wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino

Total questions: 23

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

llan sa dapat isaalang-alang sa pagpiling paksa

(a)  

2.

  1. Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, nailbang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.



(a)  

3.

  1. Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.



(a)  

4.

  1. Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng manunulat.



(a)  

5.

  1. Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.



(a)  

6.

  1. Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.



(a)  

7.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

(a)  

8.

  1. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.



(a)  

9.

  1. Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahatng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.



(a)  

10.

  1. - Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.



(a)  

11.

  1. Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha
    ng isang salaysay.



(a)  

12.

  1. Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.



(a)  

13.

  1. Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.



(a)  

14.

MGA URI NG PAGSASALAYSAY

(a)  

15.

  1. Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.



(a)  

16.

  1. Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.



(a)  

17.

  1. Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.



(a)  

18.

  1. Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.



(a)  

19.

  1. Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari



(a)  

20.

  1. Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.



(a)  

21.

  1. "Tala ng buhay" ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas.



(a)  

22.

  1. Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang
    tao, pook o bansa.



(a)  

23.

  1. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.



(a)