wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino (3rd QA)

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa pag-aaral ng pinagmulan ng isang salita?

a)

Etimolohiya

b)

Salitang-ugat

c)

Pang-abay

d)

Paglalapi

2.

Nangangamba akong mapabayaan nila ang proyekto. Ano ang kasingkahulugan sa salitang nangangamba?

a)

Nag-aalala

b)

Natatakot

c)

Kinakabahan

d)

Nagtitiwala

3.

Siya ay isang ____talino na estudyante dito sa paaralan.

a)

Napaka-

b)

Pinaka-

c)

Pagka-

d)

Hari ng-

4.

Binigyan ni Aling Sindy ang kanyang anak ng pera para sa matrikula nito ngunit hindi niya alam na ito'y winaldas kasama ang kanyang mga kaibigan. Ano ang kasingkahulugan sa salitang winaldas?

a)

Nilustay

b)

Tinago

c)

Binayad

d)

Matipid

5.

Bahag ang buntot ng mga taong saksi sa pagpatay. Ano ang ibig sabihin sa bahag ang buntot?

a)

Bulag

b)

Maingat

c)

Takot

d)

Tahimik

6.

”Ama nagkasala ako sa laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi ako karapat-dapat tawaging anak mo” Ang tono ng nagsasalita ay nagsasad ng _______

a)

Pangungulila

b)

Pagsisisi ng kasalanan

c)

Kalangkutan

d)

Kasayahan

7.

Kilala si Kandenilya sa kanilang kaharian dahil sa kabusilakan ng kanyang loob at taglay na kagandahan. Maraming binata ang naghahangad na masungkit ang damdamin ng dalaga na naging dahilan ng inggit ng kapatid nitong si Kardanya. Ipinadakip niya ang sariling kapatid at ipinatapon sa lupain ng kamatayan. Doon dinanas ni Kandenilya ang paghihirap at pangungulila sa pamilya. Ano ang tunggalian sa pangyayari na ito?

a)

Tao vs Tao

b)

Tao vs Sarili

c)

Tao vs Kalikasan

d)

Tao vs Lipunan

8.

Ano ang ibig sabihin ng samakatuwid?

a)

Kaya

b)

Dahil

c)

Kapag

d)

Upang

9.

Alin sa mga salita ang HINDI nagpapasidhi ng damdamin?

a)

Pagkasaya-saya

b)

Sugod!

c)

Magtatanong

d)

Mapagmalasakit

10.

Ang templo ni Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang ikasampung siglo. Ano ang uri ng pang-abay ginagamit?

a)

Panlunan

b)

Pamanahon

c)

Ingklitik

d)

Pang-agam

11.

Dahil sa Indian Railways ay nagbibigyang-hanapbuhay ang maraming tao sa India.

a)

Kawsatibo

b)

Benepaktibo

c)

Ingklitik

d)

Pang-agam

12.

Sino ang diyos ng araw?

a)

Shamash

b)

Anu

c)

Ninsun

d)

Aruru

13.

Sino ang primitibong tao, hindi sibilisado, nababalot ng buhok, kasundo ng mababangis na hayop?

a)

Enkidu

b)

Ea

c)

Humbaba

d)

Urshanabi

14.

Sino ang hari ng Uruk?

a)

Gilgamesh

b)

Utnapishtim

c)

Humbaba

d)

Ishtar

15.

Ano ang lantay ng salitang mahusay?

a)

Mahusay

b)

Di hamak na mahusay

c)

Pinakamahusay

d)

Magkasinghusay

16.

Ano ang HINDI gumamit ng kayarian ng salita?

a)

Tinapos

b)

Gabi-gabi

c)

Mahusay na mahusay

d)

Bahay-kubo

17.

Walang kapatawaran ang ginawa ng kanyang kapatid. Ano ang kayarian ng salita ginagamit?

a)

Payak

b)

Inuulit

c)

Tambalan

d)

Maylapi

18.

Ang paglilider mo’y namumukod-tangi pulos halimbawa’t walang talumpati. Ano ang kahulugan ng salitang nakadiin?

a)

Sa gawa pinapakita ‘di sa pangakong binitawan

b)

Makatao siya at kapayapaan ang hangad

c)

Mapagmataas minsan mapagkumbaba

d)

Mabait at masipag sa kanyang mga ginagawa

19.

Totoo ang ______ niya ngayon, nararamdaman ko. Ano ang angkop na salita na maaaring mo gamitin sa pangungusap?

a)

Sabi

b)

Sinabi

c)

Sabi-sabi

d)

Pinagsabihan

20.

Ang mga bumabasa ng horoscope ay totoong nakapagsasabi ng mga darating na pangyayari sa buhay ng isang tao.

a)

Makatotohanan

b)

Di-makatotohanan