NEW
Font size
WorksheetsGAWAIN: SUBUKIN ANG SARILI
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Tumutukoy ito sa isang gawain na ang pangunahing layunin ay kumita at mapalago ang puhunang salapi.
A. Pag-aaral
B. Pagnenegosyo
C. Pagpapahalaga
D. Pakikipag-ugnayan
NEXT
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral kaugnay sa pagnenegosyo?
A. Makatutulong ang pag-aaral upang mapaunlad ang negosyo.
B. Makapagbibigay ang pag-aaral ng sapat na kaalaman sa pagnenegosyo.
C. Makatutulong ang pag-aaral upang mapaunlad pa ang nasimulang negosyo.
D. Lahat ng nabanggit.
NEXT
3. Sa mga sumusunod, sino sa iyong palagay ang magtatagumpay sa pagnenegosyo?
A. Si Rico na nakapagtapos ng kolehiyo ngunit hindi ginamit ang kanyang kursong natapos.
B. Si Elaine na nakatapos ng kursong Business Management at kasalukuyang nagmamay-ari ng isang restawran.
C. Si Madrid na kasosyo sa isang bagong bukas na hardware store subalit walang sapat na kaalaman dito pero pilit na inaaral ang pag-nenegosyo.
D. Si Raquel na matalino ngunit hindi nakapag-aral bunga ng kaniyang kapansanan.
NEXT
4. Alin sa mga sumusunod ang wastong paglalarawan sa career plan?
A. Ito ay ang pag-iisip kung ano ang iyong magiging trabaho sa hinaharap.
B. Ito ay ang masusing pagpaplano ng iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap.
C. Ito ay ang pagsunod sa plano ng iyong mga magulang patungkol sa iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap.
D. Ito ay ang masusing pagpaplano ng iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap na may pagsasaalang-alang sa mga personal na salik sa pag-unlad.
NEXT
5. Piliin mula sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pagpaplano ng iyong karera?
A. Kilalanin ang iyong sarili.
B. Alamin ang iyong mga kasanayan.
C. Magtalaga ng takdang panahon sa pagkamit nito.
D. Makisabay sa pagpaplano ng iyong mga kaibigan.
NEXT
Ang pahayag na “Mahalagang papel ang ginagampanan ng edukasyon sa pagtatagumpay” ay _______
A. Tama, dahil lahat ng nakapagtapos ng pag-aaral ay nagtatagumpay.
B. Mali, dahil lahat ng nakapagtapos ng pag-aaral ay nagtatagumpay.
C. Tama, dahil ang edukasyon ang ating susi sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay.
D. Mali, dahil ang edukasyon ay para lamang sa mga nakaaangat sa buhay at hindi para sa mahihirap.
NEXT
7. Piliin mula sa mga pahayag ang pinakawastong paglalarawan sa career path?
A. Ito ay ang paghahanda para sa kinabukasan.
B. Ito ay ang pagsusuri kung ang mga propesyon ay tugma sa iyong minimithi.
C. Ito ay ang paghahanda para sa mga trabahong hindi pa nalilikha at teknolohiyang hindi pa naiimbento.
D. Tumutukoy sa pagsasanay, pag-aaral, posisyon, at mga paghahanda na ating pagdaraanan upang matamo ang ating nais na uri ng pamumuhay o career goal.
NEXT
8. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa career planning?
A. Ito ay ang masusing pagpili ng karera na iyong tatahakin sa hinaharap.
B. Ito ay ang pagsasaalang-alang ng mga interes, mga kasanayan, at mga gustong makamit sa hinaharap.
C. Ito ay ang pagpaplano ng karera na isang proseso na makatutulong at makapagbibigay-gabay sa pagpili ng karera at trabahong papasukan.
D. Lahat ng nabanggit
NEXT
9. Alin sa mga sumusunod na hakbang o proseso ang unang dapat na gawin sa pagsasagawa ng career plan?
A. Pagkilala sa iyong sarili
B. Pagbuo ng mga desisyon
C. Pagkilos tungo sa katuparan ng plano
D. Paghahanap ng trabahong kinagigiliwan mo
NEXT
10. Tukuyin ang hakbang na kinabibilangan ng paghahambing ng iyong mga pagpipilian, pagbabawas ng iyong pagpipilian, at pag-iisip tungkol sa kung ano ang nababagay sa iyo.
A. Pagkilala sa iyong sarili.
B. Pagbuo ng mga desisyon.
C. Pagkilos tungo sa katuparan ng plano
D. Paghahanap ng trabahong kinagigiliwan mo.
NEXT
