wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino: Wika at Panitikan

Total questions: 100

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay katipunan ng mga akdang nasusulat sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag.

a)

salawikain

b)

karunungang-  bayan

c)

panitikan

d)

sawikain

2.

Mayaman ang panitikan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Anong yugto ng panahon ito?

a)

PANAHON NG HAPON

b)

PANAHON NG AMERIKANO

c)

PANAHON NG KASTILA

d)

BAGO DUMATING ANG KASTILA

3.

Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, _____________________at kawalang-maliw. Webster (1947:557)

a)

pandaigdigang kalinangan

b)

pandaigdigang kaisipan

c)

pandaigdigang karunungan

d)

pandaigdigang kaalaman

4.

Isang uri ng panitikang tuluyan na ang karaniwang paksa ay pagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

a)

Alamat

b)

Epiko    

c)

Kwentong bayan

d)

Awiting bayan

5.

Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli, may sukat at tugma at nangangailangan ng mabilis na kasagutan.

a)

bulong

b)

palaisipan

c)

salawikain

d)

bugtong

6.

Panitikang nagpasalin-salin sa mga Pilipino na nagsisilbing gabay o panuntunan sa buhay ng mga tao.

a)

kwentong bayan

b)

epiko

c)

karunungang bayan

d)

alamat

7.

Kuwento na ang mga tauhan ay mga nagsasalitang hayop.

a)

alamat

b)

parabula

c)

pabula

d)

epiko

8.

Isang uri ng panitikan na may sukat at tugma at gumagamit ng mga talinhaga at tayutay

a)

tula

b)

maikling kwento

c)

sanaysay

d)

dula

9.

Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang bayani ng isang bayan.

a)

alamat

b)

epiko

c)

kuwentong bayan

d)

komiks

10.

Isang uri ng panitikang itinatanghal sa entablado o tanghalan

a)

tula

b)

dula

c)

maikling kwento

d)

nobela

11.

Mga kuwento mula sa Bibliya na nagbibigay ng aral.

a)

nobela

b)

pabula

c)

parabula

d)

epiko

12.

Nakapaloob dito ang kasaysayan, kaugalian, pag-uugali at uri ng pamumuhay ng tao sa isang tiyak na lugar o bayan

a)

kultura

b)

wika

c)

kabihasnan

d)

panitkan

13.

Isang uri ng akdang tuluyan na nahahati ang mga pangyayari sa bawat kabanata.

a)

maikling kuwento

b)

nobela

c)

talumpati

d)

debate

14.

Isang uri ng tulang pasalaysay na may walong pantig sa bawat taludtod. Isang halimbawa nito ay ang Ibong Adarna

a)

awit

b)

korido

c)

soneto

d)

elehiya

15.

Sang-ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito ay nasusulat na talang naisulat na tungkol sa pinakamabuting karanasan ng tao.

a)

panitikan

b)

wika

c)

kultura

d)

kasaysayan

16.

Panitikang nagpasalin-salin sa mga Pilipino na nagsisilbing gabay o panuntunan sa buhay ng mga tao.

a)

kwentong bayan

b)

epiko

c)

karunungang bayan

d)

alamat

17.

. Ano ang kahulugan ng sawikaing “ Ang taong matiisin, nakakamit ang mithiin?”

a)

Ang taong umaasa sa iba ay nagtatagumpay.

b)

Ang taong nagpupursige ay magtatagumpay.

c)

Ang taong marunong magtipid ay makakaipon.

d)

Ang taong matalino ay maabot ang mitihiin.

18.

“Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.” Ang mga pahayag naito ay nagsasaad ng ______.

a)

Kapangitan ng buhay

b)

  Kalungkutan ang mabuhay

c)

         Kagandahan ng buhay

d)

          Paghihikahos sa buhay

19.

Ano ang pinapakahulugan ng salawikaing “Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag–iisa”? 

a)

pagkakaisa

b)

pagsisikap

c)

pagtitiis

d)

pagtutulungan

20.

Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo.

a)

Tibag    

b)

Komedya/Moro-moro

c)

Senakulo

d)

Karilyo

21.

