sa bansa mula sa impluwensya ng ibang bansa.

15.

Kung si Manuel Roxas ay kilala bilang Pro-American, sino ang tinatawag na Kampeon Masa?

a)

Carlos P. Garcia

b)

Ramon Magsaysay

c)

Jose P. Laurel

d)

Elpidio Quirino

16.

Ano ang tamang maipapayo sa mga susunod na lider ng bansa upang maging tunay na malaya ang Pilipinas mula sa natutunan sa WWII?

a)

Maging sunud-sunuran.

b)

Magpokus sa kapakanan ng sariling bansa at mamamayan.

c)

Iwanan ang pamahalaan at huwag ng pangasiwaan.

d)

Magbigay ng kapangyarihan sa mga dayuhan para sila ang magdesisyon.

17.

Ano ang pangunahing layunin ng Filipino First Policy?

a)

Tumulong sa mga dayuhang negosyante.

b)

Bigyan ng trabaho ang lahat ng tao.

c)

Ipagbawal ang lahat ng banyaga sa bansa.

d)

Bigyang prayoridad ang mga Pilipino sa ekonomiya.