wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 3- SHORT QUIZ

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

1.    Alin sa mga Kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagiging magalang?

a)

A.    Pagbibigay puna

b)

B. Pagmamano sa kamay

c)

C. Pagsasabi ng totoo

d)

D. Pagbahagi ng mga pagkain

2.
  1. 2. Karaniwang ginagamit ang “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa ___________.

a)

A.    Kapwa bata

b)

B.sa mga nakakatanda

c)

C.  sa mga batang lansangan

d)

D.  sa mga nakakabata sa iyo

 

3.

3.  Ano ang dapat gawin pagdating sa bahay mula sa paaralan?

a)

A.    Nagmamano

b)

B.    Sumasaludo

c)

C.   Nakikipagkamay

d)

D.   Nagliligpit ng gamit

4.
  1. 4.Ang pagsasabi ng “maaari po ba” at “ salamat po” ay nagpapakita ng _________.

 

a)

A.    Pagkamatipid

b)

B.    Pagkamagalang

c)

C.   Pagiging isport

d)

D.   Pagkamasunurin

5.

5. Gusto mong tumulong sa nanay mo sa paglalaba, paano mo ito sasabihin?

a)

A.    Maglalaba ako.

b)

B.    Ako na nga ang maglalaba

c)

C.   Tutulungan kita sa paglalaba

d)

D.   Nanay gusto ko pong tumulong sa paglalaba.

6.

6. Iniwan kayo ng inyong mga magulang sa bahay, biglang umulan nang malakas, ano ang gagawin mo sa mga isinampay ng nanay mo?

a)

A.    Hahayaan itong mabasa.

b)

B.    Antayin na dumating si Nanay.

c)

C.   Ilipat ang mga sinampay sa loob nang hindi mabasa.

d)

D.   Utusan ang mga kapatid na ilipat ang mga sinampay

7.

7. Naiwan kayo sa bahay nang biglang may dumating na  bisita ang tatay mo. Ano ang sasabihin mo?

a)

A.    Wala po dito si tatay, umalis po.

b)

B.    Antayin nyo na lang po sa labas.

c)

C.   Umalis na po kayo, bawal po ang bisita.

d)

D.   Umalis po si tatay, Bumalik na lang po kayo sa ibang araw.

8.

8.   Wala ang inyong mga magulang sa bahay, biglang dumating ang mga kaibigan mo, kabilin bilinan ng nanay mo na huwag magpapasok ng kahit na sino sa bahay. Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Makipagkwentuhan sa labas ng bahay.

b)

B.    Papasukin ang mga kaibigan sa bahay.

c)

C.   Iwasang magpapasok ng kahit na sinong tao.

d)

D.   Sumama na lang sa mga kaibigan at maglaro.

9.

9.   May pinuntahan ang inyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay ano ang inyong dapat gawin?

a)

A.    Maglinis ng bahay

b)

B.    Maglaro sa bakuran

c)

C.   Matulog maghapon

d)

D.   Umalis din ng bahay at mamasyal

10.

10.    Umalis ang inyong mga magulang. Gustong hiramin ng inyong kapitbahay ang “tool box” ng tatay mo na puno ng kagamitan. Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Ipapahiram ito agad

b)

B.    Sasabihin sa kapitbahay na bumili ng sariling kagamitan.

c)

C.   Sasabihin sa kapitbahay na masama ang manghiram.

d)

D.Sasabihin sa kapitbahay na wala ang iyong magulang  kaya bumalik na lang sa ibang araw..  

11.

11.     Bakit kailangan sumunod sa mga tuntunin ng pamayanan tungkol sa kampanya sa Kalusugan?

 

a)

A.    Upang maiwasan ang sakit.

b)

B.    Upang makisama sa mga namumuno

c)

C.   Upang malaman ang proyekto tungkol sa kalusugan.

d)

D.   Upang mapaghandaan at maiwasan ang anumang sakit na nakakasira sa kalusugan.

12.

12.    Nagkaroon ng ordinansa sa inyong barangay na dapat paghiwalayin ang mga basurang

nabubulok at di nabubulok. Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Paghihiwalayin ang nabubulok at di nabubulok na basura.

b)

B.    Paghiwalayin ang mga basura paminsan-minsan.

c)

C.   Hayaan ang mga basurero ang maghiwalay ng mga ito.

d)

D.   Hahayaang magkasama-sama ang lahat ng klase ng basura sa iisang basurahan.

13.

13.    Nagkaroon ng ordinansa sa inyong pamayanan isang kautusang Pambarangay na lahat ng asong gala ay dapat itali o ikulong?

Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Hindi papansinin ang kautusang pambarangay.

b)

B.    Hayaan sa kalsada ang mga alagang aso.

c)

C.   Susundin ang kautusang pambarangay.

d)

  D.Ipapaubaya sa mga tanod ang paghuli sa mga aso.

14.

14.    Ipinagbabawal sa inyong pamayanan ang pagtatapon ng basura sa ilog. Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Magtapon pa rin paminsan-minsan.

b)

B.    Huwag pansinin ang ordinansang ito.

c)

C.   Magtapon pa rin kapag walang nakakakita.

d)

D.   Iwasan na ang pagtatapon ng basura sa ilog.

15.

15.    Nagkaroon ng proyekto ang barangay na “Oplan Linis Kanal” tuwing Sabado. Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Tumulong at maghintay ng suhol.

b)

B.    Antayin na lamang ang mga kapitbahay.

c)

C.   Ipaubaya nalang ito sa mga opisyal ng barangay.

d)

D.   Tumulong sa paglilinis ng kanal nang may pagkukusan

16.

 

16.    Marumi at mabaho ang tubig sa estero dahil sa basura. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A.    Pabayaan na lamang ito.

b)

B.    Tumulong sa paglilinis nito.

c)

C.   Magtapon ng basura sa estero.

d)

D.   Manood na lamang sa mga taong naglilinis nito.

17.

17.    Nakita mong may basurang nakabara sa kanal ng katapat ninyong  bahay ngunit walang tao sa bahay na ito.Hindi makaagos ang tubig.Ano ang gagawin mo?

 

a)

A.    Hayaan na ito

b)

B.    Antaying dumating ang kapitbahay.

c)

C.   Iwasan ang pakikialam kahit lahat ay apektado.

d)

D.   Sabihin sa mga opisyal ng barangay  ang tungkol dito at makipagtulungan sa paglilinis nito.

18.

18.    Nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa kanal.Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Sisigawan ang kapitbahay.

b)

B.    Gagayahin ang ginawa ng kapitbahay.

c)

C.   Ipagkakalat ang kwento sa buong barangay

d)

D.   Mahinahong sasabihin na bawal magtapon ng basura sa kanal.

19.

 

19.    Napag-alaman mo sa paaralan na mahalagang ihiwalay ang nabubulok at di nabubulok na basura.

a)

A.    Hindi ito papansinin.

b)

B.    Huwag itong sundin.

c)

C.   Hihikayatin ang buong pamilya na sundin ito.

d)

D.   Huwag nang sabihin  sa mga magulang ang tungkol dito.

20.

20.    Nagpunta kayo ng mga kaibigan mo sa mall. Kinain mo ang kending bigay sa iyo ng kaibigan mo.Wala kang makitang basurahan para itapon ang balat ng kendi.Ano ang gagawin mo?

a)

A.    Itatapon ito sa carpet.

b)

B.    Isisingit ito sa upuan.

c)

C.   Itatapon ito sa damuhan.

d)

D.   Ilalagay muna ito sa bulsa.