Sino ang may akda ng mga kilalang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo?

a)

Dr. Jose Rizal

b)

Francisco Baltazar

c)

Marcelo H. Del Pilar

d)

Andres Bonifacio

22.

Ang aklat na ito ay naglalaman ng  talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot sa relihiyon.

a)

Nuestra Señora del Rosario

b)

Barlaan at Josaphat

c)

Urbana at Feliza

d)

Doctrina Cristiana

23.

Ito ay uri ng tulang liriko na may labing-apat na taludtod.

a)

Awit

b)

Elehiya

c)

Soneto

d)

Oda

24.

Alin sa mga sumusunod na akda ang hindi nabibilang sa Nobela.

a)

Banaag at Sikat

b)

Urbana at Feliza

c)

Noli me Tangere

d)

Mabangis na Lunsod

25.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Epiko ng mga Bisaya?

a)

Ibalon

b)

Maragtas

c)

Hari sa Bukid

d)

Hinilawod

26.

Ang Epiko na ito ay tungkol sa kalinangan ng mga Ifugao at buhay ng kanilang bayaning si Aliguyon.

a)

Hudhud

b)

Alim

c)

Dagoy at Sudsud

d)

Lagda

27.

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

a)

A. Tradisyunal

b)

B. Berso Blangko

c)

       C. Malayang taludturan

d)

D. Walang sukat at tugma

28.

Ano ang tawag sa linya ng isang tula?

a)

A.   Sukat

b)

B.     Saknong

c)

C.    Tugma

d)

D. Taludtod

29.

Ang _______ ay ang paggamit ng angkop, malinaw at masining na pananalitang lumilikha ng mga imahen o larawang-diwa sa isip ng mga mambabasa at nagpapadanas sa kanila ng pagiging totoo ng tula.

a)

     A. Tugma

b)

     B. Haraya

c)

C. Talinghaga

d)

D. Taludtod

30.

Ito ay mga larawang-kuwentong sumasalamin sa mga kasalukuyang isyung panlipunan. Ano ang tawag dito?

a)

A. Tabloid

b)

B. Komiks

c)

C. Magasins

d)

D. Kontemporaryong dagli

31.

Ito ay uri ng balita batay sa ibinigay na paksa o assignment na isusulat tulad ng pagdiriwang o paggunita sa mga Bayani.

a)

A.    Balitang ‘di inaasahan

b)

B.    Paunang Balita

c)

C.    Balitang itinalaga

d)

D.    Balitang Panubaybay

32.

Ito ang dalawang pangunahing istasyon sa radyo.

a)

A. AM at PM

b)

B. AM at FM

c)

C. H & M

d)

D. radyo at telebisyon

33.

Ito ay isang programang naglalahad ng katotohanan at impormasyon, maaaring isyu tungkol sa lipunan, politikal o historikal.

a)

             A. Radio Broadcasting

b)

             B. Dulaang panradyo

c)

             C. Dokumentaryong panradyo

d)

             D. Iskrip

34.

11.Ito ay programang pantelebisyon o pelikula na naglalahad ng totoong impormasyon tungkol sa mahahalagang paksa o isyung may kinalaman sa politika , kasaysayan at suliraning panlipunan.

a)

komentaryo

b)

dokumentaryo

c)

pelikula

d)

talkshow

35.

12.Elemento ito ng pelikula na tumutukoy sa pagkuha ng wastong anggulo sa tulong ng tamang timpla ng ilaw at kuha ng kamera.

a)

sequence script

b)

pag-eedit

c)

sinematograpiya

d)

pagdidirehe

36.

5. Isang uri ng elemento ng pelikula na ang pangunahing kosentrasyon ay ang pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

a)

pananaliksik

b)

disenyong pamproduksyon

c)

pag-eedit

d)

pagdidirehe

37.

Ito'y tumutukoy sa uri ng panitikang moderno o

makabago.Kilala ang panitikang ito sapagkat sumasalamin sa pamumuhay ng Pilipino sa lipunan.

a)

kontemporaryong panitikan

b)

popular na panitikan

c)

tradisyunal

d)

kasalukuyang panitikan

38.

2. Uri ng panitikan na nilikha para sa masa.


a)

katutubong panitikan

b)

broadcast media

c)

aklat

d)

popular na panitikan

39.

Panuto: Basahin at piliin ang pinakatamang sagot sa bawat bilang.


1. Ito ay isang grapikong midyum na nagsasalaysay gamit ang lobo ng usapan at makukulay na larawan.

a)

tabloid

b)

komiks

c)

magasin

d)

broadsheet

40.

Alin sa mga ito ang dalawang uri ng pahayagan?

a)

Liwayway

b)

Tabloid

c)

Broadsheet

d)

Pugad Baboy

41.

Ang mass media ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan.

(Piliin ang dalawang uri ng mass media).

a)

Komiks

b)

Radyo

c)

Pelikula

d)

Telebisyon

42.

Musika’t balita ay napapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa!

a)

Telebisyon

b)

Radyo

c)

Internet

d)

Pelikula

43.

Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-Fb, Twitter, o magsaliksik pa.

a)
b)
c)
d)
44.

Alin sa mga ito ang magasin na pangkababaihan (tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan at kagandahan) at pangkalalakihan (tungkol sa mga isyu ng kalusugan, pisikal, at mental)?

a)

Men's Health

b)

Liwayway

c)

Cosmopolitan

d)

Entrepreneur

45.

Sino ang nagtangkang patayin si Florante sa kanilang dula-dulaan?

a)

Antenor

b)

Adolfo

c)

Menadro

d)

Menalipo

46.

Saang digmaan unang pinadala si Florante sa kaniyang pagbabalik sa Albanya

a)

Turkiya

b)

Krotona

c)

Albanya

d)

Persiya

47.

Ano ang nangyari kina Flerida at Aladin sa pagtatapos ng kuwento?

a)

Naging Kristiyano at bumalik sa Persya

b)

Naging Kristiyano at nanatili sa Albanya

c)

Nagbalik sa Persya bilang Moro

d)

Nagpunta sa ibang bayan para magsimula

48.

Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca;

Kasintahan ni Laura

a)

Aladin

b)

Menandro

c)

Florante

d)

Konde Adolfo

49.

magandang anak ni Haring Linseo;

Kasintahan ni Florante

a)

Flerida

b)

Laura

c)

Prinsesa Floresca

d)

Selya

50.

gererong Moro at prinsipe ng Persiya;

anak ni Sultan Ali-Adab;

kasintahan ni Flerida

a)

Aladin

b)

Antenor

c)

Sultan Ali-Adab

d)

Heneral Osmalik

51.

kasintahan ni Aladin;

niligtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo

a)

Selya

b)

Flerida

c)

Laura

d)

Prinsesa Floresca

52.

taksil at kalaban ni Florante;

Umagaw kay Laura

a)

Aladin

b)

Antenor

c)

Aldolfo

d)

Ali-Adab

53.

ama ni Florante;

asawa ni Prinsesa Floresca;

kaibigan at tagapayo ni Haring Linseo

a)

Duke Briseo

b)

Haring Linseo

c)

Konde Adolfo

d)

Antenor

54.

tapat at matalik na kaibigan ni Florante;

kaklase ni Florante sa Atenas

a)

Florante

b)

Heneral Osmalik

c)

Antenor

d)

Menandro

55.

ama ni Laura;

makatarungan at mabuting hari ng Albanya

a)

Duke Briseo

b)

Haring Linseo

c)

Konde Adolfo

d)

Sultan Ali-Adab

56.

Ano ang pinakadahilan na siyang nagpapalakas ng loob kay Florante na lumaban sa mga Muslim o mananakop sa kanilang bayan?

a)

pangungulila sa ina

b)

karangalan ng ama

c)

pagmamahal kay Laura

d)

kagustuhang maging hari

57.

Si Anna ay naglalaro ng sipa sa bakuran.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Katatapos

58.

Naghugas ng pinggan si Ben sa bahay ng kanyang lola.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Katatapos

59.

Bukas nalang tayo bibisita sa kaibigan nating nasa ospital.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Katatapos

60.

Papagalitan ni Myca si Brenda bukas dahil nalimutan niyang ibalik ang kurtinang ipinalaba nito.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Katatapos

61.

Binilhan ako ng bagong damit ng aking nanay dahil sa mataas na iskor ko sa aming pagsusulit.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Katatapos

62.

_____________ ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka noong nakaraang buwan.

a)

Nagbigay

b)

Nagbibigay

c)

Magbibigay

d)

Binigyan

63.

Palaging _____________ ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim.

a)

hinihikayat

b)

hinikayat

c)

hihikayatin

d)

manghihikayat

64.

___________ ang mga tao ng magandang panahon sa susunod na araw. Nanalangin sila na bumuti na ang lagay ng panahon.

a)

Umasa

b)

Aasa

c)

Umaasa

d)

Aasahan

65.

Bukas ay ____________ ng pag-aalay para sa intensyong ito.

a)

nagdaos

b)

magdaraos

c)

nagdadaos

d)

idinaos

66.

Alin ang tumutukoy sa aspektong tapos nang gawin?

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Pawatas

67.

Alin ang pandiwang nasa aspektong imperpektibo?

a)

sinulatan

b)

binabayaran

c)

aayusin

d)

pinaunlad

68.
  1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
a)

patulad

b)

di-patulad

69.

Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.

a)

di-patulad

b)

patulad

70.

Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.

a)

patulad

b)

di-patulad

71.

Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

a)

patulad

b)

di-patulad

72.

Ang salitang "meron" ay maihahanay sa mga salitang _______________.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

e)

Kolokyal

73.

Ang salitang "bongga" ay maihahanay sa mga salitang _______________.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

e)

Kolokyal

74.

Ang salitang "kabagang" ay maihahanay sa mga salitang _______________.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

e)

Kolokyal

75.

Ang salitang "ambot" ay maihahanay sa mga salitang _______________.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

e)

Kolokyal

76.

Ang salitang "hangin" ay maihahanay sa mga salitang _______________.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

e)

Kolokyal

77.

Ang salitang "tas" ay maihahanay sa mga salitang _______________.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

e)

Kolokyal

78.
Napakaganda ng mga banderitas sa mga daan tuwing Pista ng Senyor Sto. Nino!
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
79.
Magandang asal ang paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa iyo.
a)
lantay
b)
pahambing
c)
pasukdol
80.

Isang uri ng komunikatibong pagpapahayag na nagpapahiwatig ng pagdududa o pangamba. Tumutukoy sa walang-katiyakan.

a)

Pag-aalinlangan

b)

Pagtanggi

c)

Pagbibigay-babala

d)

Pagbibigay-anunsiyo

81.

Ang komunikatibong pagpapahayag na ito ay nagpapahiwatig ng di pagkakaroon ng katuparan sa mithiin sanhi ng maling desisyon o kuro.

a)

panghihinayang

b)

pagtanggap

c)

pagtanggi

d)

pagbibigay-babala

82.

Taos-puso kong tinatanggap ang inyong mga ipinayo. Ang may salungguhit sa pahayag ay isang uri ng komunikatibong pagpapahayag na _______________________.

a)

pagtanggi

b)

pagtanggap

c)

pagbibigay-anunsiyo

d)

pag-aalinlangan

83.

Palibhasa nag - iisang anak kaya't sunod ang lahat ng kanyang layaw.

a)

Paglalahad

b)

Paglalarawan

c)

Pagsasalaysay

d)

Pangangatwiran

84.

Hindi ako naniniwala na ang pagpapakawala lang ng tubig sa dam ang naging dahilan ng pagbaha. Sa tingin ko ay marami pang ibang dahilan.

a)

Paglalahad

b)

Pangangatwiran

c)

Pagsasalaysay

d)

Paglalarawan

85.

Paksa: Panliligaw Noon at Ngayon


Noon, ang paraan ng panliligaw ay hinaharana ang kanyang nais na ibigin kaysa sa ngayon, ang mga kabataan ay gumagamit ng teknolohiya at doon nanliligaw ang ibang kabataan.

a)

Pag-iisa-isa

b)

Paghahambing

c)

Pagsusuri

d)

Sanhi at Bunga

e)

Pagbibigay ng Halimbawa

86.

Paksa: Curfew para sa mga Kabataan


Hindi dapat lumalabag ang mga kabataan sa curfew dahil ito ay hindi maganda at maaaring makapahamak sa atin.

a)

Pag-iisa-isa

b)

Paghahambing

c)

Pagsusuri

d)

Sanhi at Bunga

e)

Pagbibigay ng Halimbawa

87.

Paksa: Pagiging Masunurin sa Magulang


Pagiging masunurin sa magulang ay paunlarin at panatilihin, tiyak na matutuwa sila sa atin.

a)

Pag-iisa-isa

b)

Paghahambing

c)

Pagsusuri

d)

Sanhi at Bunga

e)

Pagbibigay ng Halimbawa

88.

Paksa: Respeto sa Nakakatanda


Magandang pag-uugali ang pagrespeto sa nakakatanda at s kapwa, halimbawa mng paggamit ng po at opo sa pakikipagusap kung ito man ay matanda o bata upang maipakita ang pagrespeto sa kanila.

a)

Pag-iisa-isa

b)

Paghahambing

c)

Pagsusuri

d)

Sanhi at Bunga

e)

Pagbibigay ng Halimbawa

89.

Ano ang tawag sa pasisiwalat ng tao ng kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng kanyang mga nalalaman.

a)

Sanaysay

b)

Pagpapahayag

c)

Pagpapahiwatig

d)

Pakikipagtalastasan

90.

Ano-ano ang mga katangian sa pagsulat ng isang sanaysay?

a)

Malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin

b)

Pagpapaliwanag sa kahulugan

c)

Malinaw at maayos na pagpapahayag

d)

Lahat ng nabanggit

91.

Panuto: Tukuyin kung anong gamit ang mga salitang nakasalungguhit sa loob ng mga taludtod.


Papangitiin mo ang iyong labi sa bawat oras

Gamitin mo ang iyong bibig sa pakikipagtalastasan.

Pigilin mo ang bunganga sa katakawan.

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

c)

Magkasingkahulugan

d)

Wala sa Nabanggit

92.

Panuto: Tukuyin kung anong gamit ang mga salitang nakasalungguhit sa loob ng mga taludtod.


Puting kalapati, maglibot ka sa mundo.

Maglakbay ka hanggang sa makakaya

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

c)

Magkasalungat

d)

Wala sa nabanggit

93.

Panuto: Tukuyin kung anong gamit ang mga salitang nakasalungguhit sa loob ng mga taludtod.


Maririkit at mababangong bulaklak sa parang

Ito ang nais ng magagandang bulaklak sa aming bayan.

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

c)

Magkasingkahulugan

d)

Wala sa Nabanggit

94.

Ito ay isang instrumento na ginagamit upang ipalaganap ang mga isyung panlipunan. Ito ang pinakamadaling maabot na anyo ng media.

a)

Dyaryo

b)

Pahayagan

c)

Radyo

d)

Telebisyon

95.

Termino sa Radyo:

Ito ang tawag sa taong namamahala sa isang programa sa isang AM Station.

a)

DJ

b)

FM Station

c)

AM Station

d)

Komentarista

96.

Isang midyum upang maipalaganap ang kamalayang panlipunan.

a)

Tabloid

b)

Dokumentaryong Pantelebisyon

c)

Dokumentaryong Panradyo

d)

Komentaryong Panradyo

97.

Ito ay isa sa mga paraan upang maipahayag ang opinyon at saloobin na may kaugnayan sa isang napapanahong isyu na napiling talakayin at bigyang-pansin.

a)

Tabloid

b)

Dokumentaryong Pantelebisyon

c)

Dokumentaryong Panradyo

d)

Komentaryong Panradyo

98.

Tamang pag uugali na maaring gawin ng isang tao habang siya ay gumagamit sa mundo ng online o internet.

a)

netiquette

b)

etiquette

c)

politeness

d)

responsibilty

99.

Internasyunal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga indibidwal na nasa iba’t ibang panig ng mundo

a)

WEBSITE

b)

WORLD WIDE WEB

c)

WIKIPEDIA

d)

INTERNET

100.

Isang maliit na komunidad o village ang ating mundo dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya

a)

VILLAGE PIPOL

b)

GLOBAL WORLD

c)

INTERNET

d)

GLOBAL VILLAGE